Dalawang Alagad ng Sining, Tumanggap ng Pinakamataas na Parangal mula kay Pangulong Aquino

admin   •   November 9, 2012   •   6560

Si Pangulong Benigno S. Aquino III sa 2012 Gawad sa Manlilikha ng Bayan Award sa paggawad ng parangal kay Magdalena Gamayo sa Malacañan nitong Huwebes (November 08, 2012). (Photo by: Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau).

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibigay ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan Award para sa dalawang Ilokano na may malaking ambag sa kultura ng bansa.

Si Magdalena Gamayo, 88, ay nagsimulang maghabi ng Abel Iloko noong siya ay labing anim na taong gulang pa lamang.  Ang Abel Iloko ay isang makalumang disenyo ng mga kumot at balabal na pangunahing makikita sa Ilocos.

Sa talumpati ni Pangulong Aquino, pinuri nito ang kasipagan at katiyagaan ni Aling Magdalena.

“Kalyuhin man ang daliri, mahapo man ang mga mata, mapagod ang mga binti at kamay, hindi ito alintana ni Nanay Magdalena ang resulta lumipas man ang pitong dekada patuloy na tinitingala at tinatangkilik ng kanyang komunidad ang hinahabi niyang Abel Iloko.”

Isa pa sa tumanggap ng parangal mula sa pangulo ay si Teofilo Garcia na ilang dekada na ring gumagawa ng makalumang panakip-ulo na tinatawag na Tabungaw.

Umaasa naman si Pangulong Aquino na mapapanatili ang tradisyunal na kultura at sining ng bansa na may malaking bahagi sa buhay ng mga Pilipino.

“Umaasa po ako na ang kasanayan at ang kaalamang ito ng ating mga awardee ay maisasalin sa marami pa nating mga kababayan.”

Dumating din sa naturang pagtitipon si dating first lady Imelda Marcos upang saksihan ang parangal.

1993 nang unang magsimula ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan sa pamamagitan na rin ng RA 7355 na magbibigay pagkilala sa mga taong may malaking kontribusyon sa kultura at sining ng bansa. (Dave Tirao & Ruth Navales, UNTV News)

Kasama ring pinarangalan si Teofilo Garcia na ilang dekada na ring gumagawa ng makalumang panakip-ulo na tinatawag na Tabungaw. (Photo by: Malacañang Photo Bureau / Malacañang Photo Bureau).

Pres. Aquino appeals to women to continue reforms started by the administration

admin   •   March 25, 2015

President Benigno S. Aquino III delivers his speech during the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Coke Store Training and Access to Resources (STAR) program for Women’s Month 2015 at the Mall of Asia Arena in Pasay City on Wednesday (March 25). With the theme: “Juana, Ang Desisyon Mo ay Mahalaga para sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw na ang Star!” the event is part of the global initiative of The Coca-Cola Company to economically empower five million women within its value chain by year 2020. Coca-Cola Philippines together with TESDA has been implementing the STAR Program on a nationwide scale since 2012. (Photo by Rey Baniquet / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

MANILA, Philippines – “Now that the world’s confidence in us has gone up, now that we have reached the investment grade, now that the country is receiving praises left and right, now that the opportunities created by the growing economy are piling up, we are all the more persistent to upgrade the quality of life of every Filipino.

The remaining one year and 3 months we have in office, we will double our efforts and will shower the seeds of opportunities that we planted with diligence,” President Benigno Aquino III said.

The good track of the country’s economy is one of the reasons for Pres. Aquino’s deep desire to continue the reforms he had started until his term ends.

This was part of President Aquino’s speech at an event that gave recognition to women with small businesses and grocery store owners held Wednesday morning in Pasay City as part of the International Women’s Month.

Pres. Aquino said, he will give it to the women and the public to have a hand in continuing the reforms started by the government.

Despite the issues that the government is facing, Pres. Aquino said that he is confident that the citizenry will side with what is right.

“I trust that the Filipinos will take the side of truth and reason, and Juan and Juana dela Cruz will continue to strive for the country and fellowmen,” he said.

Lastly, the President guarantees that opportunities for women will always be available under his administration. (Nel Maribojoc / UNTV News)

PNoy, nakakuha ng pinakamababang trust and approval ratings

admin   •   March 17, 2015

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III at the 110th commencement exercises of Philippine Military Academy Sinaglahi Class of 2015 at the Fajardo Grandstand, Borromeo Field, Fort General Gregorio del Pilar in Baguio City on Sunday (March 15). (Photo by Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Malaki ang ibinaba ng trust and approval ratings ni Pangulong Benigno Aquino III ayon sa March 2015 nationwide survey ng Pulse Asia.

