Eroplanong Sinasakyan ni DILG Secretary Robredo, Bumagsak; Robredo at 2 pa, Nawawala

admin   •   August 18, 2012   •   5573

FILE PHOTO: Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bumagsak ang sinasakyang eroplano ni DILG Secretary Jesse Robredo alas-4:30 ng hapon ng Sabado (Agosto 18) sa bahagi ng Masbate City. Si Robredo ay iniulat na kasalukuyang nawawala.

Ayon kay Philippine National Police chief, Director General Nicanor Bartolome, kasama ni Robredo ang isa niyang aide-de-camp na si Senior Inspector Jun Abrazado at dalawa pang piloto lulan ng Piper Ceneca PA 34-200 plane mula Cebu patungong Naga City.

Tinukoy ng PNP ang dalawang pilot na sina Captain Jessup Bahinting at ang Nepalese flight student na si Kshitiz Chand.

Ayon sa ulat, kagagaling lamang ni Robredo sa isang pagtitipon kasama si Under Secretary Rico Puno sa Cebu at umano ay hahabol sa awarding ceremony ng kanyang anak sa Naga City.

Tanging si Abrazado lamang ang nasaklolohan ng isang dumaraang mangingisda at ayon kay PNP Chief Bartolome, sinabi nitong ilang minuto pa lamang silang nakakaalis sa Cebu City nang magkaproblema ang eroplano. Sinubukan umano ng piloto na mag-emergency landing sa Masbate City Airport subalit nag-iba ang takbo nito.

“Di umabot sa runway yung plane nila. About 300 meters from the airport bumagsak sa tubig,” pahayag ni Bartolome.

Kinumpirma ni Bartolome na si Robredo at ang dalawang piloto ay nasa loob pa ng eroplano nang ito ay bumagsak. Sa kasalukuyan ayon kay Bartolome ay patuloy ang search and rescue operations sa lugar na tinukoy ni Abrazado kung saan bumagsak ang eroplano. Agad ring kumilos ang mga kawani ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy upang tumulong sa paghahanap. (UNTV News)

 

 

Hiling na isailalim sa ECQ ang 3 lugar sa Bicol, pinag-aaralan na – DILG

Robie de Guzman   •   June 16, 2021

Pumalo sa 2,349 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region sa huling dalawang linggo batay sa ulat ng Department of Health (DOH).

Batay sa tala ng DOH mula Hunyo 15, nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa rehiyon ang mga lalawigan ng Albay (696), Camarines Sur (584), Sorsogon (341), Naga City (297), at Masbate (223).

Sa kasalukuyan, tanging ang Naga City ang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang June 30, 2021.

Samantalang ang malaking bahagi ng Bicol Region ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na quarantine restriction.

Bunsod nito, hiniling ng Bicol Region medical groups sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapasailalim sa pinakamahigpit na community quarantine ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, at Sorsogon pati na ang mga lungsod ng Legazpi, Naga, at Sorsogon.

Anila, nakababahala ang pagtaas ng kaso na iniuugnay sa local transmission bunsod ng maluwag na pagpapatupad ng minimum health standards, hindi pagsunod ng local officials sa Inter-Agency Task Force regulations, mabagal, inaccessible at di sapat na testing at poor contact tracing efforts at iba.

Ayon naman kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, pinag-aaralan na ng DILG ang apela ng mga medical frontliner.

“For Bicol, its under study. We are meeting with DOH this afternoon to hear their recommendations,” ani Malaya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

TAGS   , , ,

Autopsy report shows athlete Keith Absalon, cousin sustained gunshot wounds

Marje Pelayo   •   June 10, 2021

MANILA, Philippines — The City Health Office in Masbate City has released the result of its necropsy report on the bodies of Far Eastern University football player Keith Absalon and his cousin Nolven Absalon.

The two died from a landmine explosion on June 6 while biking in their hometown in Purok 4, Barangay Anas, Masbate City.

However, based on the report, Keith also sustained a gunshot wound on the right eye while Nolven sustained a gunshot wound on the right shoulder blade and on the left lateral distal thigh.

The report further confirmed that Keith died of hemorrhagic shock secondary to gunshot wound and blast injuries while Nolven’s death was caused mainly by hemorrhagic shock from the gunshot wound he sustained.

The Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) has taken full responsibility for the deaths of the two men.

“The entire CPP and NPA take full responsibility for the tragedy. There is no justification for the aggravation this has caused the Absalon family,” CPP information officer Marco Valbuena said in a statement.

The communist group also expressed “deep remorse over the untimely and unnecessary deaths” of the cousins resulting from “errors in the military action mounted by an NPA unit.”

 

DILG calls on CPP-NPA to turn over members responsible for Masbate mine blast

Aileen Cerrudo   •   June 9, 2021

MANILA, Philippines—The Department of the Interior and Local Government (DILG) has called on the Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) to turn over members involved in the Masbate mine blast.

After the CPP-NPA took responsibility for the incident, DILG Secretary Eduardo Año said the group should be held accountable for the death of football player Kieth Absalon and his cousin Novlen Absalon.

“Now that the CPP-NPA has accepted full responsibility for the senseless murder, it now becomes their duty to turn over the terrorists responsible for the deaths so that justice maybe served to their families and loved ones,” he said in a statement. Año also assured the safety of the suspects while undergoing trial.

“The ends of justice require that those responsible must be held accountable for their crimes against the people under the laws of the Republic of the Philippines,” he said.

The Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) are prepared to file criminal charges against the CPP-NPA members involved in the incident. AAC (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.