COVID-19 alert level sa Metro Manila, malaki ang posibilidad na maibaba na – Malakanyang

Robie de Guzman   •   October 11, 2021   •   117

MANILA, Philippines – Mataas umano ang tiyansa na maibaba na ang COVID-19 alert level sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa moderate risk level na ang utilization rate ng Intensive Care Units (ICU) beds sa Metro Manila batay sa nakalap na datos.

Mas mainam na rin aniya ang utilization rate sa overall health care capacity, bumababa na rin ang attack rate ng virus at nasa 77.53% na ang full vaccination rate sa capital region.

Kung ang datos ang pag-uusapan, sinabi ni Roque na malaki ang posibilidad na maibaba na ang alerto sa Metro Manila.

Gayunman, kailangan pa aniyang hintayin ang magiging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ukol rito.

“The data supports a reduction of the alert level, but that’s ultimately the decision of the IATF. So, abangan na lang po natin, magpupulong naman po yan on Thursday,” ani Roque.

Sinabi rin ng opisyal na pag-aaralan pa ng pamahalaan ang resulta ng pilot alert level system na ipinaiiral sa kalakhang Maynila.

Nasa Alert Level 4 ang Metro Manila hanggang sa Oktubre 15. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

PRC allows deployment of dentists as vaccinators

Maris Federez   •   October 26, 2021

MANILA, Philippines — The Professional Regulation Commission (PRC) has greenlit the deployment of dentists as vaccinators to ensure the faster rollout of government efforts against COVID-19.

This was announced by Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Ben Hur Abalos during President Rodrigo Duterte’s Talk to the Nation public address aired Monday night.

However, Abalos said this needs an emergency order from the Department of Health (DOH).

“Sumulat na po ang Professional Regulatory Commission, papayagan na daw po nila ang mga dentista na maging vaccinators kung mayroon daw emergency order na galing sa DOH. Yan ang kailangan. ‘Di na kailangan i-amend ang batas at napakaraming manpower na maibibigay po ito,” Abalos said.

The MMDA chief added that Metro Manila mayors have expressed willingness to help the vaccination drive in the provinces, especially now that the NCR has already reached the desirable number of COVID-19 vaccinees.

“Tutulong po kami sa sinasabi ni po Sec. Vince [Dizon], Sec. Charlie [Galvez], at Sec. [Eduardo] Año ang mga Metro Manila mayors sa pagbabakuna po sa mga kapitbahay po naming,” Abalos said. —/mbmf

Duterte wants LGU officials to convince constituents to get vaccinated

Aileen Cerrudo   •   October 26, 2021

MANILA, Philippines—President Rodrigo Duterte on Monday urged local government officials to ramp up their respective COVID-19 vaccination programs.

“I urge LGUs to come up with the most systematic and efficient way of finding out who among your constituents have not yet vaccinated. Please do everything to convince them to get vaccinated,” he said during his weekly public address.

Duterte reported that as of October 24, the country has administered 55.7 million doses of COVID-19 vaccine, where around 30 million were given as first doses and 25 million as second doses.

He added that the national government aims to fully vaccinate 50 million citizens by the end of the year.

“We also need to ramp up vaccination rate in various LGUs in order to reach our target of inoculating 50 million fully-vaccinated individuals by the end of the year,” Duterte said.

The president added that vaccine supply allocated for far-flung provinces must not expire and should preserve its integrity.

” Yung mga bakuna na sana umabot na doon sa pinakamalayong lugar and the provincial, city, and
municipal health officials will take over. Ang concern ko lang naman is that they would be able to preserve the integrity of the vaccines. That is very important. Ibig sabihin na hindi expired, walang sira, hindi ma-contaminate and all,” he said. AAC

Mga bata, bawal mamasyal sa dolomite Beach sa Maynila – Malakanyang

Robie de Guzman   •   October 25, 2021

MANILA, Philippines – Muling nagpa-alala ang Malakanyang sa publiko na hindi pa maaaring magtungo sa mga pasyalan ang mga menor de edad sa kabila ng pagluluwag ng COVID-19 alert level sa Metro Manila.

Ginawa ng Palasyo ang paalala kasunod ng muling pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Maynila nitong weekend.

Batay sa video na kuha ng UNTV drone, makikita ang kumpulan ng maraming tao sa Manila Bay pati na ang ilang pamilyang may kasama pang mga bata.

Sa dami ng taong dumagsa sa lugar, hindi na nasunod ang social distancing rule at may iba pang hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pang pumasok ang mga bata sa dolomite beach sa Manila Bay at iba pang pasyalan.

Una nang sinabi ni Roque na maaari lamang lumabas ang mga bata kung ito ay para sa pangunahing pangangailangan at outdoor exercise.

“Hindi pa po pwede talagang magpasyal-pasyal ang mga bata. So, unang-una nananawagan po kami sa ating mga kababayan, pandemya pa po,” ani Roque.

“Bagama’t bumababa po ang mga kaso natin eh nandiyan pa po si COVID-19. So, huwag po tayong magpabaya… Kinakailangan po mask, hugas, iwas at kung kakayanin na bakuna na,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nasa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila, na ang ibig sabihin ay mas maluwag na restriction at pagpapahintulot sa pagbubukas ng mas maraming establisimyento sa limitadong kapasidad.

Ngunit paalala ng Palasyo sa publiko, dapat pa ring mag-ingat at iwasan ang pagkukumpulan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa kabila ng mataas na vaccination rate sa rehiyon.

Dapat ring panatilihin ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang super spreader events.

“Nananawagan din po kami sa kapulisan, siguro diyan po sa Maynila, kinakailangan po ipatupad natin yung social distancing,” ani Roque.

Samantala, muli ring umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag balewalain ang ipinaiiral na health protocols upang huwag nang tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Katulad po ng lagi nating sinasabi hindi pa po tapos ang laban, andito pa po ang virus. Kailangan po tulong-tulong tayo huwag po tayong maging kampante maaaring lumabas pa ring pero kailangan mag- iingat pa rin tayo lahat,” ang paalala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, sinabi naman ni Environment and Natural Undersecretary Benny Antiporda na posibleng limitahan na nila ang dami ang mga papapasuking bisita sa dolomite beach sa Manila Bay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

“They can spend about 15 minutes and since hindi po—hindi na po 15 minutes, pinababayaan na po kahit magtagal sa loob, eh titingnan po natin at kahit tuloy-tuloy pa ho, tuloy-tuloy pa yung dating ng tao, maaari hong ibalik namin yung time limit ng pagbisita,” ang wika ni Antiporda. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.