COVID-19 vaccination sa 1 milyong manggagawa para sa economic recovery, sinimulan na ng DOLE

Robie de Guzman   •   September 8, 2021   •   136

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabakuna sa isang milyong manggagawa bilang bahagi ng economic recovery plan ng bansa.

Ayon sa DOLE, kabilang sa mga unang batch ng mga mababakunahan ang mga manggagawa sa construction at manufacturing industries.

Nasa 1,000 trabahador ang target na mabakunahan kada araw.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, uunahing bakunahan ang mga nasa construction at manufacturing sectors dahil kabilang ito sa mga industriyang pinagmumulan ng malaking pwersa para maitaguyod ang ekonomiya ng bansa.

Layunin din nito na tulungang makabawi ang mga negosyatente at mga empleyadong nais nang makabalik sa regular na oras ng trabaho.

“Ito po ay additional jabs targeted para po madagdagan yung employment ng ating bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang sector, construction, manufacturing… Sila po ang dalawa sa sektor kung saan marami pong employment na nagegenerate ang ating ekonomiya,” ang pahayag ni Tutay.

Hindi sapilitan ang pagbabakuna ngunit ayon sa Philippine Constructors Association, mahalagang mabakunahan ang mga manggagawa lalo’t may ilang kumpanyang nagpapatupad ng bubble sa kanilang mga trabahador upang maiwasan ang paglabas-masok ng mga maaaring maging carrier ng COVID-19.

“We are in a bubble, naka lockdown yung mga construction workers namin, nasa barracks sila. Then they need to go from time to time, may necessities sila. Sa Project site may test kaming ginagawa, nakikita namin yung mga bagong pasok sa project sites may nagpopositive. So this is way of helping our workers be protected,” ani Wil Decena, ang pinuno ng Philippine Constructors Association.

Mahigit sa 452,000 doses ng Sinovac vaccines ang inisyal na ibinigay ng National Task Force against COVID-19 para mabakunahanan ang mga mangagawa.

Bukod sa Metro Manila, inaasikaso na rin ng DOLE ang pagkakaroon ng vaccination program sa iba’t-ibang kumpanya sa Central Luzon at Calabarzon Region upang makumpleto ang isang milyong target ng vaccination sa mga manggagawa bago pa matapos ang 2021. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nuñez)

DOTr, DOLE sign MOA to provide livelihood assistance to transport workers

Aileen Cerrudo   •   October 13, 2021

MANILA, Philippines—The Department of Transportation (DOTr) and the Department of Labor and Employment (DOLE) on Tuesday, October 12, signed a memorandum of agreement to provide livelihood assistance to  transport workers displaced by the COVID-19 pandemic and the Public Utility Vehicle Modernization Program.

The eTSUPERneur program is a long-term solution that provides transport workers with entrepreneurial-related training, business management orientation, business capital, and micro-insurance.

Participants who wish to join the program will be trained in various skillsets as they enter businesses related to food, mechanical and others. Each participant will receive an amount of P30,000 as one of the benefits.

DOTr Secretary Arthur Tugade said the program can help workers in the transport sector earn an extra income, while providing service to the commuting public.

Nakapakalaking bagay para sa mga naghahanap-buhay sa pampublikong sasakyan na magkaroon ng karagdagang kaalaman upang mapabuti ang kanilang serbisyo, o hindi kaya ay magkaroon sila ng kakayahan sa pagnenegosyo at para sa iba pang pagkakakitaan para makabangon sa gitna ng pandemya (It is a big deal for transport workers to have additional knowledge to improve their service or have the capability to start a business as an alternative livelihood amid the pandemic),” he said. AAC

 

Gov’t urged to prohibit walk-ins in COVID-19 vaccination for minors

Robie de Guzman   •   October 13, 2021

MANILA, Philippines – Senator Sherwin Gatchalian on Wednesday called on the National Task Force (NTF) against COVID-19 to avoid walk-ins and prevent crowding in vaccination sites when the pilot inoculation for minors begins on October 15.

