DOH Sec. Duque, pabor na manatili sa COVID-19 Alert Level 2 ang Metro Manila

Robie de Guzman   •   December 7, 2021   •   201

MANILA, Philippines – Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na dapat munang manatili sa COVID-19 Alert Level 2 ang Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagbaba ng naitatalang panibagong kaso ng coronavirus infections.

Ayon kay Duque, ito ay dahil sa banta ng Omicron COVID-19 variant na kumakalat ngayon sa maraming bansa.

“Para sa akin, dapat siguro na tama lang na manatili muna tayo sa alert level 2. Bakit kamo? Unang-una, ang mobility pataas na naman ngayong kapaskuhan, alam natin iyan. At merong nagbabadya o banta ng Omicron variant,” ani Duque.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.

Aniya, pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force sa pagpupulong sa Huwebes kung kailan maaaring ibaba ang rehiyon sa Alert Level 1.

Kung mananatili ang alerto matapos ang Disyembre 15, sinabi ni Duque na makakatulong pa rin naman ito upang makabawi ang maraming negosyo lalo na ngayong holiday season.

“Anyway, malaki-laki na rin ng bahagi ng ekonomiya na binuksan natin under the Alert level 2 at ang mga establisymento–ang kanilang kapasidad nasa 50 percent,” ang wika ng DOH chief.

Sa ngayon ay wala pang napapaulat na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Ayon sa pamahalaan, mataman nitong binabantayan ang mga kaso ng Omicron na naitatala sa ibang bansa pati na ang mga karagdagang impormasyon ukol sa bagong variant mula sa mga eksperto.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa kanilang mga inaantabayanan ay ang galaw ng virus at kung gaano ito kabilis makahawa kumpara sa iba pang variant tulad ng Delta, Alpha, at Beta.

“Everyone is monitoring kung ito bang Omicron is more fatal, yun ang pinaka-aabangan natin. If it is more fatal, if it is more severe, if it is more indeed transmissible. So, we still await the final word from the WHO.

Sinabi naman ni Duque na batay sa mga nakukuha nilang inisyal na datos mula sa WHO, lumalabas na nagdudulot ng mild cases ng COVID-19 ang Omicron.

“So far sa ating pakikipagpulong sa WHO country representative Dr. Rabi Abeyasignghe, sinabi niya na lumalaki ang datos na nagpapakita na mukhang mild ang symptoms and no deaths reported as of yet patungkol sa Omicron variant pati hospitalization mukhang hindi sumisipa,” ani Duque.

Ang Omicron variant ay unang natuklasan sa South Africa. Sinasabing heavily mutated ito at may posibilidad na mas nakakahawa pa kumpara sa ibang variant ng COVID-19.

Sa ngayon, ayon sa WHO, ay patuloy pang pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang nasabing variant, partikular na ang transmission rate nito at epekto sa ginagamit na gamot sa COVID-19 patients at mga bakuna.

Kaso ng Omicron variant naitala sa 15 lugar sa Metro Manila – DOH

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

MANILA, Philippines – Labinlimang lugar sa Metro Manila na ang nakapagtala ng local case ng Omicron COVID-19 variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, ikinokonsidera nang predominant variant ang Omicron sa Metro Manila batay sa resulta ng pinakahuling whole genome sequencing run.

“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region, It’s also detected in 13 of 17 regions and in the National Capital Region, 15 of its 17 areas already have local Omicron cases,” ang wika ni De Guzman.

Hindi na tinukoy ng DOH ang mga nasabing lugar pero ayon kay De Guzman, mabilis ang pagkalat ng nasabing variant na maaaring bunsod na rin ng paglabas ng mga tao at hindi lubos na pagsunod ng iilan sa public health protocols.

“These case increases that we’ve seen especially in the National Capital Region is driven by Omicron but is also facilitated by our increased mobility, our reduced compliance to minimum public health standards, as well as delays in our detection and isolation,” ani De Guzman.

