DepEd wants connectivity allowance for teachers, SHS students by 2021

Robie de Guzman   •   November 13, 2020   •   320

MANILA, Philippines – The Department of Education (DepEd) is pushing for the granting of connectivity allowance to public school teachers and senior high school (SHS) learners to further support the shift to distance learning in the country.

In a statement issued on Thursday, Education Secretary Leonor Briones said she has requested the Department of Budget and Management (DBM) to issue P4 billion for the implementation of Digital Education, Information Technology and Digital Infrastructure and Alternative Learning Modalities

Briones said the amount shall cover the provision of connectivity load for the 3.2 million SHS learners and around 900,000 teachers nationwide.

Under the proposal, the DepEd chief said teachers will receive P450 monthly load allowance while students will receive P250 monthly for three months.

“We recognize the importance of load allowance for our learners and teachers to deliver quality education despite these challenging times due to the COVID-19 pandemic,” Briones said.

“With support from our Congress and the DBM, we shall continue to push for more financial assistance to our stakeholders,” she added.

Meanwhile, DepEd Undersecretary Alain Pascua said the connectivity load will also help teachers to download videos and communicate with their students.

“’Pag may connectivity load na, pwede na kayong magdownload ng [educational] videos or mas makausap pa ang inyong mga estudyante,” he said.

The department said the remaining P400 million will be allocated to expand production of learning materials in the DepEd Commons, P200 million for DepEd TV and Radio and P150 million for printing and delivery of self-learning modules.

Around P50 million will also be allotted for the establishment of 2,000 radio transmitters in the Last Mile Schools, it added.

Senators want pilot testing of 100 schools for in-person classes

Robie de Guzman   •   February 25, 2021

MANILA, Philippines – Several senators are pushing for the conduct of pilot testing of face-to-face classes, citing the need for immediate experience to help fine-tune the reopening of physical classes in schools amid the coronavirus pandemic.

Senator Francis Pangilinan urged the Department of Education (DepEd) to pilot the in-person classes to an initial 100 schools instead of the suggested 1,605.

“Kung mayroong UK variant at natatakot doon sa pagkalat, e di bawasan natin ang pilot areas, gawin nating isang daan muna. Ang importante, mayroon tayong pagkukunan ng karanasan ngayon pa lang at hindi iyong pagdating doon sa dulo saka natin gagawin dahil nakaangkla tayo sa isang libo,” Pangilinan said in a statement.

DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan earlier said that they initially chose 1,065 schools, or five schools per division, to participate in the dry run of face-to-face classes.

Malaluan said that this figure is equivalent to only over two percent of the more than 47,000 public schools in the country.

“Baka naman pupuwedeng mayroon kayong alternative just to be able to get a system going and be able to fine-tune. Ang importante napa-pilot at nakikita iyong mga gaps so that when you expand it even to 1,065, you already have the experience of 500 or 300 to work around and to work on the necessary adjustments,” Pangilinan said.

“We need the experience now, we need the lessons drawn now because we don’t have the luxury of time,” he added.

Senator Sherwin Gatchalian, chairperson of Senate committee on basic education, arts, and culture, also expressed support for the dry run of in-person classes.

“’’Di naman po ibig sabihin na kinancel yung face-to-face, titigil na rin tayo sa pilot schools. This is a good way for our scientists to study what can be done to mitigate the effects of COVID-19,” he said in a separate statement.

DepEd earlier proposed the pilot testing of limited face-to-face classes in 1,605 schools, citing an internal DepEd survey that clamor is from the learners themselves.

The pilot testing was scheduled in January but it was postponed by President Rodrigo Duterte due to the continuing threat of COVID-19.

DepEd made a fresh bid for the resumption of physical classes in areas classified as low-risk for COVID-19 transmission this month, citing a survey that showed more than 50% of students were in favor of attending face-to-face classes.

It was still rejected by Duterte as he stressed that classes will only resume once the vaccination against COVID-19 starts.

ALAMIN: Plano ng DepEd sakaling payagan ang in-person classes ng pre-schoolers

Robie de Guzman   •   February 18, 2021

Mahalaga sa paglaki ng isang bata ang pakikisalamuha o socialization sa kapwa bata.

Ayon sa US Center for Disease and Control (CDC), ito ay kasama sa mga tinatawag na developmental milestones ng bata.

“Children reach milestones in how they play, learn, speak, behave, and move (like crawling, walking, or jumping),” ang pahayag ng US-CDC.

