DILG hits Lagusnilad vandalism; wants sanctions vs vandals

Robie de Guzman   •   November 14, 2019   •   1205

MANILA, Philippines – The Department of the Interior and Local Government (DILG) on Thursday slammed the youth group that vandalized the newly-refurbished walls of the Lagusnilad underpass in Manila, describing the act as deplorable.

“Nakakahiya ang ginawang pambababoy sa Lagusnilad pagkatapos itong linisin at ayusin ng Manila City Government,” DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya said in a statement.

He said that vandalism is a form of malicious mischief under Article 327 of the Revised Penal Code.

Malaya also pointed out that there are many ways to express views on social concerns that do not include dirtying up public places or properties.

“While we respect the rights of these organizations to express their views and opinion, that right is not absolute. Ang karapatan ay may hangganan at kaakibat na responsibilidad. ‘Di na nga kayo nakatulong, ‘wag na sanang mamerwisyo pa ng iba,” he said.

“With the advent of social media, vandalisms like this have directed attention to the obnoxiousness of their method rather than the meaning of their message,” he added.

Cultural group Panday Sining has apologized for spray painting protest statements on the walls of Lagusnilad underpass.

Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, who was irked by the group’s action, earlier issued a stern warning against those who will be caught vandalizing the wall.

“Change cannot be realized by the government alone. Tulad na lang ng bandalismo. Hindi biro ang pagpapapintura at pagsasaayos ng mga public walls and properties. Samantalang sa ilang segundo lamang ay napakadali ang pagsira nito ng mga nagbabandalismo. Sayang ang pondong puwede sanang ilaan sa iba pang proyektong makapagpapabuti sa buhay ng nakakarami,” Malaya lamented.

Instead of doing vandalisms, he urged groups to get involved in barangay clean-up, anti-smoking campaigns, and other worthwhile activities.

The DILG official also urged local government units (LGU) to revisit and ensure the strict implementation of respective ordinances against vandalism.

“LGUs should, therefore, see to it that they strictly enforce their laws on vandalism so that vandals will face the consequences of their actions,” he said, adding that LGUs should make use of their closed-circuit television (CCTV) cameras to identify and catch vandals.

The department also called on the Philippine National Police (PNP) to apprehend those found violating laws and ordinances.

DILG encourages public to start bike commuting to cope with limited mass transport

Marje Pelayo   •   June 2, 2020

MANILA, Philippines – Interior Secretary Eduardo Año is encouraging the public to start bike commuting now that mass transport remains limited. 

He said this will help the public to at least conveniently reach their destinations without being stranded on the streets and increase the risks of coronavirus disease (COVID-19) infection. 

Actually iyan ang gusto nating i-promote, iyong malawakang paggamit ng bisikleta nationwide bilang means ng transportation lalo na kung ang pinapasukan mo is within 10 killometers away lang pwedeng-pwede na sa bike iyan,” Año said during an interview with the program Get It Straight with Daniel Razon.

[Actually, that’s what we’d like to promote, the use of bicycles as means of transportation especially if your workplace is within 10-kilometer distance, that’s very accessible for bikes.]

For now, the national government is not yet allowing back riders on motorbikes, and converting motorbikes into tricycles will also not be possible as they are not allowed on national highways. 

Seeing the high demand nowadays, the Department of Trade and Industry (DTI) is eyeing on regulating the price of bicycles as well as the price of laptops necessary for work-from-home arrangements.

The DTI is asking businessmen to maintain a reasonable price for such goods which are deemed essential nowadays. 

“Hindi masyadong malaki na masyadong masakit for the consumer. Dahil we understand na kailangan din nilang makabawi doon sa mga loses for the past two and a half months pero hindi po para pagsamantalahan na natin ang consumers [An increase that will not hurt the consumers. We understand that they, too, need to recover from their losses from the past two and a half months, but not to the extent that will abuse the consumers],” explained DTI Undersecretary Ruth Castelo. MNP (with reports from Rey Pelayo)

LGUs, hinikayat maglagay ng bike lanes at road network para sa ‘new normal’

Robie de Guzman   •   June 2, 2020

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government unit (LGU) na magpagawa ng bike lanes para sa mga manggagawang magbibisikleta papunta sa kanilang trabaho sa gitna ng community quarantine.