“I would discourage the NTF from doing a first-come, first-served walk-in type of arrangement,” Gatchalian said during a Senate panel hearing on the pilot testing of limited face-to-face classes that also discussed the rollout of COVID-19 vaccines to minors.

“We don’t allow a walk-in type of arrangement dahil talagang mag-iipon-ipon ang mga tao, especially now that the weather condition is unpredictable at maya’t maya ay umuulan. Let’s not do a walk-in type of arrangement because that will really spell disaster at the end,” he added, referring to the experience of Valenzuela City, which strictly imposed vaccination schedules to avoid overcrowding in vaccination sites.

The government is poised to begin administering COVID-19 vaccines to minors aged 12 to 17 with comorbidities. They are listed in the Pediatric A3 category and will be the first to receive their COVID-19 vaccines.

Children of healthcare workers will also be given priority in pediatric vaccination against COVID-19.

“It’s about time that we vaccinate our teenagers and we support the prioritization of teenagers with comorbidities,” Gatchalian said.

What we’re driving at is that we don’t want a scenario wherein they will be lining up in those eight hospitals. Kawawa naman ang mga batang ito sa ganung sitwasyon,” he added.

Eight hospitals so far have been designated for the first phase of pediatric vaccination. These include the National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, Philippine General Hospital, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center in Taguig, and Philippine Children’s Medical Center.

The vaccine rollout in hospitals will begin with the 15-17 age group followed by minors aged 12-14.

The government will be using Pfizer and Moderna vaccines for the vaccination of this age group, as these were granted emergency use authorization by the Food and Drug Administration.

Nasa 3 milyong manggagawa, posibleng hindi makatanggap ng 13th month pay — employer group

Maris Federez   •   October 12, 2021

MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa tatlong milyong manggagawa mula sa formal sector ang nanganganib na hindi makatanggap ng 13th month pay ngayong taon.

Ayon sa presidente ng Employer Confederation of the Philippines na si Sergio Ortiz-Luis, Jr., marami sa mga maliliit na negosyo ang patuloy na nahihirapan sa gitna ng pandemya.

“Kalahati ng micro nagsara na, wala namang 13th month pay kung nagsara na. Ang natitirang kalahati ang nanganganib na hindi makapagbigay,” ani Ortiz-Luis.

Kinausap na aniya nila ang Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry ukol sa problema na ito.

Ayon kay Ortiz-Luis, naghahanap na ng paraan si DTI Secretary Ramon Lopez para magkaroon ng pondo at maipautang sa mga maliliit na negosyo para may maipambayad sa kanilang mga manggagawa sa katapusan ng taon.

“At mukhang malaking tiyansa na makagawa ng facility para yung mga walang pambayad — gustong magbayad ng 13th month pay— makautang sila na, hopefully, walang interest. At least one year to pay.  Iyon sana gusto kong mangyari,” dagdag pa niya.

May natatanggap na ring reklamo mula sa mga manggagawa ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP ukol sa isyu ng pagbibigay ng 13th month pay.

“Nagpa-abot na ng notice sa amin dahil sinasabihan daw sila ng kanilang mga supervisor na nagpaparinig sa kanila at sinasabi na baka hindi sila mabigyan ng 13th month pay this year dahil nga hirap na hirap ang kumpanya na maka-recover,” ayon sa tagapagsalita ng ALU-TUCP na si Alan Tanjusay.

Ani Tanjusay, maaari namang mag-usap ang employer at employee para sa installment ng benepisyo kung wala talagang maipambabayad ang mga kumpanya.

“Magkasundo sila kung paano yung installment, hanggang kailan yung installment, ilang installment babayaran yung 13th month pay,” dagdag pa ni Tanjusay.

Isinusulong din ng grupo na magkaroon ng pautang ang pamahalaan sa mga negosyante para mapunan ang pagbabayad ng 13th month pay na mandato ng kumpanya sa ilalim ng umiiral na batas. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Nel Maribojoc)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.