Distribution of cash aid to ECQ areas likely next week — DILG

Marje Pelayo   •   August 6, 2021   •   479

MANILA, Philippines — The Department of the Interior and Local Government (DILG) announced that the distribution of cash assistance for residents affected by the implementation of the enhanced community quarantine is likely to take place next week.

According to DILG Undersecretary Jonathan Malaya, the Budget Department is expected to release the funds on Friday (August 6).

“Kung lalabas po ang Special Allotment Release Order (SARO) ngayong araw, I am confident na sa susunod na linggo ay masisimulan na po ang pamimigay ng ayuda ng ating mga local government,” Malaya said.

Malacañang earlier said about 10.7 million pesos of the total 13.1 billion pesos assistance has been allotted for Metro Manila residents.

It will be given as P1,000 per individual or a maximum of P4,000 per family.

The DILG appeals to the public to give the local government units ample time to prepare for the distribution of the cash aid.

Aplikasyon para sa one-time P5,000 ayuda sa mga empleyado simula na – DOLE

Robie de Guzman   •   January 24, 2022

MANILA, Philippines – Simula ngayong Lunes, Enero 24, ay tatanggap na ng aplikasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa P5,000 one-time cash assistance sa mga manggagawang labis na naapektuhan ng paghihigpit ng COVID-19 restrictions.

Ayon sa DOLE, P1 bilyon ang inilaang pondo para sa program na ang layon ay matulungan ang mga manggagawang lubhang naapektuhan sa pagsasailalim sa Alert Level 3 sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases.

Halos 200,000 manggagawa ang maaaring makatanggap ng ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP), ayon sa DOLE.

Pero paglilinaw ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, hindi makakasama sa mga beneficiary ang mga empleyado ng gobyerno na nasa flexible work arrangement.

“Uunahin po natin sa priority iyong mga manggagawa na naapektuhan ng permamnent closure or retrenchment,” ayon sa opisyal.

“Kasama rin po sa aayudahan natin or bibigyan ng financial assistance iyong mga manggagawa under temporary closure,” dagdag pa niya.

Sa mga manggagawang nais mag-avail ng programa, maaari silang magsumite ng aplikasyon sa DOLE sa pamamagitan ng reports.dole.gov.ph.

 

DILG warns public, says no such thing as ‘COVID vaccination exemption cards’

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

Image from DILG

The Department of the Interior and Local Government on Tuesday said that there is no such thing as “COVID-19 vaccination exemption cards.”

“The public is warned that there is no such thing as a ‘vaccination exemption card.’ This is not authorized, issued, nor recognized by the government. In other words, these are fake,” DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya said in a statement.

Malaya said they have received reports that this card supposedly originated from Facebook groups and group chats in Davao Region and Soccsksargen that can allegedly be registered to local government units (LGUs).

The cards are also supposedly recognized by local authorities in lieu of COVID-19 vaccination cards.

According to reports, people are being asked to put their name, birthdate, address, and signatures on the green vaccination exemption card being shared in FB groups and group chats, have the cards printed, laminated, and registered to their barangay/city/municipal LGUs.

“The so-called exemption cards look similar to the green COVID-19 Vaccination Cards being issued by several LGUs,” Malaya said.

“Sa biglang tingin aakalain itong tunay dahil pareho ng kulay, format at hitsura,” he added.

Malaya said the government will never issue nor recognize such cards because this runs counter to the government’s national vaccination program to inoculate the majority of the populace to achieve population protection.

He also called on local authorities to be more vigilant in their inspection of vaccination cards at provincial and regional borders amid restrictions being implemented for unvaccinated people.

DOLE, may ayuda sa mga empleyadong naapektuhan ng ipinaiiral na COVID-19 Alert Level 3

Robie de Guzman   •   January 17, 2022

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment na may matatanggap na ayuda ang mga manggagawa na naapektuhan ng ipinaiiral na COVID-19 Alert Level 3 sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, P1 bilyon ang ilalalan nilang pondo para sa one-time financial assistance sa formal sector workers na apektado ang trabaho dahil sa umiiral na alert level 3.

Sa pagtaya ng kagawaran, mahigit sa 30,000 empleyado ang naapektuhan ng paghihigpit ng COVID-19 restrictions mula Enero 1 hanggang 15.

Nasa 11,500 sa mga ito ay mula sa 759 establisimyento ang permanenteng nawalan ng trabaho habang 20,190 naman mula sa 508 establisimyento ang nasa flexible work arrangement o pansamantalang nawalan ng trabaho.

Sa ilalim ng COVID-19 adjustment measures program (CAMP), bibigyan ng P5,000 na ayuda ang bawat formal sector workers na apektado ng kasalukuyang restrictions.

Nauna nang sinabi ng DOLE na maaaring umabot sa 200,000 empleyado sa Metro Manila ang maapektuhan dahil sa pagtaas ng alert level.

Madadagdagan pa ito dahil mas dumami pa ang mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3, kabilang na dito ang Rizal, Batangas, Cavite, Laguna, at Baguio City.

Sa ngayon, ayon kay Tutay, ay pinag-aaralan pa ng DOLE ang guidelines para sa ipamimigay na ayuda.

“Iyon pong guidelines ay atin ipe-present po natin sa ating kalihim at senior officials anytime soon at kapag ito po ay naaprubahan na po niya ay ready na po to implement CAMP 2022,” ang wika ng opisyal.

Sa Martes ay magpupulong aniya ang mga opisyal ng DOLE para isapinal ang guidelines. Inaasahang masisimulan ang distribusyon ng cash aid sa susunod na linggo.

Para sa mga nais mag-apply para sa camp, maaring mag-register sa reports.dole.gov.ph at isumite ang kinakailangang data para ma-proseso ang application.

Maliban sa CAMP ay tuloy rin ang iba pang programa ng DOLE para matulungan ang mga manggagawang labis na naapektuhan ng pandemya.

“Nandiyan pa rin po ang ating emergency employment under TUPAD para naman po doon sa ating mga informal sector workers natin kung saan pwede po silang makapag-trabaho ng minimum of 10 days para po magkakita sila ng minimum wage in their region and then maryoon din po tayong mga livelihood assistance para po sa mga may gustong magumpisa ng sarili nilang negosyo,” ang wika ni Tutay. (mula sa ulat ni Correspondent Aileen Cerrudo)

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.