Mula 59% noong November 2014, nakakuha lamang ng 38% na approval rating si Pangulong Aquino ngayong March 2015.

Bumaba ng 20% ang trust rating ng Pangulo na mula 56% noong nakaraang quarter ay pumalo lamang ito ngayon sa 36%.

14% naman ang itinaas ng mga nagsasabing walang tiwala sa Pangulo.

Sa kabila nito, nananatili namang mataas ang trust at approval ratings ni Pangulong Aquino sa Visayas at Mindanao region, gayundin sa “Class D” o sa masang Pilipino.

Ayon sa Pulse Asia, ito na ang pinakamababang naitalang approval at trust ratings ni Pangulong Aquino simula nang maluklok na pangulo ng bansa.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa kalagitnaan ng mga mabibigat na isyu sa bansa tulad ng January 25 Mamasapano clash kung saan nasawi ang SAF 44.

Ayon kay Iloilo City Rep. Jerry Treñas, “Emotional ang tao ngayon dahil sa SAF 44. Pero ‘pag nakita na ng tao ang clearer answer magiging ok na.”

“Mataas pa rin ang rating kasi di naman sya nagne-negative. Hindi ito kiss of death,” saad naman ni Caloocan Rep. Egay Erice.

“Definitely naapektuhan nito si Pangulong Aquino, naapektuhan nito ang kanyang administrasyon, at di pa naman natatapos ang kwento o ang yugtong ito kaugnay ng Mamasapano sa magpapatuloy yan hangga’t di lumalabas ang buong katotohanan hanggang hindi nakakamit ang buong katotohanan,” pahayag ni Senador Francis Escudero.

Ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Jr., kinikilala ng Malacañang ang naturang survey.

“These ratings reflect public sentiment arising from the PNP-SAF’s operations to capture international terror suspects in Mamasapano, Maguindanao. From the outset, the President has acknowledged his personal responsibility, as when he declared on February 6 in a message televised nationwide message.”

Ayon kay Coloma, patuloy silang magpapaliwanag kaugnay ng Mamasapano incident.

“Kaya nga po patuloy pa rin naman ang pagpapaliwanag, ang pagbibigay ng eksplanasyon duon sa mga aspeto ng naganap kung saan ay maraming agam-agad.” (Nel Maribojoc / UNTV News)

PNoy at French Pres. Francois Hollande, nagpulong sa Malacañang

admin   •   February 26, 2015

Si Pangulong Benigno S. Aquino III habang ginagabayan sa welcome ceremony si President François Hollande ng French Republic sa Malacañan Palace nitong ika-26 ng Pebrero 2015, Huwebes. Si President Hollande ay nasa bansang Pilipinas para sa state visit. (Photo by Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Nasa bansa ngayon si French President Francois Hollande kasama ang may isandaang delegado para sa dalawang araw na state visit.

Bago nagtungo sa Malacañang ang French President ay nag-alay muna ito ng bulaklak sa Rizal Monument.

Sinalubong si President Hollande sa palasyo ng Malacañang ni Pangulong Benigno Aquino III at ilang miyembro ng gabinete.

Ala-5 ng hapon ay nagkaroon ng expanded bilateral meeting ang dalawang lider ng bansa.

Kabilang sa kanilang mga napagusapan ay ang usapin sa ekonomiya, turismo, terorismo at climate change.

Host ang France sa 21st meeting of the Conference of Parties (COP) na idaraos sa Disyembre, kung saan pag-uusapan ang mga isyu hinggil sa climate change.

Si Hollande ang kauna-unahang French President na bumisita sa bansa.

Setyembre naman ng nakaraang taon ang unang bumisita si Pangulong Aquino sa France.

Noong 1986, ang bansang France ang unang kumilala sa gobyerno ni dating pangulong Corazon Aquino matapos maalis sa pwesto si Ferdinand Marcos.

Samantala, ngayong Biyernes ay nakatakda namang magtungo ng Guiaun, Eastern Samar si Hollande at makikipag-usap sa mga Yolanda survivor partikular na sa mga lokal na mangingisda. (Nel Maribojoc / UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.