DOLE denies deployment ban on health care workers

Maris Federez   •   November 9, 2021   •   491

MANILA, Philippines — The Department of Labor and Employment (DOLE)  has denied reports of a deployment ban on health care workers, particularly nurses.

In a statement, DOLE Secretary Silvestre Bello III clarified that since the deployment cap of 6,500 has already been reached, the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) announced the temporary suspension of deployment.

However, there are exemptions to the said ban.

“We have already reached the current ceiling of 6,500 on the deployment of health care workers. However, OFWs under the Balik Manggagawa, government-to-government arrangements, and those who will be deployed in the United Kingdom are exempted from the suspension,” Bello said.

The labor chief also said that the lifting of the suspension is subject to the evaluation by concerned government agencies of the current situation on the deployment of healthcare workers.

“The Labor Department will confer the matter with the Professional Regulation Commission, the Philippines Nurses Association and the Department of Health should there be a need for the increase of say, another 1,500 in the existing cap,” Bello said. —/mbmf

Mas maiksing isolation period para sa fully vaccinated population, imumungkahi ng DOH

Robie de Guzman   •   January 11, 2022

MANILA, Philippines – Irerekomenda na rin ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na paikliin na rin ang isolation period para sa fully vaccinated persons na magpopositibo sa COVID-19 pero walang ipinapakitang sintomas.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, ipinapanukala nilang gawin na ring limang araw mula sa kasalukuyang sampung araw ang isolation period para sa general population.

“Ang gagawin po namin, nag-propose na po ang DOH na i-streamline natin ito sa general public to harmonize the isolation and protocols,” ani Vega.

“We would like to propose by the Department of Health, and of course, this proposal will be sent to the IATF for consideration and approval na mag-isolate na po tayo once kasi, 60% na sa ating bansa ay omicron and basically we can actually isolate the asymptomatic cases especially if you are vaccinated for five days similar to the health care workers,” dagdag pa niya.

Una nang inaprubahan ng IATF ang panukalang paiksiin ang isolation period ng fully vaccinated healthcare workers na magpopositibo sa coronavirus disease pero walang sintomas.

Sa ilalim ng bagong polisiya, limang araw na lamang sasailalim sa isolation ang isang fully vaccinated health worker na positibo sa COVID pero asymptomatic o kaya ay mild o moderate ang kondisyon.

Sa halip na 10 araw ay maaari na umano silang bumalik sa trabaho pagkaraan lamang ng limang araw.

Habang pwede nang hindi mag-quarantine ang mga bakunadong health workers na closed contacts basta’t sila ay asymptomatic o walang ipinakikitang sintomas.

Binatikos ng isang grupo ng healthcare workers ang polisiya dahil may posibilidad pa rin anilang kumalat ang COVID-19 dahil maaari pa ring makapanghawa ang asymptomatic.

Pero giit ng Malakanyang, ang pagpapaikli sa isolation period ng healthcare workers ay dapat may rekomendasyon at clearance mula sa nakasasakop sa kanilang ospital.

“So it is the hospitals, the health experts, those hospitals, those committees na mag-a-assess dun sa mga na-expose na healthcare workers kung fit na ba sila to be brought back in circulation,” ani Nograles.

Binigyang-diin rin ng DOH na nakabatay ang polisiya sa siyensiya at pag-aaral ukol sa transmissibility ng virus, lalo na sa mga nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19.

“Alam natin 93 percent na kasi bakunado, they are protected in a way against the virus, especially this Omicron for hospitalization and even death. And ang reason na naging 5 days especially for the asymptomatic because we believe that on the 5th day, you’re vaccinated, the viral load is very low, and you can no longer transmit the virus, or you’re not contagious,” ani Vega.

Sa kasalukuyan, 10 araw ang ipinatutupad na isolation period sa mga mild o moderate cases ng COVID-19, bakunado man o hindi, para sa general population.

Dalawampu’t isang araw naman ang isolation period para sa mga nakararanas ng severe at critical symptoms ng COVID-19.

