Eraserheads America Concert, dinumog ng mga Pilipino

admin   •   October 26, 2012   •   7035

Ang naging pagdagsa ng mga kababayan natin sa concert ng Eraserheads dito sa New Jersey. (UNTV / PHOTOVILLE International / Aaron Romero)

NEW JERSEY, USA — Dinumog ng mga Pilipino dito sa East Coast ang huling concert ng Eraserheads sa Amerika.

Bagama’t matagal nang disbanded ang OPM band icon noong 1990’s na Eraserheads at sa kabila ng may kanikanilang banda na sina Ely Buendia (Pupil), Raimund Marasigan (Sandwich, Pedicab, Gaijin), Buddy Zabala (The Dawn) at Marcus Adoro (Markus Highway), labis na napahanga pa rin nila ang ating mga kababayan natin dito sa Amerika lalo na sa kapwa rin nilang mga musikerong nanood ng kanilang concert.

UNTV Aaron: Paborito niyo ba ang Eraserheads?
Edong of New Jersey: Idol! Mula high school, 1990.
UNTV Aaron: Tumutugtog din kayo?
Edong of New Jersey: Oo siyempre.

Mayroon ding dumalo na bata pa lang sila ay fan na ng Eraserheads at hanggang ngayon ay ganun pa rin ang kanilang paghanga.

UNTV Aaron: Did you enjoy the concert?
Shantel of New Jersey: It was good, I love you, Ely!
UNTV Aaron: How old are you by the way?
Shantel of New Jersey: 19
UNTV Aaron: Were you able to witness them back before the 90’s?
Shantel of New Jersey: A little, just a little bit.

Mula sa iba’t ibang states dito sa east coast nanggaling ang maraming mga pilipino na pumunta sa new jersey upang masilayan ang kanilang paboritong banda.

Ayon sa E-heads front man na si Eli Buendia, hindi sila nag-reunion concert dito para lamang magsama-sama ulit na gumawa ng bagong musika o para maghanap-buhay,  kundi upang bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na hindi na nakabalik sa ating bansa na makita sila.

Bukod sa concert para sa ating mga kababayan, sinamantala rin nila ang pagkakataon upang makapag-bonding sa kanilang mahal sa buhay dito sa America.

Ito ang huli sa apat na concert ng kanilang north american tour na nagpasimula sa San Francisco noong Oct.12 , sinundan sa Los Angeles, sa Toronto, Canada, at dito sa New Jersey. (Aaron Romero, UNTV News)

(Left to Right) Ang OPM band icon noong 1990’s na aktibo pa rin sa tugtugan sa kanikanilang banda: Marcus Adoro (Markus Highway), Buddy Zabala (The Dawn), Raimund Marasigan (Sandwich, Pedicab, Gaijin), at Ely Buendia (Pupil). (UNTV / PHOTOVILLE International / Aaron Romero)

107.5 Wish FM, bagong estasyong kagigiliwan ng ating mga kababayan

admin   •   August 12, 2014

Pormal ng ipinakilala nitong Linggo sa World Trade Center ang Wish FM, ang bagong FM station na kagigiliwan ng mga Pilipino ngayon. Ang Wish FM ay magtutungo sa iba’t ibang lugar gamit ang bagong mobile FM bus na kaunaunahan muli sa Pilipinas. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isa na namang bagong FM radio station ang tiyak na kagigiliwang pakinggan ng maraming Pilipino sa ngayon.

Nitong Linggo ng gabi ay pormal nang ipinakilala ang bagong mukha ng 107.5 Wish FM na magbibigay pagkakataon sa mga tagapakinig nito na tuparin ang kanilang “wish”.

Una sa listahan ng mga wishers si Rochelle Pondare, ang nag-iisang nabubuhay sa Pilipinas na may sakit na “progeria” o mas mabilis kaysa normal na pagtanda ng isang tao.

Sa edad nitong 17 anyos, ang kanyang katawan ay tulad na ng sa isang 90 taong gulang.

Isa si Rochelle sa nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang wish na maging isang recording artist.

Natupad rin ang wish ni Tita Tatad Valderama para sa kanyang ama na mabigyan ng birthday cake sa kanyang ika-80 kaarawan.

Wish granted rin ang hiling ni Jullea Rusoqui mula pa sa Cebu matapos ang natitirang dalawang taon niya sa kolehiyo.

Ilan lamang sila sa mga kababayan natin na nagkaroon ng pagkakataong matupad ang kanilang wish.

Kabilang sa mga mapapakinggan araw-araw sa 107.5 Wish FM ang mga programang Morning Wish with Hill Billy Willy, Wonderland kasama sina DJ Princess at DJ Alice, Road Show with DJ Jelly Kisses, The Wish List nina Flynn Rider and Russell, at The Afternoon Cruise ni Uncle Harry.

Ang Wish FM ay magtutungo sa iba’t ibang lugar gamit ang bagong mobile FM bus na kaunaunahan muli sa Pilipinas.

