Delta COVID-19 variant, 60% na mas nakakahawa kumpara sa Alpha variant ayon sa ilang pag-aaral

Robie de Guzman   •   June 16, 2021   •   247

Higit na nakakahawa ang Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19) kung ikukumpara sa iba pang natuklasang variant ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumabas sa ilang pag-aaral na 60 porsiyentong mas nakakahawa ang Delta variant na unang natuklasan sa India kumpara sa Alpha variant na unang napaulat sa United Kingdom.

“Iyong UK Variant po noong unang lumabas, sinabi nila na ito ay 50-60% more transmissible. So iyong existing po na variant natin ngayon for SARS-COV2 dadagdagan niyo ng 60% more transmissible so talagang mabilis po ang pagkakahawa-hawa,” ani Vergeire.

“Pero noong lumabas ang Indian Variant, it’s 60% more transmissible than the UK variant so it means that the existing variant that we have on top of UK and then there’s Indian Variant sobrang bilis na po ng pagkakahawa-hawa,” dagdag pa niya.

Buwan ng Mayo nang isama sa listahan ng variants of concern ng World Health Organization ang Delta variant.

Ibig sabihin, may mga ebidensyang nagpapakitang mas mabilis ang pagkalat nito, mas nakahahawa at sanhi ito ng mas malala o severe na pagkakasakit ng isang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention, ang Delta variant ay nakakabawas din sa epekto ng gamot o bakuna kontra COVID-19.

Batay sa mga pag-aaral sa United Kingdom, ang Delta variant rin ang nakitang dahilan ng mabilis na paglobo ng COVID-19 cases sa nasabing lugar.

Una nang iniulat na ang nasabing uri ng COVID-19 rin ang sanhi ng mabilis na pagtaas ng kaso sa India.

Sa Pilipinas, 13 ang natukoy na kaso ng Delta variant – dalawa sa mga ito ay pawang balikbayan na may travel history sa India.

Wala pang kumpirmasyon ang DOH sa ngayon kung Delta ang umiiral na COVID-19 variant ngayon sa mga lugar sa bansa na may mataas na kaso.

Sa ngayon ay nagpapatupad na ang Pilipinas ng travel restriction sa mga biyahero mula sa India at anim pang mga bansa na may kaso na rin ng nasabing variant.

Paalala naman ng DOH sa publiko na palagiang sumunod sa health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

“Lagi natin tatandaan, variants are produced if there is a host, kapag mataas ang kaso mas maraming mag-mutate na virus, mas maraming variants na ipo-produce pero kapag na-maintain natin na mababa ang kaso kakaunti lang ang kapasidad ng virus na mag-mutate pa siya at mag- produce pa ng further variants,” ani Vergeire. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Ilang pasyalan sa Metro Manila bukas na sa publiko pero mga bata, bawal sa ilang parke

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – Bukas na sa publiko ang ilang pasyalan sa Metro Manila kasunod ng pagsasailalim sa rehiyon sa COVID-19 Alert Level 3.

Kabilang sa mga binuksang pasilidad ay ang Quezon Memorial Circle, kung saan pinapayagan ang pagpasok ng mga bata basta’t may kasamang magulang o adult guardian.

Maaari ring kumain sa parke at bukas ang playground para sa mga batang gustong maglaro.

May mga nag-iikot namang security personnel upang masegurong nasusunod ng mga bisita ang ipinatutupad na public health protocols.

Malawak ang Quezon Memorial Circle at maaari itong pagdarausan ng individual exercise.

Bukas ang lugar mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Sa Maynila naman, bukas rin ang Luneta at Paco Park mula alas-5 ng umaga para sa mga nais mamasyal at mag-ehersisyo sa liwasan.

Ngunit ayon sa National Parks Development Committee (NPDC), bawal pa rin ang pagpasok sa Rizal Park ng mga menor de edad kahit sila ay mag-e-ehersisyo.

