DOTr to LTFRB: Intensify crackdown vs. Angkas drivers

admin   •   December 19, 2018   •   3469

MANILA, Philippines — The Department of Transportation (DOTr) has tasked the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) to intensify its campaign against motorcycle-ride hailing app, Angkas drivers who continue to operate.

DOTr Secretary Arthur Tugade said the transportation department has followed the injuction released by the Mandaluyong Regional Trial Court in favor of Angkas in the past, so now, the secretary insisted that Angkas must follow the temporary restraining order (TRO) issued by the Supreme Court, which is based on the decision of the Mandaluyong RTC.

The secretary said that the department will enforce the law against colorum bikers. — UNTV News & Rescue

Presyo ng face shield sa merkado, dumoble dahil sa taas ng demand

Robie de Guzman   •   August 7, 2020

MANILA, Philippines – Dumoble ang presyo ng face shield sa ilang pamilihan sa Divisoria at Baclaran kasunod ng pagtaas ng demand para rito.

Ayon sa ilang mamimili, nagulat sila sa biglang pagtaas ng presyo ng face shield sa maikling panahon lamang.

Mula sa P23 bawat piraso noon lamang Sabado, umakyat umano ang presyo nito sa P40 hanggang P65.

Sinasabing tumaas ang demand sa face shield matapos i-anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na oobligahin na simula sa August 15 ang pagsusuot ng face shield para sa mga sasakay ng pampublikong sasakyan.

Batay ito sa inilabas na administrative order ng DOTr na may layuning mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa taas ng demand, pahirapan na rin umano ang pagkuha ng supply nito ngayon ayon sa ilang tindahan.

Ayon sa face shield vendor na si Rudy Iglesias, dati ay pasampu-sampu o singkwenta lang ang nabebenta niya pero ngayon ay libu-libo na ang hinahanap sa kanila ng mga mamimili kaya nahihirapan na silang kumuha ng supply.

“Sa ngayon mahirap po. mahirap po talaga. Sa dami pong naghahanap mula nung inano ng ating presidente na kailangang gumamit tayo ng ganito,” ani Iglesias. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Vincent Arboleda)

Mini loop routes ng city buses, ipinatupad na ng DOTr

Robie de Guzman   •   June 29, 2020

Fdxv

MANILA, Philippines – Umarangkada na ngayong Lunes, Hunyo 29 ang mini loop routes ng city buses para makatulong sa pagbiyahe ng mga commuter.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dalawa ang mini loop routes na binuksan ngayong araw: ang Monumento – MRT Quezon Avenue Station at PITX – Ayala Avenue.

Ang rutang Timog-Santolan naman ay sa Miyerkules, July 1 pa magsisimula.

Nakadugtong ang mga rutang ito sa bus augmentation ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 na bumibiyahe sa EDSA sa pagitan ng North Avenue at Taft Avenue na binuksan ng DOTr noong June 1 kasabay ng paglipat ng Metro Manila sa general community quarantine.

“Marami kasi tayong mga commuter o mga pasahero na nag-express ng kanilang concern na wala silang masakyan from Monumento going to North Avenue or Quezon Avenue. Gayundin y’ong mga galing ng PITX papunta ng Ayala. So, ‘yon ang in-adress natin ngayon,” ani DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran.

Ayon sa kagawaran, 30 public bus units ang nakatalaga sa mga nabanggit na ruta.

Tiniyak naman ng DOTr na araw-araw ang gagawing assessment para matugunan ang pangangailangan ng mga commuter.

Alinsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force, gradual o unti-unti ang pagbabalik ng operasyon ng mga pampublikong sasakyan. Una nang pinayagan ang limitadong operasyon sa itinakdang ruta ng point-to-point buses, transport network vehicle services at public utility buses. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Ilang UV Express driver, humihiling ng dagdag-pasahe dahil sa tumal ng biyahe at pasahero

Robie de Guzman   •   June 29, 2020

MANILA, Philippines – Balik-operasyon na ngayong araw ang mahigit 900 UV Express units sa Metro Manila at ilang kalapit na lugar matapos ang ilang buwang tigil-pasada dahil sa ipinatutupad na community quarantine kontra novel coronavirus disease (COVID-19).

Bumibiyahe ang UV Express Units na ito sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna alinsunod sa 47 ruta na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Batay sa guidelines ng LTFRB, terminal to terminal lamang ang biyahe ng UV Express units, at bawal silang magsakay at magbaba ng pasahero sa daan.

Dapat ding mahigpit na naipatutupad ang safety at health protocols upang maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19 sakaling may pasahero na carrier ng virus.

Sa unang araw ng pagbabalik-pasada ng UV Express units, naging matumal ang dating ng mga pasahero sa ilang terminal.

Kaya hiling ng ilang driver, payagan ng LTFRB ang hiling nilang taasan ang pasahe lalo’t limitado lang din ang bilang ng mga pasahero na maaaring isakay dahil sa ipinatutupad na physical distancing measures.

Ayon sa driver na si Orlando Rodriguez, kung may kikitain man sila sa pamamasada ngayon ay halos wala ring matitira dahil nagbabayad pa sila ng toll kapag dumadaan sa North Luzon Expressway.

“Eh parang napakahirap pong makasurvive sa ganyan kasi unang-una po ngayon napakataas na ng diesel. Sana po pag-aralan ‘yung aming mga taripa,” ani Rodriguez.

“Parang bayanihan na lang ‘tong ginagawa namin. May masakyan lang po mga kababayan natin,” dagdag pa niya.

Tugon naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, hindi maaaring pagbigyan ang hiling na dagdag-pasahe sa ngayon.

Ngunit pangako ng opisyal, may inihahandang programa ang pamahalaan gaya ng fuel subsidy bilang ayuda sa transport operators at drivers.

“Yung current policy natin na hindi tataas ang pamasahe applies to all kinds of public transport. What we are actually trying to address here is yung mga mananakay na nagsimula nang magbalik trabaho… Mas mabuti na hindi muna sila mabibigyan ng dagdag gastusin pagdating dito sa dagdag-pasahe,” ani Delgra.

Babala ng pinuno ng LTFRB, maaaring pagmultahin o kaya ay maharap sa kanselasyon ng prangkisa ang mga lalabag sa panuntunan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.