Sa isang advisory, inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga gobernador at alkalde na makipag-ugnayan sa kalapit na mga LGU upang maikunekta ang kan-kanilang bike lanes at makagawa ng bicycle road network.

“Dahil sa kakulangan ng pampublikong masasakyan, marami ang magbibisikleta patungo at pabalik sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Dapat handa ang mga bike lanes sa LGUs upang masiguro ang kaligtasan ng mga siklista,” ani Año.

Aniya, dapat alinsunod sa disenyo ng Department of Transportation ang designated bike lanes na lalagyan ng plastic bollards, stencil markings at signage para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta.

Sinabi rin ng kalihim na dapat walang nakaharang sa bike lanes upang maiwasan ang anomang aksidente at matiyak na mabilis ang biyahe ng mga siklista.

Sa Omnibus guidelines sa pagpapatupad ng community quarantine, hinihikayat ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang paggamit ng bisikleta at iba pang uri ng hindi de-motor na transportasyon.

“Ngayong tayo ay nasa new normal, hinihikayat natin ang bawa’t isa na gumamit ng mga bike. Mainam sa kalusugan ang pagba-bike, at tsaka, matipid pa.Hindi mo na kailangang bumili pa ng gasolina,” sinabi ni Año.

Inatasan din ng kalihim ang mga LGU na gumawa ng ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga lalabag sa paggamit ng bike lanes upang maseguro na sumusunod sa regulasyon ang mga motorista at siklista.

Pina-alalahan rin ang mga LGU sa istriktong pagpapatupad ng health at safety protocols gayundin ang pagsusuot ng face masks ng mga taong gumagamit ng naturang lane at sa lahat ng pampublikong lugar.

“SOP na dapat ang pagsusuot ng masks at physical distancing sa mga pampublikong lugar. Masanay na tayo sa ganitong sitwasyon habang wala pang gamot at vaccine laban sa Covid-19,” sabi nito.

Samantala, nilinaw ng DILG na bawal pa rin sa lansangan ang motor taxis katulad ng Angkas kahit niluwagan na ang quarantine restrictions sa bansa.

“Alam po namin na marami pong umaasa sa Angkas at iba pang motor taxis para makarating sa kanilang trabaho at destinasyon ngunit dahil sa banta ng Covid-19, hindi pa rin pinahihintulutan ng gobyerno ang ganitong mode of transportation dahil sa violation ng physical distancing,” ayon sa DILG.

Ipinagbabawal din ang back-riding sa motorsiklo kahit sa mag-asawa bilang bahagi ng physical distancing measures dahil magkakaroon ng close contact sa pagitan ng dalawang tao na maaaring maging sanhi ng transmission ng Covid-19.

“Naiintindihan natin ang hiling ng marami nating kababayan kaya lang ang pagsakay sa likod ng motorsiklo ay isang malinaw na violation ng physical distancing at mahirap sa kapulisan na i-check ang bawa’t motorcycle kung mag-asawa nga ang nakasakay,” ayon sa kagawaran.

“Kung pahihintulutan naman natin ito, babahain tayo ng maraming violation mula sa mga hindi pinahihintulutan dito. Mas mataas ang panganib na idudulot sa kalusugan kaysa sa mga benepisyong makukuha dito,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga maaring masakyan na iminungkahi ng DOTr sa post-pandemic period ay ang bisikleta at modernized PUVs dahil hindi masyadong magkakadikit ang mga tao dito at maiiwasan ang pagkalat ng virus sa mga pasahero.

Quarantine pass, ‘di na kailangan sa GCQ maliban kung i-require ng LGU – DILG

Robie de Guzman   •   June 2, 2020

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi na kailangan ang pagpapakita ng quarantine pass sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na maaari nang makalabas ng bahay kahit walang quarantine pass, maliban na lamang kung i-require ito ng mga local government unit (LGU) na nasa critical at buffer zones kaugnay ng novel coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Binigyang-diin rin ni Año na hindi pa rin pinapayagan ang palagiang paglabas ng bahay dahil nasa community quarantine pa rin naman ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa.

