DOH: Suspected MERS-CoV patient from Laguna tests negative

admin   •   February 21, 2019   •   1986

Colorized transmission electron micrograph showing particles of the Middle East respiratory syndrome coronavirus that emerged in 2012 | Credit: NIAID

(UPDATED) A male Overseas Filipino Worker (OFW) from Saudi Arabia who was rushed to the Research Institute for Tropical Medicine (RITM) on Wednesday over suspected Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV), has tested negative for the disease, the Department of Health said.

The RITM released the results of the laboratory tests conducted on the patient around 7 P.M. Wednesday, according to DOH Region 4A Director Eduardo Janairo.

The patient was instead diagnosed with pneumonia, Janairo said, and his condition is currently being monitored and treated.

“Nandoon pa siya sa RITM. Doon muna inoobserbahan, malaman natin progreso ng kaniyang sakit, kung mag-detoriorate o hindi. Pero at least ang ating diagnostic, hindi na MERS-CoV. Ninerbyos lang tayo diyan kasi nga galing sa Saudi, sa Riyadh since Feb. 10. May mga record na may MERS-CoV sa area na yun,” Janairo explained.

“Sa ngayon, wala ng dapat ipangamba kasi negative naman yung kaniyang viral infection. Ang hinahanap natin ngayon, ano ang cause ng pneumonia at ubo niya o fever. Kailangan malaman natin yun,” Janairo added.

MERS is a viral respiratory infection caused by a novel CoronaVirus (CoV). Its symptoms may range from mild to severe fever, cough, chills, vomiting or diarrhea and shortness of breath. It was first reported in Saudi Arabia in 2012.

The patient was first rushed to the Laguna Doctors Hospital in Sta. Cruz, Laguna on February 19 after complaining of coughs and high fever but was transferred to the RITM in Muntinlupa City for further analysis and observation.

The emergency room of the Laguna Doctors Hospital has also been opened to patients after it was temporarily closed on Wednesday for general disinfection. — Robie de Guzman (with reports from Sherwin Culubong)

TAGS   ,

Libu-libong manok sa Laguna namatay dahil umano sa heat stroke

Robie de Guzman   •   October 8, 2020

MANILA, Philippines – Nasa 43,000 manok na inaalagaan sa isang poultry farm sa bayan ng Nagcarlan, Laguna ang nangamatay dahil umano sa matinding init.

Noong Martes ng hapon nagsimulang mamatay ang mga manok matapos mawalan ng supply ng kuryente sa de-aircon na kulungan ng mga ito.

Tunnel ventilation ang gumagana sa poultry farm kaya sobrang init kapag nawalan ng kuryente.

Ayon kay Nagcarlan Municipal Agriculturist Abeth Lucas, may generator naman sa gusali ngunit pumalya ito kaya tuluyang nawalan ng bentilasyon sa kulungan na nagresulta sa pagkamatay ng mga manok.

“Namatay kasi yung ventilator kaya kumbaga nagkaroon ng heat stroke yung mga manok. Stroke siya gawa ng nawalan ng kuryente tapos pinaandar yung generator nag-bog down naman generator, yung mga fan hindi gumana,” ang wika ni Lucas.

Nakatakda na sanang i-deliver ang mga manok nang mangyari ang insidente.

Tinatayang aabot sa P6 milyon ang halagang katumbas ng mga namatay na manok.

Upang huwag masayang, ipinamigay na lamang ang mga manok sa mga residente ilang oras matapos mamatay.

“Hindi lang ho residente dito mga barangay ng Nagcarlan, ibang barangay ng Masiit nga. Tuwang tuwa naman sila,” ang pahayag ni Minda Ido, ang chairperson ng Barangay Maravilla sa Nagcarlan.

Inilibing naman ang mga manok na hindi na napakinabangan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Mac Cordova)

MGen. Magaway released from hospital months after helicopter crash

Marje Pelayo   •   May 22, 2020

MANILA, Philippines – Former PNP Directorate for Intelligence Major General Mariel Magaway finally returned home after months of being confined at the Asian Hospital since he figured in a helicopter crash in March. 

