DepEd, iginiit na wala silang pa-contest para mamigay ng libreng gadget

Robie de Guzman   •   September 18, 2020   •   449

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga kumakalat na scam na nanghihikayat sa pagsali sa anumang contest upang mabigyan ng libreng laptop at smartphones.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na hindi ito namimigay ng gadget o libring pocket wi-fi sa pamamagitan ng anumang raffle draw o contest para sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon sa kagawaran, wala itong pinapayagang grupo o indibibidwal na manghingi ng donasyon kahit nangangailangan ito ng malaking pondo para sa pagpapatupad ng bagong educational program sa gitna ng pandemiya.

Dagdag pa nito, ang mga lokal na pamahalaan at mga kumpanyang katuwang ng DepEd ang namamahagi ng gadget para sa mga mag-aaral ngunit idinadaan ito sa regional at division offices ng ahensiya.

“Ang learning continuity packages na donasyon ng LGUs at lehitimong partners ay ipinamamahagi sa mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan ng DepEd regional and division offices at mga paaralan,” ang wika ng DepEd.

Hinimok ng DepEd ang publiko na agad i-report ang mga scam na may kinalaman sa darating na pasukan sa Public Assistance and Action Center sa pamamagitan ng pagtawag sa 0919-456-0027 at 0995-921-8461 o kaya ay mag-email sa action@deped.gov.ph. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Senators want pilot testing of 100 schools for in-person classes

Robie de Guzman   •   February 25, 2021

MANILA, Philippines – Several senators are pushing for the conduct of pilot testing of face-to-face classes, citing the need for immediate experience to help fine-tune the reopening of physical classes in schools amid the coronavirus pandemic.

Senator Francis Pangilinan urged the Department of Education (DepEd) to pilot the in-person classes to an initial 100 schools instead of the suggested 1,605.

“Kung mayroong UK variant at natatakot doon sa pagkalat, e di bawasan natin ang pilot areas, gawin nating isang daan muna. Ang importante, mayroon tayong pagkukunan ng karanasan ngayon pa lang at hindi iyong pagdating doon sa dulo saka natin gagawin dahil nakaangkla tayo sa isang libo,” Pangilinan said in a statement.

DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan earlier said that they initially chose 1,065 schools, or five schools per division, to participate in the dry run of face-to-face classes.

Malaluan said that this figure is equivalent to only over two percent of the more than 47,000 public schools in the country.

“Baka naman pupuwedeng mayroon kayong alternative just to be able to get a system going and be able to fine-tune. Ang importante napa-pilot at nakikita iyong mga gaps so that when you expand it even to 1,065, you already have the experience of 500 or 300 to work around and to work on the necessary adjustments,” Pangilinan said.

“We need the experience now, we need the lessons drawn now because we don’t have the luxury of time,” he added.

Senator Sherwin Gatchalian, chairperson of Senate committee on basic education, arts, and culture, also expressed support for the dry run of in-person classes.

“’’Di naman po ibig sabihin na kinancel yung face-to-face, titigil na rin tayo sa pilot schools. This is a good way for our scientists to study what can be done to mitigate the effects of COVID-19,” he said in a separate statement.

DepEd earlier proposed the pilot testing of limited face-to-face classes in 1,605 schools, citing an internal DepEd survey that clamor is from the learners themselves.

The pilot testing was scheduled in January but it was postponed by President Rodrigo Duterte due to the continuing threat of COVID-19.

DepEd made a fresh bid for the resumption of physical classes in areas classified as low-risk for COVID-19 transmission this month, citing a survey that showed more than 50% of students were in favor of attending face-to-face classes.

It was still rejected by Duterte as he stressed that classes will only resume once the vaccination against COVID-19 starts.

ALAMIN: Plano ng DepEd sakaling payagan ang in-person classes ng pre-schoolers

Robie de Guzman   •   February 18, 2021

Mahalaga sa paglaki ng isang bata ang pakikisalamuha o socialization sa kapwa bata.

Ayon sa US Center for Disease and Control (CDC), ito ay kasama sa mga tinatawag na developmental milestones ng bata.

“Children reach milestones in how they play, learn, speak, behave, and move (like crawling, walking, or jumping),” ang pahayag ng US-CDC.

