Duque: Pagbubukas ng klase sa Agosto, ligtas basta’t matitiyak ang minimum health standards

Robie de Guzman   •   May 26, 2020   •   527

MANILA, Philippines – Naniniwala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 basta’t maipatutupad ang kinakailangang minimum health standards sa mga paaralan.

Inihayag ni Duque ang kanyang opinyon nang hingan siya ng pahayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa isinagawang virtual hearing ng Senate Committee on Health and Demography ngayong Martes.

“Pag-aralan po namin maigi ito pero sa tingin po namin, ligtas naman po kung bubuksan natin ang klase by August 24. Ang kinakailangan po rito, siguraduhin lamang na ang lahat ng ating minimum standards for health ay nakatalaga,” ani Duque.

Kabilang aniya sa minimum health standards na kailangang masunod ay ang pagkakaroon ng physical distancing, palagiang paghuhugas at pagdi-disinfect ng mga kamay at pagkakaroon ng thermal scanner upang ma-check kung mataas ang temperatura ng katawan ng isang tao.

“Tingin ko magiging ligtas naman po ang pagbubukas ng ating pong mga paaralan at meron din po tayong evidence-based na atin pong titingnan gaya ng ginagawa po ng IATF,” ani Duque.

“We will continue to evaluate yung mga bilang ng mga kaso down to the barangay levels,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address noong Lunes ng gabi na hindi siya papayag na muling magbalik-eskwela ang mga mag-aaral hangga’t walang natutuklasang bakuna kontra novel coronavirus disease (COVID-19).

Sa paglilinaw naman ng Malakanyang ngayong Martes, ang pagkakaroon ng face-to-face o physical classes in classroom ang tinutulan ng Pangulo at tuloy pa rin naman ang pagbubukas ng academic schoolyear 2020-2021 sa Agosto.

Kung mananatili pa rin ang banta ng COVID-19 bandang Agosto, ipatutupad naman ng pamahalaan ang flexible blended learning sa lahat ng antas.

Kabilang sa paraang ito ang paggamit ng telebisyon at radyo upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral, lalo na sa mga nasa liblib na lugar at hindi maaabot ng internet.

“Kung hindi po talaga dumating ang new normal, at hindi mai-lift ang community quarantines, di po ibig sabihin na di na mag-aaral ang ating mga kabataan. Mayroon po tayong tinatawag na blended learning sangayon kay Sec. Briones ng DepEd, gagamitin po natin ang telebisyon, ang radio at ang internet para ipagpatuloy po ang edukasyon ng ating mga kabataan,” ani Roque.

Suportado naman ni Duque ang mga plano ng Department of Education (DepEd) upang maseguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral.

Una nang sinabi ng DepEd na bukod sa pagsasagawa ng online classes, pinag-aaralan na rin nila sa ngayon ang iba’t ibang learning tools, work arrangement para sa mga guro at maging ang sistema ng assessment sa mga mag-aaral. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

Navotas to undergo 14-day lockdown due to surge in COVID-19 cases

Aileen Cerrudo   •   July 13, 2020

Navotas City will be placed under a 14-day lockdown due to the rising cases of coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Navotas City Mayor Toby Tiangco confirmed what has been floating on social media regarding the lockdown, although he added that he is still yet to sign the directive.

Based on the report of City Health officials on Sunday (July 12), there are 931 confirmed cases in the city.

Tiangco lamented that despite the rising cases, residents continue to leave their houses irresponsibly. He also said that several children are playing outside without wearing face masks.

Barangay NBBS Dagat-dagatan has the highest confirmed COVID-19 cases in the city.

Barangay Chairperson Zenaida Tibulan said most of the residents thought there is less danger when community quarantine eased.

Lahat halos lumalabas na noong nagkaroon ng GCQ parang pakiramdam nila natapos na ang problema. Sobra lang mahirap talaga para masasabi nating ma-control ang mga tao at mga bata na lumabas (Almost everyone went outside when GCQ was implemented, they thought the problem is over. It is really difficult to control residents and children not to leave their houses),” she said.

Mayor Tiangco said he is still waiting for the augmentation force he requested from the Department of the Interior and Local Government (DILG) to begin the implementation of the lockdown in the city. –AAC (with reports from Dante Amento).

Phl Red Cross opens convalescent plasma center in Manila to help fight COVID-19

Robie de Guzman   •   July 13, 2020

MANILA, Philippines – The Philippine Red Cross (PRC) on Monday said it has opened its convalescent plasma center in the Philippine capital to help in the fight against novel coronavirus disease (COVID-19).

The PRC said its convalescent plasma bank was opened at its National Blood Center in Port Area and has started operations Monday.

In a statement, PRC chairman Senator Richard Gordon said the facility aims to help COVID-19 patients after some medical experts attested to the therapy’s effectiveness.

“Pinilit naming magkaroon ng convalescent plasma center para mabigyan ng pag-asa ang mga kababayan natin na may COVID,” he said as he noted that 9 out 10 patients who underwent the therapy have recovered from the disease.

Convalescent plasma therapy involves the extraction of blood plasma from COVID-19 survivors to be transfused to a patient who is still battling the disease. Blood plasma is expected to contain antibodies which will help recipients fight off the infection.

Gordon said the center is open for COVID-19 survivors who wish to donate blood plasma to the PRC.

COVID-19 survivors between the ages of 18 and 65 would have to undergo physical and medical to see if they are qualified to donate blood plasma.

To date, the Philippines has recorded a total of 57,006 COVID-19 cases. Of these patients, 20,371 have recovered while 1,599 died from the disease.

Burial for COVID-19 victims allowed but should be done within 12 hours—DOH

Aileen Cerrudo   •   July 13, 2020

Burial for victims of the coronavirus disease (COVID-19) is allowed but should be done within 12 hours, according to the guidelines implemented by the Department of Health (DOH).

“We are still following our Code on Sanitation dito sa ating bansa and ang Law for Notifiable Diseases. Nakalagay dito na ang isang pasyenteng mamamatay sa infectious disease, kailangan within 12 hours mailibing natin, (We are still following our Code on Sanitation and Law for Notifiable Disease in our country. It is stated that a patient who succumbed to an infectious disease should be buried within 12 hours),” according to the statement of DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

The protocols for the burial of COVID-19 victims is based on the Department Circular No. 0067 released in February.

Vergeire also said the casket should be double sealed and should not be reopened once it is closed. She added that buried remains of patients infected with the novel coronavirus shall not be exhumed for whatever reason.

The DOH said they are aware of the increasing number of COVID-19 deaths and the long queues in crematoriums. There are also reports of dwindling supply of urns. AAC (with reports from Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.