DOH Teams, nasa Cebu at Bohol na upang tumulong sa mga nasugatan sa lindol

admin   •   October 16, 2013   •   5884

Dahil sa mga aftershocks na nararamdaman sa Cebu kaya naman ay napilitang ilikas sa ospital ang mga pasyenteng ito at dalhin sa ligtas na lugar tulad ng mga open spaces. At dahil sa ganitong sitwasyon sa mga pagamutan bukod pa sa pagdagsa ng mga casualties ng lindol kaya naman nagpadala ng medical teams ang Department of Health sa Cebu at Bohol upang makatulong sa pagpapaigi ng sitwasyon sa kabuuan. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Dahil sa pagkakaroon ng mga aftershocks kaya naman ay napilitang ilikas mula sa Cebu City Medical Center ang mga pasyenteng tulad nito at dalhin sa ligtas na lugar tulad ng mga open spaces. At dahil sa ganitong sitwasyon sa mga pagamutan, bukod pa sa pagdagsa ng mga casualties ng lindol, kaya naman nagpadala ng medical teams ang Department of Health sa Cebu at Bohol upang makatulong sa pagpapaigi ng sitwasyon sa kabuuan. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

MANILA, Philippines  —  Dumating na sa Cebu at Bohol ang dalawang team ng mga doktor mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Spokesman Doctor Eric Tayag, binubuo ang bawat team ng general surgeon, orthopedic surgeon, anesthesiologist, nurses at iba pang espesyalista.

Tiniyak naman ni Tayag na mayroong sapat na gamot ang mga ospital sa dalawang lalawigan.

Mayroon ding standby supply ang DOH na ipadadala sa susunod pang mga araw. (UNTV News)

Phl logs over 1.3M COVID-19 cases with 5,803 new infections

Maris Federez   •   June 20, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) reported 5,803 new COVID-19 cases on Sunday, bringing the Philippines’ total number of cases to 1,359,015.

The DOH said the new infections pushed the number of active cases to 57,679 – of which 91.9% were mild, 3.7% were asymptomatic, 1.8% were severe, and 1.3% were in critical condition.

Total recoveries also climbed to 1,277,715 after 7,652 recuperated from the viral disease.

The number of fatalities, on the other hand, increased to 23,621 following the death of 84 patients.

The department said that after final validation, eight duplicates were removed from the total case count, and 115 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths.

The department further said that two laboratories were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System. —/mbmf

Philippines’ Covid tally up by 6,959

Marje Pelayo   •   June 19, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) logged an additional 6,959 new cases to the country’s Covid-19 count and raising the tally to  1,353,220 on Saturday (June 19).

The latest figure pushes the total number of active cases to 59,439.

Meanwhile, 9,407 individuals have recovered from the virus. This brings the total number of recoveries since the pandemic began to 1,270, 243.

The coronavirus-related deaths also rose to  23,538 with  153 new fatalities.

The DOH noted that the current active cases is only 4.4% of the total positive cases recorded since the pandemic.

Based on the latest report, all DOH laboratories are fully operational since June 17, 2021 and only six laboratories have not yet forwarded their respective data to the agency’s COVID-19 Document Repository System (CDRS).

These six laboratories comprise about 3.5% of the overall samples tested and 3.9% of the total number of COVID positive individuals.

Publiko, pinag-iingat vs. dengue virus ngayong tag-ulan

Robie de Guzman   •   June 17, 2021

MANILA, Philippines – Muling pina-alalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na kalimitang nauuso tuwing tag-ulan, tulad na lamang ng dengue fever.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, isang DOH Epidemiologist, higit na dapat maghanda at mag-ingat ang publiko sa dengue virus lalo’t nahaharap pa rin ang bansa sa coronavirus pandemic.

“Narito pa rin ang dengue at tayo ay dapat maghanda sapagka’t ang ayaw nating mangyari sa susunod na linggo ay may problema na tayo sa COVID tapos madadagdagan pa ng dengue,” ani Tayag.

Batay sa ulat ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, bumaba ng 56% ang kaso ng dengue at 55% naman sa death cases mula Enero 1 hanggang Abril 17 ngayong taon kumpara sa kaparehas na panahon noong 2020.

Ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi, pinuno ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), ang isa sa mga nakikitang dahilan ng pagbaba ng kaso ng dengue sa bansa ay ang limitadong paggalaw ng mga tao at takot ng ilan na magpakonsulta o pumunta sa ospital sa gitna ng pandemya.

“Isa doon pwedeng underreporting, kasi ang mga tao ngayon takot lumabas, takot silang pumunta sa ospital kasi ang pakiramdam nila baka mahawa sila sa COVID,” ani Bunyi.

“So sa halip punta sa healthcare facility, ‘di na sila pupunta. EIther kung may doktor sila tatawag na lang sila kung ano iyong mga mainam na paraan para magamot ang mga bata kasi kadalasan naman ang gamot lang naman diyan fluid therapy lalo na kung lagnat lang naman iyan at monitoring,” dagdag pa niya.

Ngunit babala ng mga eksperto, maaari pa itong lumobong muli sa gitna ng COVID-19 pandemic kasabay ng pagluluwag ng community quarantine sa ilang bahagi ng bansa.

“Tandaan niyo po na sa panahong ng tag-ulan maaaring tumaas ang kaso ng dengue lalo na kung iyong mga restrictions natin ay unti-unti pong matatanggal iyan. Magkakaroon po ng mobility at iyan po ang magiging dahilan kung bakit tataas ang kaso ng dengue. Kaya ngayon pa lamang po ay naghahanda na tayo,” ani Tayag.

Paalala rin ng DOH sa publiko na sundin ang 4 Strategy (4S) kontra dengue:

  • Search and destroy mosquito breeding sites
  • Self-protection
  • Seek early consultation
  • Support fogging or spraying only in hotspot areas

Ang dengue ay isang uri ng sakit na maaaring makuha mula sa kagat ng lamok na carrier ng dengue virus.

Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng pananakit ng tiyan, lagnat, pagsusuka, pagdurugo ng ilong at gilagid, pananakit ng katawan, pagkahilo at pagkakaroon ng rashes o pantal sa katawan.

Bilang proteksyon sa dengue-carrying mosquitoes, payo ng mga eksperto ang pagsusuot ng mga damit na may mahabang manggas, pantalon o jogging pants, pagpapahid ng mosquito repellent o paglalagay ng anti-mosquito patch lalo na sa mga bata.

Paalala ng mga otoridad, maaaring humantong sa pagkasawi ang dengue fever kapag hindi agad nagamot ang isang indibidwal. – RRD (mula sa ulat ni Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.