Ayon sa ahensiya, mahalagang hikayatin ang mga bata na makihalubilo sa kapwa bata dahil maaari itong makatulong upang matutunan nila ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan at pagbibigayan.

“Encourage your child to play with other children. This helps him to learn the value of sharing and friendship,” ang pahayag ng US-CDC.

Subalit sa kasalukuyang sitwasyon kung saan nahaharap sa novel coronavirus ang buong mundo, limitado ang galaw ng mga bata dahil hindi sila pinapayagang lumabas, lalo na rito sa Pilipinas.

Hindi rin nila personal na nakikita ang kanilang mga kalaro at kamag-aral dahil sa panganib na mahawa sila ng sakit.

Bagaman may umiiral pang quarantine restrictions, sinabi ng Department of Education (DepEd) na may nakahanda na silang plano sakaling muli nang payagan ang in-person classes ng mga kabataan, pati na ng mga pumapasok sa pre-school.

Iginiit din ng DepEd na dapat masunod ang mga inilatag na panuntunan para sa posibleng pagpapatupad ng face-to-face classes:

Una, dapat anila ay aprubado ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng face-to-face classes at nasa ilalim ng modified community quarantine classification ang isang lugar.

Pangalawa, dapat may pahintulot ng mga magulang ang muling pagbabalik sa klase ng kanilang mga anak.

Kailangan ding may maayos na pasilidad at malapit sa health facility ang paaralan.

Dapat ay may maayos na water system at may nakahandang mga gamot sa mga paaralan at papasa ang mga ito sa assessment ng health department at ng Inter-Agency Task Force.

Mahalaga ring masiguro ang gagamiting transportasyon ng mga bata papunta at pauwi mula sa paaralan dahil sa banta ng COVID-19 transmission sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa DepEd, isusumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong ito para mapag-usapan sa susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force lalo’t may mga magulang pa ring nag-aatubili sa mga panukalang face-to-face classes.

“Depende yan. Kasi yung iba it will work in high school, may iba it will work sa lower grades pero ang importante ay gagawin natin. Wala tayong one size fits all na lahat pare-pareho, we’re marching to the same draft. Hindi ganun. At saka depende also sa assessment ng ating IATF at Department of Health,” ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Tiniyak naman ng DepEd na pinag-aaralan nilang mabuti kung alin ang mas makabubuti sa mga mag-aaral sa gitna ng kinakaharap na public health crisis. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Gatchalian pushes for educators’ academy institutionalization to boost teachers’ training

Robie de Guzman   •   February 18, 2021

MANILA, Philippines – Senator Sherwin Gatchalian on Thursday said he has filed a bill seeking the institutionalization of the National Educators Academy of the Philippines (NEAP), which serves as the Department of Education’s (DepEd) professional development arm, to help enhance the quality of teacher education and training in the country.

In filing Senate Bill 1887 or the Teacher Education Council Act, Gatchalian proposes to strengthen the collaboration between DepEd, the Commission on Higher Education (CHED), and the Professional Regulation Commission (PRC) to improve the quality of teacher education and training from pre-service to in-service.

Under the measure, the NEAP is mandated to guarantee that professional development activities are at par with the 21st century learning environment and linked with the career progression of teachers and school leaders.

While the 2021 national budget provides for seminars and trainings to help teachers cope with the new normal way of teaching, Gatchalian said that institutionalizing the NEAP will be part of long-term efforts to make the basic education sector more robust, inclusive, and resilient, considering the impact of the COVID-19 pandemic.

The transformation of NEAP is also part of DepEd’s initiatives on upskilling and reskilling teachers, one of the pillars of the national reform plan Sulong Edukalidad, which pivots focus from access to quality in education.

“Ang ating pagpapatibay sa National Educators Academy of the Philippines ay isa sa ating mga panukalang hakbang upang matiyak na tuloy-tuloy ang ating pagbibigay ng dekalidad na pagsasanay sa ating mga guro at school leaders upang maiangat ang kanilang mga kakayahan nang sa gayon ay maiangat din natin ang kakayahan ng ating mga mag-aaral,” Gatchalian said.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.