E-skwela hub, binuksan sa Maynila

Robie de Guzman   •   August 31, 2020   •   176

Isang pasilidad na gagamitin sa blended distance learning ang inilunsad ngayong Lunes, Agosto 31 sa lungsod ng Maynila.

Ang pasilidad na tinaguriang e-skwela hub ay inaasahang makatutulong sa mga mag-aaral, guro at magulang na walang kakayahang makabili ng gadget, computer, at printer o kaya ay walang access sa internet.

Ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, magagamit ang e-skwela hub para sa pag-aaral at research activity ng mga mag-aaral.

Ani Domagoso, katuwang sa proyektong ito ang pribadong sektor at ilang opisyal ng pamahalaan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Nag-abandona sa matandang babae sa tulay sa Maynila, arestado

Robie de Guzman   •   September 4, 2020

Ephraim Tan Yap (kaliwa) at ang kanyang inabandonang tiyahin na si Fulgencia Tan (kanan)

MANILA, Philippines – Nasa kamay na ng mga otoridad ang mga nag-abandona sa isang senior citizen sa ilalim ng isang tulay sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), nahuli ngayong Biyernes si Ephraim Tan Yap, 51, pagkatapos ng isinagawa nilang operasyon.

Ayon kay SMaRT Chief Rosalino Ibay Jr., si Yap ay pamangkin ng matandang babae na kinilalang si Fulgencia Tan na kamakailan ay natagpuang nag-iisa at nakahiga sa ilalim ng McArthur Bridge.

“Nalaman natin na ang victim ay isang person with disability (PWD) at senior citizen. We conducted a follow-up operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng tatlong malefactor natin,” ani Ibay.

Sa pagharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinabi ni Yap na tatlong linggong na-confine ang matanda sa isang ospital at napunta sa kanya ang responsibilidad sa pag-aalaga rito nang mamatay ang asawa nito.

Ngunit sa halip na alagaan, lumapit umano siya sa isa pang suspek na si Emerita Decilio upang magpatulong na dalhin ang matanda sa isang charity group.

Inabutan niya umano si Decilio ng perang nagkakahalaga ng P1,500 para ipambili ng pangangailangan ng kanyang tiyahin.

“Lumapit po ako kay Emie, pagtapos po noon pumunta kaming barangay para sa certication na inaabandona ko na ang auntie ko. Kaya humingi po ako ng tulong para maipadala siya sa mga center,” ang wika ni Yap.

Inamin naman ni Decilio na inabandona niya ang matanda matapos umano silang tanggihan ng nilapitang grupo.

“Mayroon na po akong certificate sa barangay na si Mrs. Tan ay abandoned kaya kailangan tanggapin ng Missionary of Charity kasi abandoned na,” paliwanag ni Decilio.

“Pero wala pong tumanggap sa’min, kaya desperado na po ako. Aaminin ko po iniwan ko po,” dagdag pa niya.

Ayon kay Ibay, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o ‘Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One’s own Victim.’

Kabilang din sa mga sasampahan ng kaso ang drayber ng tricycle na inarkila ni Decilio na si Rogelio Espino.

Suspect in nurse’s fatal hit-and-run surrenders

Robie de Guzman   •   September 3, 2020

MANILA, Philippines – The suspect in a hit-and-run incident that resulted in the death of a nurse in Manila has surrendered to authorities, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso said Thursday.

The Manila Police identified the suspect as Mohamad Ali Sulaiman. He is the brother of Sauda Bacaye who claimed to be the owner of the black Mitsubishi pick-up that hit nurse Renz Jayson Perez on the night of August 23.

Sulaiman was accompanied by his sister together with lawyer William Delos Santos and Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace chairman Datu Basher “Bong” Alonto when he met with Mayor Isko in his office on Thursday afternoon.

Sulaiman asked for forgiveness from Perez’s family as he admitted that he was driving the vehicle involved in the incident.

“Gusto ko lang pong humingi ng kapatawaran sa nagawa kong aksidente at ako’y hindi muna lumitaw dahil ako’y nadala ng aking takot at ako’y maghahanap muna ng malalapitan na pwedeng tumulong katulad ni Bong Alonto at siya ‘yung naging [tulay sa] pagpunta kay Mayor,” Sulaiman said.

“Humihingi po ako ng paumanhin, kapatawaran sa nagawa kong aksidente. Sana mapatawad niyo ako sa aking mga kasalanan,” he added.

The Manila City Mayor assured the Perez’s family, Sulaiman and the public of due process as the suspect will face charges for reckless imprudence resulting into homicide.

“Ang hustisya naman ay nakapiring. Mabibigyan ka ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa mata ng batas. Ikaw naman ay may abogado,” Domagoso told Sulaiman.

“Maraming salamat sa’yo at luminaw ang isipan mo na harapin na lamang kung ano ang magiging ending o magiging hatol sa’yo ng pagkakataon,” the Mayor said.

Mayor Isko also asked Bacaye to take responsibility even if she was not the one who drove the vehicle during the incident.

“Mayroon lang akong pakiusap doon sa may-ari ng sasakyan. Maging takdang aral sa atin ito sa pagpapahiram ng sasakyan, dahil I think your lawyer will agree with me that there is some level of responsibility as the owner,” he said.

“Ang pakiusap ko lang kung pupwede, sana matulungan niyo yung pamilya ng naulila. ‘Yun ang pakiusap ko sa inyo. ‘Yung hustisya naman kakaharapin naman ni (Solaiman) iyon,” he added.

163 tons of waste collected from Baseco Beach since January

Aileen Cerrudo   •   September 3, 2020

Manila’s Department of Public Services (DPS) has collected a total of 163.27 metric tons of waste from Baseco Beach since January.

In a Facebook post, the Manila Public Information Office (MPIO) said that the team of DPS Baseco Beach Warriors has been conducting cleaning operations everyday since January 2020 along the shores of Barangay 649.

NEWS FEATURE: 163 TONELADA NG BASURA, NAHAKOT SA BASECO BEACH SIMULA ENEROAraw-araw na nagsasagawa ng clean up…

Posted by Manila Public Information Office on Wednesday, September 2, 2020

The group of Baseco Beach Warriors has nine members tasked to clean and collect waste in Baseco. DPS Director Kenneth Amurao lauds the efforts of the Baseco Beach Warriors and encouraged the public to also put effort in maintaining cleanliness and practicing proper waste disposal.

“Kailangan po natin ang kooperasyon ng bawat isa. Lilinisin at lilinisin po namin ito sapagkat ito ang aming trabaho ngunit bilang mamamayan, dapat sa atin mismo magsimula ang disiplina. Para rin ito sa inyo at sa inyong mga anak nang matamasa nila ang maayos at malinis na Baseco, (We need the cooperation of everyone. We will clean this because this is our job but as citizens, discipline should start with us. This is for you and your children, for them to see a clean Baseco),” Amurao said. AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.