“Sa ngayon po, dahil po sa IATF guidelines ay hindi po muna natin ina-allow ang mga bata sa parks and then, yung pagdating naman din po sa pagkain, hindi pa rin po nag-a-allow ng picnic po sa park,” ang paliwanag ni Florizza Buclatin, ang chief of staff ng NPDC.

Sa Intramuros, tumatanggap na rin ng bisita ang Baluarte de San Diego at Fort Santiago pero bawal pa rin ang mga menor de edad.

Bukas ang Fort Santiago mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi habang ang Baluarte de San Diego naman ay bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Bukas ang mga pasyalang ito, bakunado man o hindi kontra COVID-19.

Paalala ng mga otoridad sa mga bisita, kailangan pa ring nakasuot ng face mask, iwasan ang overcrowding at panatilihin ang physical distancing. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Business recovery very likely as restrictions ease — employers group

Maris Federez   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines — The Employers Confederation of the Philippines (ECOP) is confident that businesses will be able to recover soon as alert level restrictions begin to ease in selected areas in the country.

ECOP said that business owners are seeing gradual recovery from losses as protocols to counter the spread of COVID-19 relax.

“Kapag nagnonormal yung restrictions mag-uumpisa nang kumita ang mga iyan,” said ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr.

Ortiz-Luis added that it is now time for the government to allow companies to operate with a larger percentage of their workforce to help them recover.

He said all it takes for them is to implement stricter health protocols in their areas of employment.

Employers must also not make vaccination status a basis for accepting employees returning for work.

“Kapag tinanong mo meron din ilan-ilang nagpa-positve sa workplace eh. Pero kapag ininspeksiyon mo saan nakuha, hindi naman doon sa workplace eh. Nakuha sa paghanap ng sasakyan, pagpila sa kung ano-anong pinipilahan,” Ortiz-Luis said.

“Napakaraming pila: pila sa ayuda, pila sa COMELEC, pila sa paghanap ng sasakyan, paglalakad, pagtitipon, paghahanap ng pagkain. Doon nakukuha. Hindi sa workplace. Bakit hindi mo papasukin?” he added.

However, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) stressed that vaccination, alongside the efficient implementation of quarantine restrictions, is still the key to economic recovery.

“The continued decline in COVID-19  infection cases owing to the speedier COVID vaccine rollout and more effective granular lockdown will help underpin the economy’s gradual reopening,” said BSP Governor Benjamin Diokno.

Currently, the National Capital Region is under Alert Level 3 until the end of October, wherein several business establishments have been allowed to operate with limited capacity. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Nel Maribojoc)

Dominguez tells DOF, attached agencies to prepare back-to-office plans

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines ­– Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III has ordered the department and its attached agencies and state corporations to prepare their respective plans on transitioning work back to their respective offices.

In a statement, the DOF said Dominguez has emphasized that the back-to-office plans should strictly adhere to health and safety protocols being implemented against COVID-19.

The order comes after more than a year of shifting to work-from-home (WFH) arrangements because of the COVID-19 pandemic, it added.

Dominguez said that as more government employees get fully vaccinated, the DOF and its agencies such as the Bureaus of Customs (BOC), of Internal Revenue (BIR), of Local Government Finance (BLGF) and of the Treasury (BTr); Insurance Commission (IC), Securities and Exchange Commission (SEC), and other attached organizations should gradually shift to working normally in their respective offices.

The transition plans, Dominguez said, should include testing protocols for employees and their immediate families, and seminars to educate them on how to return safely to full-time office work.

“I think that we should already have a plan for transitioning back into working normally. In other words, back-to-office work,” Dominguez said during a recent executive committee (Execom) meeting.

“I’d like everybody to start working on this plan already assuming that we’re going to have to live with this virus,” he added.

The Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) has yet to allow the full transition to back-to-office arrangements with the National Capital Region (NCR) now under General Community Quarantine (GCQ) with Alert Level 3 status.

The DOF said that 76.6 percent of its employees have been fully vaccinated, as of October 8.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.