DTI prefers not extending NCR Plus Bubble beyond April 4

Aileen Cerrudo   •   March 26, 2021   •   791

MANILA, Philippines — The Department of Trade and Industry (DTI) said it is not in favor of extending the National Capital Region (NCR) Plus Bubble beyond April 4.

DTI Undersecretary Ruth Castelo said extending the stricter quarantine in NCR would not be beneficial for the economy. Castelo said businesses can still operate while individuals follow health protocols.

Kung tatanungin mo ang DTI, gusto na sana natin na maipa-open na ulit sa April 5. Hindi naman siguro natin kailangan totally isara ang mga negosyo or ang paggalaw ng tao. Dahil kung susundin natin lahat ng mandatory protocols, makakatulong pa rin iyan kapag tuloy-tuloy ang negosyo (If you’re going to ask the DTI, we prefer to open [the economy] by April 5. We may not need to close businesses or limit the public. Because as long as mandatory protocols are followed, it will still be beneficial if businesses will continue),” he said.

The recommended extension of the NCR Plus Bubble stemmed from the study of the University of the Philippines (UP) OCTA Research where it would need four months to see the effects of the restriction in the NCR and see the possible lowering of coronavirus disease (COVID-19) cases.

According to the National Economic Development Authority (NEDA), Metro Manila and its neighboring cities lose around P700 million in profit due to the implementation of the general community quarantine (GCQ). -AAC (with reports from Joan Nano)

Mga establisimyentong hindi nag-iinspeksyon ng vaccination card, dapat isumbong – DTI

Robie de Guzman   •   November 11, 2021

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga restaurant na hindi nag-iinspeksyon ng vaccination card ng mga customer sa indoor dining.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kabilang sa IATF COVID-19 protocols ang pagprisinta ng vaccination card upang masigurong bakunado na ang mga papasok sa mga establisimyento at maiwasan ang hawaan ng coronavirus disease.

“Kapag sinabi ng customer na vaccinated ako pero hindi hinanap yung card, yun po is a ground for telling us the authorities, the LGUs, na itong restaurant na ito ay hindi sumusunod sa requirement po, kasi ang requirement talaga ay maghahanap ng proof of vaccination,” ani Lopez.

Sa ilalim ng patakaran ng IATF para sa COVID-19 Alert Level 2 sa Metro Manila, pinapayagan ang 50% capacity para sa indoor dining na ekslusibo sa mga bakunadong customer.

Nasa 70% capacity naman ang pinapayagan para sa outdoor dining, bakunado man o hindi.

Bukod sa mga restaurant, obligado rin ang iba pang business establishments na matalaga ng safety officer upang masiguro na mahigpit pa ring maipatutupad ang mga health protocols partikular na sa mga taong pumupunta sa mga mall.

“They are supposed to assign full time safety and health protocol officer, walang gagawin kung hindi magsigurado na lahat nung mga tao doon sa establisimyento na yun, customer man o workers ay sumusunod doon sa minimum public health standards,” ani Lopez.

Ang mga nais na mag-report ay maaaring makipagugnayan sa DTI hotline number 1384.

Pagtitiyak ng DTI, lahat ng matatanggap na sumbong ay personal na iinspkesyunin para makumpirma ang reklamo.

Sakaling mapatunayan ang paglabag, makikipag-ugnayan ang DTI sa nakakasakop na local government unit para sa ipapataw na parusa sa lumalabag na establisimyento. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

No price increase in holiday food items — DTI  

Maris Federez   •   November 9, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Trade and Industry (DTI) has allayed fears of impending price increases as the holiday season begins.

Trade Secretary Ramon Lopez said food manufacturers have promised not to make any price increases on holiday food items.

Lopez said that, in return, the government will commit to giving support to these manufacturers.

“Mas marami ‘yung mga hindi nagtaas. Nag-abiso na sila, hindi magtataas ‘yung mga ham, ‘yung mga queso de bola, mga fruit cocktail, etcetera, mga pasta and sauce. Iyong mga hindi nagtaas, iyan po ang ating ipu-promote at iyan po ang aming ipa-publish sa bawat produkto, anong brand, anong SKU (stock keeping unit), anong size ang hindi nagtaas.  Kaya po masuwerte po iyong mga hindi magtataas ipu-promote po sila ng gobyerno,” Lopez said.

The official also noted minimal adjustments in the price of other grocery products, and that prices of most basic goods remain the same.

“Halos hindi mo nararamdaman kung itong mga paggalaw. More than one-half po noong ating nasa listahan ng basic necessity and prime commodities, wala pong pag-increase. At iyong mga may nag-increase man, ito po ay nasa mga 3% lamang,” he added.

In the recent study released by the Philippine Statistics Authority, the agency reported a low inflation rate in the country in October. This is due to the slow movement in the price of food and non-alcoholic beverages. —/mbmf (from the report of UNTV Correpondent Rosalie Coz)

MSMEs, maaari nang mag-apply ng soft loan mula Nov. 2 hanggang Dec. 7 – DTI

Robie de Guzman   •   October 28, 2021

 

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa susunod na linggo ang pagtanggap ng aplikasyon para sa soft loans ng 13th month pay ng mga empleyado ng micro, small, and medium enterprises (MSME).

Ayon kay Bobby Bastillo, ang spokesperson at vice president for Innovations and Advocacy ng DTI SB Corporation, kalahating bilyong piso ang inilaang pondo para sa soft loans ng mga maliliit na negosyo.

“Nais po ng pamahalaan na makatulong sa ating maliliit na negosyo na makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado na minamandato ng batas. So kami po ay naglaan sa SB Corp, under DTI ay naglaan ng pondong hanggang P500 million para po makatulong, ito po ay soft loan,” ani Bastillo.

Maaaring bayaran ang loan sa loob ng isang taon nang walang interes. Bibigyan din ang mga kumpanya ng tatlong buwang grace period.

Ayon sa SB Corp., simula Nobyembre 2 hanggang Disyembre 7 ay maaari nang magsumite ng application online ang MSMEs na naapektuhan ng pandemiya.

Maaaring ipasa ang aplikasyon sa website ng SB Corp na www.sbcorp.gov.ph.

Nasa 6,000 hanggang 7,000 na MSME ang maaaring makinabang sa soft loan program ng pamahalaan.

Partikular na dito ang nasa database ng Department of Labor and Employment na nag-avail ng flexible work arrangement mula Marso 20 hanggang Oktubre 15.

Nakalaan ang loan facility sa mga negosyong may 20 empleyado pababa. Nasa P12,000 ang standard loan amount kada empleyado.

“Sila (MSMEs) po yung mas nahihirapan na mag-comply sa mandato na mga kumpanya na magbigay ng 13th month pay,” ani Bastillo.

Kailangan lamang kumpletuhin ng kumpanya ang online application form.

Kabilang sa requirement ay ang barangay business permit kung mangungutang ng P50,000 o mayor’s permit naman kung lagpas P50,000 ang iaapply na loan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.