DOH, iginiit na walang sapat na ebidensiyang mabisa ang ivermectin vs COVID-19

Robie de Guzman   •   April 30, 2021   •   145

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang sapat na ebidensiya na mabisa nga at maaaring gamiting gamot laban sa novel coronavirus disease (COVID-19) ang anti-parasitic drug na ivermectin.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, paulit-ulit na nilang ipinaliliwanag na hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng ivermectin bilang gamot sa COVID-19 dahil wala pa itong sapat na batayan.

“Ilang beses na nating pinapaulit ulit to, ilang beses na ring binibigay yung paliwanag natin sa ating mga kababayan. Unang-una wala pa hong sapat na ebidensiya para masabi at mabigyan ng rekomendasyon ng Department of Health ang ivermectin para gamitin against COVID-19,” ani Vergeire.

Payo ni Vergeire sa publiko, hayaan na ang isyung ito dahil nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng medical experts ukol sa gamot na ito at kung may nangyaring paglabag lalo na sa paraan ng pagre-reseta ng ivermectin.

“Kung ano man po yung mga pamantayan natin, mga patakaran, mga batas naandyan na yan, naipaliwanag na po natin yan. So let’s leave it at that. Let’s move on from this issue. Kung ano man po iyong nangyayaring ito ay gagawan po natin ng mga imbestigasyon kung kinakailangan about this,” ang wika ng opisyal.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng napaulat na pamamahagi ng ivermectin sa ilang residente sa Quezon City noong Huwebes.

Una nang sinabi ni Vergeire na nananatiling investigational drug o sinusuri pang gamot ang ivermectin at iba pang medisina na ginagamit ngayon sa clinical trialsa iba’t ibang bansa bilang pangontra sa COVID-19.

Sa Pilipinas, may gagawin ring clinical trial para sa ivermectin ay dapat aniyang hintayin ng publiko ang magiging resulta nito at kung mabisa nga ba ito laban sa coronavirus disease. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

TAGS   , ,

Umano’y nasayang na supply ng COVID-19 vaccine sa Cotabato, iniimbestigahan na — DOH

Robie de Guzman   •   May 17, 2021

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang napaulat na pagkasayang umano ng supply ng COVID-19 vaccine na ipinadala sa bayan ng Makilala sa Cotabato.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 348 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang umano’y nasayang matapos mapabayaan sa loob ng freezer nang magkaroon ng power outage sa lugar.

Paalala naman ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan na bantayang maigi ang kanilang COVID-19 vaccine supply upang matiyak ang wastong temperature sa pag-iimbak nito.

“Hindi lang po isang beses isang araw ang ginagawang pagmo-monitor ng temperatura ng bakuna. Ito po ay ginagawa kada apat na oras,” ani Vergeire.

Nakipag-ugnayan na aniya sila sa lokal na pamahalaan kaugnay ng insidente.

“As to the sanctions, they were already advised and the local government has been coordinated with by our regional Office,” ang wika ni Vergeire. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

DOH working closely with BFP, other agencies to monitor hospitals after PGH fire

Robie de Guzman   •   May 17, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) on Monday said it is closely coordinating with the Bureau of Fire Protection (BFP) and other concerned government agencies to prevent further fire incidents in hospitals amid the dry season and the coronavirus pandemic.

In a press briefing, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said they have reached out to the BFP, the Department of the Interior and Local Government (DILG), and local government units (LGU) to place hospitals under close monitoring.

“Tayo po ay nakipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya concerned katulad po ng DILG and local governments and also to coordinated with the Bureau of Fire Protection para magkaroon po ng monitoring across al[l our hospitals because we know that fire incidents are highest during the summer season,” she said.

Vergeire issued the statement after a fire hit part of the Philippine General Hospital (PGH) on Sunday.

The fire has directly affected a portion of one floor of PGH.

Vergeire said at least 12 patients were referred for transfer to other DOH hospitals. As of Monday, eight patients had already been transferred while the remaining four were being processed.

The DOH has also distributed K95 and N95 masks to the PGH since all of its personnel were required to wear this for 48 hours as smoke from the fire could still linger in the area.

“We were able to provide K95 and N95 masks to the PGH para kanilang magamit sa kanilang personnel because they were required to wear N95 masks for 48 hours kahit wala po sila doon as COVID areas because of the lingering o naka-suspend pa siyempre yung mga smoke diyan galing sa pagkakasunog,” she said.

“Ngayon po ating pinagtitibay (monitoring) para ma-prevent na po natin yung mga further incidents like this in the future,” Vergeire said.

IATF upgrades mayors, governors in COVID-19 vaccination priority list

Robie de Guzman   •   May 17, 2021

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) has included mayors and governors in the top priority group for the government’s COVID-19 vaccination.

Under Resolution No. 115-B approved on Monday, the IATF said all governors and mayors or all local chief executives will now be among the priority group A1.5 for vaccination, “regardless of the risk classification of their respective local government units (LGU).

The country has around 1,634 provincial governors and city and municipal mayors.  They were previously under the fourth sector (A4 category) composed of essential workers.

The first sector includes healthcare workers, the second priority group is composed of senior citizens while the third sector includes persons with co-morbidities.

The Philippines has so far administered over two million vaccine doses since the government rolled out its immunization program on March 1.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.