Dating Laguna Gov. ER Ejercito, umalis na sa kapitolyo

admin   •   May 30, 2014   •   4056

“Wag kayong mag-alala mga Lagunenyo kahit wala na ako sa pwesto, ako
si Governor George ‘ER’ Ejercito Estregan ay magiging gobernador ninyo
ngayon at magpakailanman. Antayin niyo ang pagbabalik ng Agila.” — Former Governor ER Ejercito (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umalis na sa kapitolyo ng Laguna ang dating gobernador ng lalawigan na si ER Ejercito matapos na pakiusapan ng kanyang tiyuhin na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sakay ng isang chopper nitong umaga ng Biyernes, dumating si Estrada sa kapitolyo ng Laguna.

Ayon sa dating Pangulo, layon ng kanyang pagbisita na kumbinsihin ang kaniyang pamangkin na umalis na ito ng kapitolyo upang maiwasan ang gulo.

“Payagan niyo na po na isama ko ang inyong gobernador alang alang sa kapayapaan. Gobernor makinig ka sa akin, bumaba na tayo bumaba ka na alang-alang sa katahimikan kapayapaan ng lalawigan kaya sumama ka na.”

Naging emosyonal ang dating gobernador subalit sa huli ay pumayag na itong lisanin ang pamahalaang panlalawigan at nagbigay ng pagasa sa kaniyang mga tagasuporta na muli itong babalik sa kapitolyo.

“Wag kayong mag-alala mga Lagunenyo kahit wala na ako sa pwesto, ako si Governor George ER Ejercito Estregan ay magiging gobernador ninyo ngayon at magpakailanman. Antayin niyo ang pagbabalik ng Agila,” pahayag nito.

Mag-aalas onse ng umaga nang lisanin ni Ejercito ang kapitolyo kasama ang kaniyang pamilya.

Samantala, ikinatuwa naman ng kasalukuyang gobernador Ramil Hernandez ang naging desisyon ni Ejercito na lisanin na ang kapitolyo.

Aniya, agad niyang ipapa-inspeksyon ang kapitolyo upang agad na makalipat sa susunod na linggo.

“Katungkulan ko na sumunod at ako ay manungkulan at katungkulan din niyang sumunod din sa order ng korte itong ginawa niya ay bahagi ng pagsunod niya sa autority na bumaba siya sa pwesto ibig sabihin dumadaloy ang proseso.”

Pinulong din kaninang umaga ni Hernandez ang lahat ng hepe ng pulis ng probinsya bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng mga estudyante sa susunod na linggo.

Ipinakita rin ng police provincial director sa bagong gobernador ang kanilang accomplishment laban sa iligal na droga at mga loose firearms nitong Mayo. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)

Estrada concedes, asks supporters to rally behind Isko Moreno

Robie de Guzman   •   May 15, 2019

Outgoing Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada | Courtesy : PVI-PRESS / Daniel Iglesias mylensitivity

MANILA, Philippines – Outgoing Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada has conceded his defeat to newly-elected mayor Franscisco “Isko Moreno” Domagoso.

In a statement released late Tuesday, Estrada congratulated Domagoso on his win and promised to prepare for a smooth transition of government.

“The people of Manila have spoken. The new leadership of the city will be coming in and I will prepare the smooth turnover of the city government,” he said.

“I congratulate the new mayor and I wish him all the best for the good of the people of Manila,” he added.

Estrada lost to Domagoso by a wide margin in the Manila mayoral race. He received 210,605 votes against Domagoso’s 357,925, based on votes from 100 percent of election returns from clustered precincts.

He also expressed gratitude to those who helped and stood by him throughout the 50 years of his political career.

“By June 30, my 50 years in politics and public service will come to an end with sterling colors of honesty and genuine concerns for the poor,” he said in a statement.

“I wish to thank all those who stood by me for the last 5 decades of my political life,” he added.

Estrada joined the political arena in 1969 while he was still a popular film actor. He ran and won as mayor of San Juan City and was succeeded by his sons Jinggoy and John Victor “JV” Ejercito, followed by JV’s mother, Guia Gomez, when he sought national positions. He first ran as senator in 1987, then vice president in 1992, and finally president in 1998.

He was ousted in 2001 over corruption charges and convicted of plunder in 2007. He was later pardoned and returned to politics to become Manila mayor in 2013.

But his years of foray in politics suddenly came to an end after his defeat against Moreno. The Estrada-Ejercito clan’s 50-year reign in San Juan was also cut off after his granddaughter, Janella, failed in her mayoral bid against former vice mayor Francis Zamora.

READ: End of an era? Estrada-Ejercito clan suffers crushing defeat in 2019 polls

Estrada also called on his supporters to rally behind the mayor-elect for the betterment of the city.

“I am calling all my supporters to rally behind the new leadership of the city,” he said.

“Hangad natin ang katagumpayan ng bagong liderato para sa kabutihan ng nakararami (We hope for the success of the new leadership for the welfare of the majority ,” he added.

He also said that he will leave the new leader with a city with no debt because he was able to clear it during his term.

“Taas-noo tayong lalabas ng city hall dahil nabayaran natin ang lahat ng pagkakautang na P4.4B na aking dinatnan noong 2013,” he said

(I will leave the city hall with head held high because we were able to pay the P4.4 billion debt that I inherited in 2013.)

