DBM Secretary Butch Abad, nagpaliwanag kung bakit malaking porsyento ng pondo ay mapupunta sa tatlong rehiyon ng bansa

admin   •   August 20, 2014   •   4108

Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinagpatuloy kanina ng Senate Committee on Finance ang kanilang pagtalakay sa mahigit 2.6 trillion  pesos na pambansang budget para sa 2015.

Tinanong ni Sen. Nancy Binay si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad kung aling rehiyon ng bansa ang makatatanggap ng malaking pondo sa susunod na taon.

Sa report ng DBM, 32% ang nakatalaga sa National Capital Region o NCR, 32.3% sa Luzon, 15.3% sa Visayas at 20.4 para sa Mindanao.

Ayon kay Sec. Abad, malaking porsyento ng pondo ang nakalaan sa NCR region, Region 3 at CALABARZON region.

Sinabi nitong, 65% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay nanggagaling sa tatlong rehiyon na ito.

Kaya naman, mataas ang pangangailangang pondo lalo na sa imprastraktura ng mga rehiyon, pati na rin sa social services dahil ito rin ang may pinakamalaking populasyon sa bansa.

“Only three regions produce more than 60% of the GDP and that’s Region 3, NCR, and Region 4-A. Now, you cannot stop investing in those places because they are driving the growth,” saad ng kalihim.

Kinuwestiyon naman ito ni Sen. Nancy Binay dahil ayon sa datos na ipinakita ng National Economic Development Authority (NEDA) sa senado kanina, ARMM region ang pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas.

May mahigit siyam na probinsya rin sa Visayas at Mindanao ang nagkaroon ng dramatic rise in poverty rate ngunit hindi ito pinaglalagakan ng malaking porsyento ng pambansang pondo.

Sinagot naman ito ni Sec. Butch Abad at ayon sa kanya may mga programa naman ang pamahalaan katulad ng billion peso Conditional Cash Transfer (CCT) na layuning ibaba ang poverty incidence sa bansa.

“If you look at the sectoral breakdown, halimbawa, CCT, basic education, housing, infrastructure, its moving in in the direction of the 44 provinces identified in the budget as either having high incidence of poverty, which is the percentage of the population, or high magnitude.”

Samantala, dahil naglalaan ng mas malaking pondo sa imprastraktura sa tatlong rehiyon, sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na ipagpapatuloy na nila ang NorthRail Transit project.

“Well it’s now on the technical group of NEDA. Hopefully within the year it can get to the neda board then if it’s approved by next year that should be on stream,” pahayag ni Department of Finance Sec. Cesar Purisima.

Nasimulan ang nasabing proyekto panahon ng administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo ngunit natigil matapos lumabas ang isyu na may anomalya sa mahigit 9 billion na deal sa China Export-Import Bank.

Ang NorthRail Transit project na magdurugtong sana sa Manila hanggang Clark airport sa Pampanga.

Bagamat ipinagmalaki ni Sec. Butch Abad ang mga programa ng pamahalaan na naglalayong iangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino, napuna pa rin ng ilang mga senador na maliit pa rin ang pondo na natatanggap ng ilang rehiyon at probinsya na matagal nang natatala na may mataas na poverty incidence rate sa bansa. (Joyce Balancio, UNTV News)

OCTA: COVID-19 growth rate in NCR slows down to -1%

Robie de Guzman   •   January 17, 2022

MANILA, Philippines – The growth rate of COVID-19 is decreasing in Metro Manila, the OCTA Research group said on Monday.

OCTA Research fellow Dr. Guido David said the daily growth rate of the seven-day moving average in the region has slowed down to -1 percent.

“Base sa datos kahapon na may 15,959 cases ay bumaba ang daily growth rate to negative 1 percent from 2 percent. So ibig sabihin, naging negative na, mukhang pababa na ng kaunti,” David said in a televised public briefing.

“Pero again di pa tayo pwedeng mag-celebrate,” he added as he stressed the need to closely monitor the case trends in the coming weeks to see if figures are really declining in the NCR.

In a post on Twitter, David said that the growth rate over the past four days, in order, were 11%, 5%, 3%, and 2%.

The region’s COVID-19 reproduction number also went down to 2.67 from around 6.16 recorded last January 2. The rate refers to the number of people infected by one positive case.

While this trend is encouraging, and suggesting the possibility that cases in the NCR have peaked, David said that the possibility still remains that visibility of the situation in the region is clouded because of limitations in testing.