Bukod sa Metro Manila ay napansin rin ng kagawaran ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lahat ng rehiyon sa bansa.

“We have now observed an increase in cases across all regions and all provinces, highly-urbanized cities and independent component cities but there are still areas whose counts are lower than what we are seeing now in the NCR Plus but we’re already seeing continuous and swift increases,” ani De Guzman.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa critical risk classification ang Pilipinas sa kabila ng pagbagal ng growth rate ng COVID-19.

Ngayong Martes, 28,471 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa. Ito ang unang pagkakataon ngayong linggo na mas mababa sa 30,000 ang napaulat na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas. (mula sa ulat ni Correspondent Nel Maribojoc)

PUV drivers, pasahero na lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy, posibleng maharap sa parusa – DOTr

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

MANILA, Philippines – Posibleng patawan ng parusa ang mga lalabag sa ipinatutupad na “no vaccination, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUV) na magpapasakay ng hindi bakunadong pasahero ay titikitan at pagmumultahin na ng mga otoridad simula ngayong Martes.

Batay sa alintuntunin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pagmumultahin ng P5,000 ang mga unang beses na lalabag sa polisiya, P10,000 at impounding ng sasakyan sa ikalawang paglabag, at P15,000 at suspensyon o kanselasyon ng prangkisa sa ikatlo o higit pang paglabag.

Bagaman hindi sakop ng DOTR ang pagpapataw ng parusa sa mga pasaherong hindi otorisadong bumiyahe, maaari pa ring pagmultahin ang mga ito batay sa nakasaad sa mga ordinansa na ipinasa ng local government unit (LGU) sa Metro Manila.

Maaari ding makasuhan ang mga pasaherong hindi susunod sa polisiya sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang batas sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases And Health Events of Public Health Concern.

Kung mahuhulihan ng pekeng vaccination card ang pasahero ay may parusa itong pagkakakulong at nasa P1 milyong multa.

Ayon sa DOTr, naging mapayapa sa kabuuan ang unang araw ng pagpapatupad ng polisiya.

May naitala namang mahigit sa 1,700 na pasahero ng tren ang sumubok na sumakay kahit walang maipakitang vaccionation card noong Lunes.

Hindi saklaw ng “no vaccination, no ride” policy ang mga indibidwal na hindi maaaring bakunahan dahil sa medikal na kondisyon pati na ang mga lumabas lang para sa essential goods at services.

Ang mga pasaherong kasama sa exemptions ay pinapayuhang magdala ng dokumento gaya ng medical certificate o clearance mula sa barangay. (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

DILG warns public, says no such thing as ‘COVID vaccination exemption cards’

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

Image from DILG

The Department of the Interior and Local Government on Tuesday said that there is no such thing as “COVID-19 vaccination exemption cards.”

“The public is warned that there is no such thing as a ‘vaccination exemption card.’ This is not authorized, issued, nor recognized by the government. In other words, these are fake,” DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya said in a statement.

Malaya said they have received reports that this card supposedly originated from Facebook groups and group chats in Davao Region and Soccsksargen that can allegedly be registered to local government units (LGUs).

The cards are also supposedly recognized by local authorities in lieu of COVID-19 vaccination cards.

According to reports, people are being asked to put their name, birthdate, address, and signatures on the green vaccination exemption card being shared in FB groups and group chats, have the cards printed, laminated, and registered to their barangay/city/municipal LGUs.

“The so-called exemption cards look similar to the green COVID-19 Vaccination Cards being issued by several LGUs,” Malaya said.

“Sa biglang tingin aakalain itong tunay dahil pareho ng kulay, format at hitsura,” he added.

Malaya said the government will never issue nor recognize such cards because this runs counter to the government’s national vaccination program to inoculate the majority of the populace to achieve population protection.

He also called on local authorities to be more vigilant in their inspection of vaccination cards at provincial and regional borders amid restrictions being implemented for unvaccinated people.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.