Ayon sa ahensiya, mahalagang hikayatin ang mga bata na makihalubilo sa kapwa bata dahil maaari itong makatulong upang matutunan nila ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan at pagbibigayan.

“Encourage your child to play with other children. This helps him to learn the value of sharing and friendship,” ang pahayag ng US-CDC.

Subalit sa kasalukuyang sitwasyon kung saan nahaharap sa novel coronavirus ang buong mundo, limitado ang galaw ng mga bata dahil hindi sila pinapayagang lumabas, lalo na rito sa Pilipinas.

Hindi rin nila personal na nakikita ang kanilang mga kalaro at kamag-aral dahil sa panganib na mahawa sila ng sakit.

Bagaman may umiiral pang quarantine restrictions, sinabi ng Department of Education (DepEd) na may nakahanda na silang plano sakaling muli nang payagan ang in-person classes ng mga kabataan, pati na ng mga pumapasok sa pre-school.

Iginiit din ng DepEd na dapat masunod ang mga inilatag na panuntunan para sa posibleng pagpapatupad ng face-to-face classes:

Una, dapat anila ay aprubado ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng face-to-face classes at nasa ilalim ng modified community quarantine classification ang isang lugar.

Pangalawa, dapat may pahintulot ng mga magulang ang muling pagbabalik sa klase ng kanilang mga anak.

Kailangan ding may maayos na pasilidad at malapit sa health facility ang paaralan.

Dapat ay may maayos na water system at may nakahandang mga gamot sa mga paaralan at papasa ang mga ito sa assessment ng health department at ng Inter-Agency Task Force.

Mahalaga ring masiguro ang gagamiting transportasyon ng mga bata papunta at pauwi mula sa paaralan dahil sa banta ng COVID-19 transmission sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa DepEd, isusumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong ito para mapag-usapan sa susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force lalo’t may mga magulang pa ring nag-aatubili sa mga panukalang face-to-face classes.

“Depende yan. Kasi yung iba it will work in high school, may iba it will work sa lower grades pero ang importante ay gagawin natin. Wala tayong one size fits all na lahat pare-pareho, we’re marching to the same draft. Hindi ganun. At saka depende also sa assessment ng ating IATF at Department of Health,” ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Tiniyak naman ng DepEd na pinag-aaralan nilang mabuti kung alin ang mas makabubuti sa mga mag-aaral sa gitna ng kinakaharap na public health crisis. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

DepEd, maglalabas ng polisiya para sa ligtas na online learning ng mga kabataan

Robie de Guzman   •   February 12, 2021

MANILA, Philippines – Maglalabas ang Department of Education (DepEd) ng supplemental policy na mangangalaga sa mga kabataan sa gitna ng ipinaiiral na home-based learning at homeschooling.

Ayon sa DepEd, ang supplemental policy ay bahagi ng mga hakbang para mapalakas ang child protection policy nito lalo’t maraming kabataan ngayon ang may access sa gadget at internet habang nasa bahay.

Batay umano ito sa ginawang konsultasyon sa education at child rights stakeholders nitong nakaraang taon.

Sa isinagawang survey ng DepEd noong 2020, umaabot sa 3.8 milyong magulang ang nagsabing online learning ang gagamitin ng kanilang mga anak para makapagpatuloy sa pag-aaral sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala ang kagawaran na mas dadami pa ito hangga’t hindi natatapos ang kinakaharap na krisis.

Bilang proteksyon sa mga bata online, sinabi ng DepEd na mas pinalakas pa nito ang advocacy campaigns upang maturuan ang mga tauhan ng kagawaran, at mga magulang sa mga nararapat na hakbang upang mapangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga mag-aaral.

Samantala, sinabi naman ng Department of Justice (DOJ) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan nilang rekomendasyon para labanan ang online sexual exploitation lalo na sa mga bata.

Kabilang dito ang pagpapataw ng parusa ng National Telecommunications Commission sa service providers na mabibigong gampanan ang kanilang tungkuling pigilan ang access o pagkalat ng child pornography materials alinsunod sa Republic Act 9775.

Inirekomenda rin ng DOJ ang pagiisyu ng executive order para mapalakas ang kooperasyon ng iba’t ibang grupo gaya ng Inter-Agency Council Against Trafficking at Inter-Agency Council Against Child Pornography.

Pinag-iingat din ng DOJ ang publiko sa paggamit ng internet para hindi mabiktima ng cybercriminals. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.