And though the peak may be nearing in the NCR and other nearby areas, David noted that there are many areas outside in the country that have shown an increase in COVID-19 cases.

“Actually, all over the country now, we’re starting to see an increase in cases, kaya makaka-affect ito sa sinasabi nating peak kung pinag-uusapan buong bansa,” he said. “Pero possible na sa NCR, tsaka Cavite, Bulacan, Rizal ay baka malapit na ang peak o nagpi-peak na tayo.”

David urged those in the provinces to get vaccinated or boosted against COVID-19 to protect themselves from hospitalization and severe form of the disease.

He also advised the public to continue adhering to public health protocols such as the proper wearing of face mask, social distancing, and refrain from unnecessary travel to help curb COVID-19 transmission. (with details from Correspondent Rosalie Coz)

DepEd NCR nagdeklara ng health break mula Enero 15 to 22

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng academic health break ang regional office ng Department of Education (DepEd) para sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng dumaraming bilang ng mga nagkakasakit dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na memorandum order, sinabi ng DepEd-NCR na suspindido muna ang klase sa lahat ng antas sa basic education mula Eneroi 15 hanggang 22.

Muling babalik ang klase sa Enero 24 hanggang 29 pero limitado lang muna ito sa distance learning modalities gaya ng online schooling, module at DepEd TV.

Hindi rin required ang pisikal na pagpasok sa paaralan ng mga guro.

Gayunman, dapat gamitin na lang ng mga estudyante at guro ang kanilang midyear break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5 para sa makeup clasess upang mabawi ang mga backlog sa aralin.

Nakatakda naman ang second quarter examinations para sa Pebrero 7 at 8.

Una nang binigyan ng kapangyarihan ng DepEd ang regional at school division offices na magdesisyon ukol sa suspensyon ng klase bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

“kung ang pagtataya ng ating Local Officials Regional Director Level or Division or even at the School Level ay kailangan magsuspinde ng klase o ng if not the full class ay learning activities then we are authorizing maximum of two weeks at a time subject to reporting at kung mas mahaba pa dun ay kailangang ikonsulta sa amin kung maaring pahintulutan ito,” ani DepEd Undersecretary Noel Nepomuceno.

Samantala, nasa diskresyon naman ng mga pribadong paaralan kung kailan sila magsususpinde ng klase.

Maliban sa NCR, nagdeklara na rin ng class suspension ang DepEd CALABARZON mula Enero 17 hanggang 29.

Ang pamahalaan naman ng Antipolo City sa Rizal ay nagdeklara rin ng health break sa kaparehong petsa.

Nauna nang nagdeklara ng health break ang pamahalaang lungsod ng Maynila simula ngayong Biyernes, Enero 14 hanggang 21.

Layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mag-aaral na makapagpahinga, lalo na ang mga may karamdaman. (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

 

DOLE suspends work in head office, NCR on January 14 & 17

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

The Department of Labor and Employment (DOLE) announced that work in its main office in Intramuros, Manila, and its regional office in the National Capital Region (NCR) have been suspended on January 14 (Friday) and January 17 (Monday).

In a statement, Labor Secretary Silvestre Bello III said the work suspension order was due to the surge of COVID-19 cases, particularly in NCR, and “the increasing number of cases in the department.”

Bello said that 128 DOLE officials and staff have been infected as of January 13. This accounts for about 21 percent of DOLE’s central office personnel of around 600.

“Services of the Department of Labor and Employment in the central office in Intramuros and its regional office in the National Capital Region will not be available to the public on Friday, January 14, and Monday, January 17,” the department said in an advisory.

In a memorandum issued on Thursday, January 13, Bello directed all heads of offices, services, and bureaus, including the NCR regional office to resume work on January 18.

Earlier in the week, Bello directed all DOLE offices and attached agencies in areas with a surging number of COVID cases to implement alternative work arrangements, including work from home, for their personnel.

“Skeletal [sic] workforce shall be limited to those performing or providing essential services,” Bello said in an administrative order issued on Tuesday.

The work arrangements took effect on Wednesday and will last until January 30, he added.

The flexible work arrangements, however, do not cover personnel in the offices of the Secretary, undersecretaries and assistant secretaries, and the office of the directors.

Bello urged all DOLE personnel to continue observing public health standards and other safety protocols in the workplace to help curb the spread of COVID-19.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.