“Hindi na po natin kailangan ng quarantine pass para payagang makalabas sa ating bahay pero hindi po ito ‘unli’ na kahit anong oras ay puwede,” ayon sa kalihim.

“Patuloy pa rin po ang pagpapatupad ng curfew hours ng ating mga LGU at puwede rin pong i-require ang quarantine pass ng mga LGU sa piling lugar sa kanilang nasasakupan,” dagdag pa niya.

Ayon sa DILG chief, maaaring i-require ng LGU ang quarantine pass lalo na sa mga barangay na itinuturing na ‘high-risk’ at mga lugar na ilalagay sa localized lockdown.

“May kapangyarihan pa rin ang mga LGU na magdeklara ng lockdown at humingi ng quarantine pass sa mga barangay o subdivision na sa tingin nila ay high-risk pa,” sabi ni Año.

“Dahil dito, inaatasan ang mga mayor na ipamalita sa kanilang social media o iba pang pamamahayag kung kailangan pa ng quarantine pass upang makapasok sa ilang lugar sa kanila,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, nagpa-alala naman ang DILG na kailangan ng travel pass kung magtutungo sa ibang lalawigan, maliban na lang kung may kinalaman ang biyahe sa trabaho.

Maaaring kumuha ng travel pass sa mga help desk ng lokal na istasyon ng pulis basta’t magpapakita ng medical certificate mula sa health office ng lungsod o munisipyo.

“Kung tatawid ng provincial or regional borders, ibang usapan na po iyon at kailangan na ng travel pass d’yan. Nasa public health emergency pa rin tayo at kontrolado pa rin ng pamahalaan ang galaw ng mga tao para hindi kumalat ang virus,” ani DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya.

“Para sa mga manggagawang kailangang tumawid ng lalawigan o rehiyon patungo sa kanilang pinagtatrabahuhan, dapat lamang na magpakita nila ang kanilang company ID o mga papeles na nagpapatunay na kailangan niya magbiyahe,” dagdag pa niya.

Nilinaw rin ng DILG na may random checkpoints pa rin sa Metro Manila at patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng security personnel sa regional at provincial borders.

“Depende sa discretion ng mga PNP commander, maaari nang bawasan ang mga fixed checkpoint at i-adjust ang mga mobile checkpoint,” aniya.

Mula noong Lunes, June 1, inilagay na sa GCQ ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Sa ilalim ng GCQ, mas maraming negosyo na ang pinayagang magbukas at mga manggagawang nagbalik-trabaho bagama’t limitado pa rin ang operasyon at kailangang nakakasunod sa minimum health standards.

Paliwanag ni Año, kinailangan nang luwagan ang quarantine restrictions upang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa higit dalawang buwang enhanced community quarantine.

“Napinsala nang lubos ang ekonomiya ng ating bansa, maraming negosyo ang nagsara at ang mga kababayan natin ay nahihirapang itaguyod ang kanilang mga pamilya dahil nawalan sila ng hanapbuhay. Kailangan nating buksang muli ang kalakalan nang hindi naisasantabi ang mga health protocol upang malampasan natin ang pandemya,” dagdag pa niya.

Ayon sa kalihim ng DILG, ang pagluluwag sa quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay magbibigay-daan sa lubusang pagbubukas ng mga industriya, ngunit hindi pa rin balik sa normal ang lahat.

“Bagama’t magkakaroon ng pagluluwag, hindi ibig sabihin nito ay basta na lamang tayong makakalabas at makakagala. Aalamin pa rin natin kung ang dahilan ba ng inyong paglabas ay essential pa rin at hindi para mamasyal lang,” aniya.

Muli ring nakiusap ang DILG sa publiko na makipag-tulungan sa pamahalaan at sundin ang ipinatutupad na mga panuntunan dahil para din naman ito sa kapakanan ng publiko.

“Huwag po tayong magpabaya at magrelax. Sundin pa rin po natin ang health protocols na palagiang paghuhugas ng kamay, pagsuot ng mask at physical distancing. Ang iniiwasan po natin ay bumalik tayo sa square one at lumobo ulit ang mga kaso ng Covid-19,” ani Año.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.