Digital gadgets, maaaring makasama sa kalusugan ng mga bata – DSWD

admin   •   April 30, 2013   •   118976

FILE PHOTO: Isang batang naglalaro ng isang smartphone game (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang batang babae na naglalaro ng isang smartphone game. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ang sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadget tulad ng smartphone, tablet at iPad.

Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang pinakabatang digital addict sa Britanya dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang ipad ng kanyang magulang.

Sumasailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa London matapos kakitaan ng widrawal symptoms na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alkohol at droga.

Gagastos ng 16,000 pound o halos 1-milyong piso para sa digital detox program.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dapat ay limitado lamang ang oras ng pagpapagamit ng digital gadget sa mga bata.

“Pati pagkain niya hindi nakakain that is very detrimental then halimbawa yung pati pagwiwi niya pinipigil na niya basta wag lang siya maputol sa games niya, may effect din sa health niya kasi baka magkaroon din siya ng UTI,” pahayag ni Cheryl Pacao-Mainar, DSWD-Protective Services Bureau.

Mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet games lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.

Ayon sa DSWD, posibleng gayahin ng mga bata ang mga ginagawa ng mga character sa mga online games.

“We’ve seen and we’ve heared stories ba dahil nakaaadik ganung types ng games, tapos pag nakakakita yung tipong namamaril parang feeling nila madaling gawin yun kasi barilan nga yung kanilang pinaglalaruan.”

Bukod dito, maaari ding maapektuhan ang pagaaral ng isang bata kung hindi makokontrol ang kanyang paglalaro.

“Yung grades niya pwedeng maapektuhan, pwedeng bumaba or yung school participation niya maaapektuhan din kasi he’d rather play than interact with other children.”

Ayon pa sa DSWD, posible ring magtulak sa isang bata na magnakaw para lamang makapaglaro sa internet shop.

Payo ng ahensya, kung gustong pagbigyan ang mga bata na gumamit ng mga digital gadget, magdownload na lamang ng mga application na maaaring makatulong sa paglinang ng kaisipan ng mga bata gaya ng mga instruction sa pagbabasa.

Kailangan ding bantayan ang oras sa paglalaro nito at limitahan ang mga bata sa pagpapagamit sa mga digital gadget.

“Kailangan lang iregulate ninyo like you allow them to play foe about 30 min then tell them na maglolowbat kasi anak. There are limitations din sa ginagamit niyang gadgets,” pahayag pa ni Pacao. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

More than 2,000 volunteers sign up for DSWD Taal Volcano relief efforts

Robie de Guzman   •   January 14, 2020

MANILA, Philippines – The Department of Social Work and Development (DSWD) on Tuesday said it received an overwhelming response for its call for volunteers for its relief operations for those affected by the eruption of Taal Volcano.

In a Facebook post, the DSWD IV-A said more than 2,000 volunteers had signed up to help in the repacking of relief goods that would be distributed to residents in areas badly affected by the eruption.

The DSWD also expressed gratitude to the 250 volunteers who helped repack food packs on Tuesday at its warehouse in General Mariano Alvarez in Cavite.

“These food packs are for distribution to the affected families of the #TaalVolcano eruption in Cavite and Batangas provinces,” it added.

Due to the overwhelming response from people who are eager to help in the relief operations, the DSWD encouraged volunteers to sign up in the link they provided to process their schedule.

The Office of the Civil Defense earlier reported that the volcanic unrest displaced more than 35,000 people in Batangas. The province of Batangas has been placed under a state of calamity.

Taal Volcano is currently under Alert Level 4 following a phreatic explosion that occurred last Sunday, January 12.

According to the Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alert level 4 means a hazardous eruption is imminent within hours to days.

DSWD appeals to public not to give alms to street children, beggars

Aileen Cerrudo   •   November 7, 2019

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has urged the public not to give alms to street beggars including street children, homeless people, and members of Indigenous Peoples (IP) groups.

The DSWD said this is in pursuant to Presidential Decree (PD) No. 1563 or the Anti-Mendicancy Law which prohibits begging or soliciting of charitable donations by the poor and other religious organizations on the streets.

The department advises the public to think of other means to help in order to keep street dwellers and IP groups away from mendicant activities that may endanger their lives.

“DSWD advises the public to provide responsible types of assistance such as conducting organized gift-giving and caroling activities, feeding sessions, story-telling, and medical missions at the activity centers in the local government units (LGUs),” the DSWD said in a statement.—AAC

DSWD, DILG to clean up 4Ps beneficiary list

Aileen Cerrudo   •   October 10, 2019

A Filipino family ride on a makeshift trolley along a street in Manila, Philippines, 05 December 2018.  EPA-EFE/FRANCIS R. MALASIG

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) and the Department of the Interior and Local Government (DILG) will begin their clean up of the list of beneficiaries under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

The two departments seek to narrow down legitimate and qualified 4Ps beneficiaries following the signing of the Memorandum of Understanding (MOU) for Listahanan 3.

According to DILG Secretary Eduardo M. Año, there had been reports of unqualified 4Ps beneficiaries.

Marami ng mga report na nagsasabi na may mga pamilya na hindi naman mahihirap ang nabibigyan ng tulong mula sa 4Ps, at ito ang nais nating iwasan sa pamamagitan ng Listahanan ng DSWD (There are reports saying there are families that receive beneficiaries from 4Ps but are not really poor. This is what we are trying to avoid through the DSWD’s Listahan),” he said.

Año added that through the Listahan 3, there will be a guarantee that no non-poor families will benefit from the programs of the government such as the 4Ps.

Meanwhile, DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya said the department will coordinate with local government units (LGU) in completing this database of poor families.

Mahalaga na marating ng mga surveyor mula sa DSWD ang mga mahihirap nating kababayan sa mga pamayanan upang masiguro na makakarating sa kanila ang tulong ng pamahalaan (It is important for DSWD surveyors to reach poor families in communities to ensure they can receive aid from the government),” Malaya said.—AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

(+632) 8920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+632) 8396-8688

ADVERTISE WITH US

(+632) 8 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.