“Dinatnan ko ang lungsod na bangkarote. Sa pagtatapos ng aking termino, iiwanan ko ang lungsod na may P14 bilyong pondo bunga ng masinop na pamamahala at maingat na paggasta sa perang pag-aari ng mga mamamayan,” he said.

(I inherited a bankrupt city. As my term comes to an end, I will leave a city with P14 billion fund due to good governance and careful spending of the people’s money)

He did not say whether he will retire once his term ends or plans to make a political comeback. He just said that “there’s always life after politics.”  

GIS EXCLUSIVE: Duterte’s ‘political will’ will deter election fraud this 2019 – Laguna bet ER Ejercito

Marje Pelayo   •   February 12, 2019


Actor-turned-politician and former governor Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito on the program Get It Straight with Daniel Razon

QUEZON CITY, Philippines – Known on-screen as ‘Jorge Estregan Jr.’, actor-turned-politician and former governor Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito is aiming for a comeback to the provincial office of Laguna this 2019 midterm elections.

This May 2019 elections, Ejercito is trying his luck again as he is confident that election fraud has no chance under the Duterte administration.

“We have a strong president who has a strong political will na talaga namang astig ang ating pangulo,” Ejercito said during an exclusive interview with the program Get It Straight with Daniel Razon.

“Kapag sinabi niyang bawal ito, bawal ito. Kapag sinabi niyang linisin ang Boracay, linisin ang Manila Bay, ginagawa po niya. May political will. Sana walang dayaan at parehas ang maging laban,” he added.

In 2014, the Commission on Elections (Comelec) ordered Ejercito to step down from office due charges of campaign overspending in the 2013 midterm elections.

He lost in the 2016 polls which he presumes had been rigged.

Ejercito claims he was picked on by the former administration of then president Benigno Aquino III.

“Kakampi na natin ang presidente. Hindi ko na kalaban. Palagay ko naman patas na ang laban ngayon. Hindi na ako mapagiinitan ng Malakanyang at Comelec,” he said when asked how he can ensure that he would not go beyond spending limit this time.

Meanwhile, Ejercito aims at strengthening programs on health, education, tourism, infrastructure, peace and security in the province of Laguna if reelected.

Specifically, he wants to turn the province of Laguna into one of the country’s food baskets by strengthening the local agriculture sector. – Marje Pelayo (with reports from Rosalie Coz)

Dating Laguna Gov. ER Ejercito, pinaaaresto ng Sandiganbayan; piyansa sa kasong graft kinumpiska

admin   •   April 18, 2016

FILE PHOTO: Former Laguna Gov. Emilio Ramon “ER” Ejercito (Hero Miticus / Photoville International)

FILE PHOTO: Former Laguna Gov. Emilio Ramon “ER” Ejercito (Hero Miticus / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Hindi dumating sa Sandiganbayan 4th Division si dating Laguna Gov. Emilio Ramon “ER” Ejercito sa kanyang arraignment nitong Lunes ng umaga.

Sa halip, nagpasa si Ejercito ng medical certificate at sinabing may karamdaman ito.

Nakasaad sa medical certificate na naka-confine si Ejercito sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City dahil sa pneumonia.

Hindi naman tinanggap ng korte ang medical certificate dahil nakasaad dito na for school or work purposes lang ito at hindi maaaring magamit sa medico-legal.

Pinuna rin ni Justice Geraldine Faith Econg na kaduda-duda ang alterations o bura sa petsa ng confinement ni Ejercito sa naturang ospital.

Ibang doktor din aniya ang pumirma sa certificate at hindi ang kanyang attending physician.

Dahil dito, pinawalang bisa o kinumpiska muna ng korte ang P30,000 na piyansa ni Ejercito at ipinag-utos ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa kanya.

Binigyan ng tatlumpung araw si Ejercito upang magpaliwanag bago tuluyang bawiin ang kanyang piyansa.

Nahaharap si Ejercito sa kasong graft sa 4th division dahil sa umano’y maanomalyang health insurance deal para sa mga turista at bangkero ng Pagsanjan, Laguna taong 2008.

Naghain naman ng not guilty plea ang pitong kapwa akusado niya, habang dinismiss naman ang kaso laban sa isa pang akusado na namatay na.

Pinagpapasa ng korte ang prosekusyon at depensa ng pre-trial brief sampung araw bago ang preliminary conference sa May 17. Dito mamarkahan na ang mga ebidensyang gagamitin sa kaso.

Samantala, naghain naman ng not guilty plea si Sen. Joseph Victor Ejercito sa kasong graft sa 5th division.

Kaugnay naman ito sa sinasabing maanomalyang paggamit ng 2.1 million pesos na calamity fund ng San Juan City na ipinambili ng mga armas taong 2008 noong siya pa ang akalde ng lungsod.

Kumpiyansa naman ang senador na mapapawalang sala siya sa kasong graft.

“We are very confident with the evidence that we have, and kapag hindi ka guilty wala kang takot eh. So, gusto ko na matapos ito kasi if there is one thing, it has tainted my reputation which inaalagan ko nang matagal na panahon,” pahayag ni Sen. Ejercito.

(JOYCE BALANCIO / UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.