Samantala, isang free Wish Concert din ang isinagawa kagabi sa sa World Trade Center (WTC) sa Pasay City para sa pormal na pagsasahimpapawid ng 107.5 Wish FM.

Nakisaya sa lahat ng wishers ang mga bandang Rivermaya, Spongecola, 6Cyclemind, Sandwich, Imago, Moonstar-88, Silent Sanctuary, Kenyo, Callalily at iba pa.

Kasama rin sina Richard Poon, Jerald Santos, Jeffrey Hidalgo, Mitoy, Jonalyn Viray, Milan Pavoreal at marami pang iba. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Philippine Independence Day parade sa NYC, nilahukan ng libu-libong Pilipino

admin   •   June 6, 2014

Isang malaking watawat ng Pilipinas ang bitbit ng mga miyembro ng NGO na ito sa parada sa New York para sa pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas. (AARON ROMERO / Photoville International)

NEW YORK CITY, USA — Muling ipinagdiwang ang pinakamalaking Philippine Independence Day Parade sa Manhattan, New York City.

Libu-libong Pilipino mula sa iba’t-ibang estado ng Amerika ang dumayo upang sumuporta at makita ang mga Pinoy pride gaya nina Olympic Figure Skater Michael Christian Martinez at 2013 Miss World Meagan Young at iba pa.

(Left-Right) Miss World 2013 Meagan Young; Black Eye Peas member Apl.D.Ap o Allan Pineda. (AARON ROMERO / Photoville International)

(Left-Right) Miss World 2013 Meagan Young; Black Eye Peas member Apl.D.Ap o Allan Pineda. (AARON ROMERO / Photoville International)

“The Philippine Independence Day Parade here in New York is getting bigger and bigger every year,” saad ni Consul General Marion De Leon.

Ang delegasyon ng Philippine Embassy sa pagdiriwang. (ERNESTO FERNANDEZ / UNTV News)

Bakas ang Filipino pride sa naturang parada hindi lamang sa mukha ng ating mga kababayang Fil-Am kundi pati na rin sa mga pambato ng bansa.

“We’re just about anywhere in the world and what’s nice about is that you always have that family feel with everyone, it’s almost like we will always take care of each other and for me I take that to heart and thats something I’m very proud of,” pahayag ni WBO Light Featherweight Champion Ana Julaton.

(Left-Right) WBO LightLight Featherweight Champion Ana Julaton; Olympic Figure Skater Michael Christian Martinez,  (AARON ROMERO / Photoville International)

(Left-Right) WBO Light Featherweight Champion Ana Julaton; Olympic Figure
Skater Michael Christian Martinez. (AARON ROMERO / Photoville International)

“It’s good to let everyone know around the world that Pinoys can do what anyone else can do, you know what I mean so it’s great,” saad naman ni Fil-Am Race Driver Michelle Marie Bumgarner.

Fil-Am Race Driver Michelle Marie Bumgarner (ERNESTO FERNANDEZ / UNTV News)

Ang New York Philippine Independence Day parade ay ginaganap taon-taon sa sentro ng New York City bilang simbolo ng malaking kontribusyon ng ating mga Filipino-American sa ekonomiya at kultura ng lungsod. (UNTV News America: Reporter: Enzo Cruz, Scriptwriter: Sonny Cos,Photographers: Aaron Romero, Ernesto Fernandez,Editor: Ruth Navales)

Ang Filipino-American ang isa sa pinakamalaking lahing may dugong Asyano ayon sa census ng US Government kaya naman taon-taon din na dinudumog ang pagdiriwang na ito.  (ERNESTO FERNANDEZ / UNTV News)

3 estado sa East Coast USA, isinailalim na sa state of emergency

admin   •   February 6, 2014

An elderly woman battles the snow storm without her gloves and umbrella. Some schools in New York City were dismissed early due to difficult commutes in the afternoon rush hour. February 04, 2014 photo by Aaron Romero / UNTV News/ Photoville International 

USA — Tatlong estado na sa East Coast ang isinailalim sa state of emergency bunsod ng pananalasa ng winter storm sa Amerika.

Kabilang sa mga ito ay ang New york, New Jersey at Mississippi

Sa New York at New Jersey, nakararanas na ng shortage sa asin na ginagamit sa pag-alis ng snow sa daan.

Kanselado na ang mga klase at pasok sa opisina sa mga nabanggit na lugar.

Mahigit sa 2,000 flights na rin ang kinansela sa iba’t-ibang paliparan.

Umaabot na sa isang milyong residente sa northeast ang walang supply ng kuryente.

Ayon sa National Weather Service, asahan pa ang makapal na snow sa mga estado ng New Mexico, New York, Ohio, Oklahoma, Pennyslvania, Rhode Island, Wyoming at Vermont.

Sa ngayon, tatlo na ang iniulat na nasawi dahil sa winter storm sa Northeast at Widwest America. (REUTERS / UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

(+632) 8920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+632) 8396-8688

ADVERTISE WITH US

(+632) 8 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.