This was confirmed by Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Camilo Cascolan who was there when Magaway was discharged on Thursday (May 21).

Cascolan said Magaway is in good shape and his memory remains sharp though he needs to go through physical therapy to improve his mobility.

“Two weeks to one month therapy kayang-kaya na niya yun,” he said. 

“Inaalalayan lang siya syempre kasi ikaw ba naman na more than two months [sa ospital] tapos masakit likod mo, may mga bali pa sa buto pero ok siya, ” he added.

General Magaway was among the eight passengers of the ill-fated Bell 429 that crashed at the PNP impounding area in San Pedro, Laguna minutes after taking off. 

Other passengers in the flight were PNP Chief PGen. Archie Gamboa and his aide, PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, two pilots and former Directorate for Comptrollership PMGen. Jovic Ramos who is still recovering in a hospital. MNP (with inputs from Lea Ylagan)

Bagyong Ambo papalapit na sa hilagang bahagi ng Quezon-Laguna

Marje Pelayo   •   May 15, 2020

MANILA, Philippines — Umuusad na ang Bagyong Ambo patungo sa hilagang bahagi ng Quezon at Laguna habang patuloy na nagpapaulan sa hilagang bahagi naman ng Bondoc Peninsula  sa Southern Quezon. 

Ayon sa weather bulletin ng PAGASA kaninang ika-11:00 ng umaga, Biernes (May 15), namataan ang mata ng Bagyong Ambo sa lugar ng Catanauan, Quezon, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 125 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 165 km/h.

Patuloy itong kumikilos patungong hilaga-kanlurang direksyon sa bilis na 20 km/h

Dahil dito, nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga lugar ng Bicol Region, Quezon, Aurora, Marinduque, Laguna, Rizal, maging sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-ingat at maghanda, makipagugnayan sa lokal na pamahalaan sa mga kaukulang paalala at patuloy na i-monitor ang pagkilos ng bagyo sa pamamagitan ng mga advisory ng PAGASA. 

Tropical Cyclone Wind Signal #3:

  • Quezon kasama ang Polillo Island
  • Rizal
  • Laguna
  • Timugang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
  • Kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Licab, Quezon, Santo Domingo, Talavera, Llanera, Rizal,Bongabon, General Mamerto Natividad, Aliaga, Zaragoza, San Antonio, Jaen, Santa Rosa, Cabanatuan, Palayan, Laur, Gabaldon, Peñaranda, San Leonardo, Cabiao, San Isidro, Gapan, General Tinio)
  • Silangang bahagi ng Bulacan (San Miguel, San Ildefonso, Dona Remedios Trinidad, San Rafael, Angat, Norzagaray, San Jose Del Monte)
  • Kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Labo)
  • Dulong kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Cabusao, Pasacao, Pamplona)
  • Marinduque

Tropical Cyclone Wind Signal #2:

  • Metro Manila
  • Cavite
  • Batangas
  • Pampanga
  • Tarlac
  • La Union
  • Benguet
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Nalalabing bahagi ng Aurora
  • Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
  • Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
  • Nalalabing bahagi ng Bulacan
  • Burias Island
  • Silangang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Sta. Maria, Tayug, Asingan, San Manuel, Binalonan, Laoac, Urdaneta, Villasis, Rosales, Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, Sta. Barbara, Manaoag, Mapandan, San Jacinto, San Fabian, Pozorrubio, Sison, Mangaldan, Dagupan, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, San Carlos, Mangatarem)
  • Kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Calabanga, Bombon, Naga, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, Milaor, San Fernando, Minalabac, Pili)

Tropical Cyclone Wind Signal #1:

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • Isabela
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Nalalabing bahagi ng Pangasinan
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Zambales
  • Bataan
  • Oriental Mindoro
  • Romblon
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Nalalabing bahagi ng Camarines Sur,
  • Hilagang bahagi ng mainland Masbate (Aroroy, Mandaon, Balud, Milagros, Baleno, Masbate City, Mobo)
  •  Ticao Island

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.