Ang quarantine period naman para sa close contacts o mga na-expose sa confirmed COVID-19 cases ay pitong araw para sa fully vaccinated, at 14 days sa mga hindi pa kumpleto ang bakuna o hindi pa bakunado. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

 

Grupo ng health workers, tutol sa maiksing quarantine period

Robie de Guzman   •   January 10, 2022

MANILA, Philippines – Hindi sang-ayon ang grupong Alliance of Health Workers (AHW) sa hakbang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na paiksiin ang isolation at quarantine period ng fully vaccinated healthcare workers na magpopositibo o malalantad sa COVID-19.

Ayon kay Robert Mendoza, ang president ng AHW, dapat sumailalim pa rin sa standard quarantine days ang healthcare workers upang masegurong negatibo na sila sa virus at hindi na sila makakapanghawa sa iba.

“Kaming mga health workers ay tao rin po kami. At hindi dapat pag-ibahin ang sinasabi na 10 days na isolation tapos gagawin lang sa ‘min ay 5 days. Hindi naman kami immortal,” ani Mendoza.

Sa ilalim ng bagong polisiya, limang araw na lamang sasailalim sa isolation ang isang fully vaccinated health worker na positibo sa COVID pero asymptomatic o kaya ay mild o moderate ang kondisyon.

Sa halip na 10 araw ay maaari na umano silang bumalik sa trabaho pagkaraan lamang ng limang araw.

Habang pwede nang hindi mag-quarantine ang mga bakunadong health workers na closed contacts basta’t sila ay asymptomatic o walang ipinakikitang sintomas.

Pero giit ng AHW, may posibilidad pa ring kumalat ang COVID-19 dahil maaari pa ring makapanghawa ang asymptomatic.

Giit ni Roberto, mas kailangang tugunan ang understaffing o kakulungan ng medical workers sa mga ospital.

Unang ipinaliwanag ni Secretary Vince Dizon, ang Presidential Adviser for COVID-19 at testing czar, na ang pinaikling isolation at quarantine period ay upang solusyunan ang nararanasan ngayong kakulangan sa manpower sa mga ospital dahil sa dami ng mga nagkakasakit.

Sa ngayon aniya ay aplikable pa lamang ang shortened quarantine at isolation period sa health workers habang pagaaralan pa ng pamahalaan kung pwede na rin itong ipatupad sa general population na bakunado na kontra COVID-19.

“Pinag-aaralan na rin po ng ating mga eksperto ang ginagawa sa ibang bansa tulad ng Amerika at Europa na nagpapaigsi ng isolation lalo na para sa mga bakunado na. Pinag-aaralan po natin iyan, at hopefully po magkakaroon po tayo ng mga pagbabago sa ating mga polisiya sa mga susunod na linggo, pero sa ngayon po, health workers lang po,” ani Dizon. (mula sa ulat ni Correspondent Aileen Cerrudo)

 

Quarantine period ng fully-vaccinated health workers, paiikliin sa limang araw – DOH

Robie de Guzman   •   January 7, 2022

MANILA, Philippines – Papayagan na ng pamahalaan ang rekomendasyon na paikliin ang isolation at quarantine period ng fully vaccinated healthcare workers na magpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa sampung araw ay gagawin na lamang limang araw ang isolation at quarantine period ng mga healthcare workers.

“Makikitang mas maikli ito kaysa sa protocol sa general public kaya’t kailangang pag- aralan at suriin po itong mabuti ng mga infection prevention and contol committees ng ating ospital, depende sa pangangailangan ng ating mga ospital and weighing the risk and benefits,” ani Vergeire.

Ang hakbang kasunod ng pagdami ng bilang ng medical professionals na nahahawa ng COVID-19 bunsod ng pagtaas ng mga pasyenteng nagpapasuri sa mga ospital.

Kahit mild lang ang sintomas ay obligado pa ring mag-isolate ang healthcare workers kapag nag-positibo sila sa coronavirus disease.

Sasailalim din sa quarantine ang mga nagkaroon ng exposure sa suspect o probable case ng COVID-19.

Ang close contacts ng healthcare workers ay hindi naman kailangang mag-quarantine. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.