COVID-19 Alert Level 3 sa Metro Manila, epektibo na bukas

Robie de Guzman   •   October 15, 2021   •   232

MANILA, Philippines – Simula sa Sabado, Oktubre 16, ay nasa ilalim na ng COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng hawaan sa rehiyon.

Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan ang paglabas sa bahay ng mga tao anuman ang kanilang edad, pagbiyahe sa loob at labas ng rehiyon at indibidwal na pag-eehersisyo sa labas ng bahay.

Ito ay maliban na lang kung may ipatutupad na age at comorbidity restrictions ang nakakasakop na local government unit.

Mas marami na ring establisyemento at business activities ang pahihintulutang magbukas maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.

Bawal pa rin ang pagsasagawa ng face-to-face classes para sa basic education maliban sa mga lugar na aprubado ng pamahalaan.

Hindi rin papayagan ang contact sports pati na ang pagbubukas ng funfairs, kid amusement industries, mga lugar na may live performers at audiences, casinos, horse racing, sabungan, at pagtitipon ng mga residente na may indibidwal na hindi kasama sa bahay.

Sa ilalim ng Alert Level 3, pahihintulutan ang operasyon ng iba pang mga negosyo hanggang 30 percent seating capacity para sa fully vaccinated, at 50 percent outdoor venue capacity, anoman ang vaccination status.

May karagdagang kapasidad din sa mga pinahihintulutang establisimiyento kung may safety seal, at kung naabot na ang higit 70 percent na vaccination rate sa senior citizens at may comorbidities sa lugar.

Para sa mga negosyante, malaking tulong ang pagluluwag sa mga mga panuntunan lalo na sa mga nalalabing buwan ng taon.

Paliwanag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, maisasalba nito ang maraming micro, small and medium enterprises mula sa pagkalugi dahil maraming tao ang gumagastos para sa holiday season.

“What’s more important is really saving this fourth quarter. This is the last stop where people can jump in the bus and move towards next year. But for that to happen, we need to open the economy and safely,” ani Concepcion.

NCR’s COVID-19 reproduction rate down to 0.35 – OCTA

Robie de Guzman   •   December 7, 2021

MANILA, Philippines – The COVID-19 reproduction rate in the National Capital Region (NCR) went down to 0.35 from November 29 to December, Independent Analytics Group OCTA Research said.

OCTA Research fellow Guido David said nearly all indicators in the same period have gone down when compared to the data gathered in the past week.

In a message on Twitter on Monday, Guido also said that the daily attack rate has gone down to 0.79 from November 29 to December 5 from 2.61 recorded in the same period last year.

The positivity rate also went down to 1.1 percent from 3.7 percent, and the hospital bed occupancy from 37 percent to 21 percent.

He, however, noted that the number of ICU beds occupied slightly increased from 322 to 350.

In a media briefing, Guido said the current data should be maintained to keep the country’s very low risk classification for COVID-19.

He is also in favor of keeping the NCR and the rest of the country under COVID-19 Alert Level 2 in view of the threat of the newly discovered Omicron variant.

“If there was no threat of a new variant, pwede naman tayo actually it’s possible to de-escalate because we are at very low risk based on our metrics,” he said.

“We don’t know when this variant might come in the country. At least we are better prepared if we have some restrictions than if we don’t have restrictions,” he added.

Should the new variant enter the Philippines, David said the Philippines may see another surge in COVID-19 cases by 2022.

The OCTA Research fellow noted that based on preliminary studies, the Omicron variant seems more contagious than the Delta variant.

“If it’s twice sa Omicron then we are expecting 1 person with Omicron will infect 10-16 other people,” he said.

“Most likely ang timeline natin around January or February baka magkaroon ng disruption. It may not be a massive surge but it will still affect the number of cases,” he added.

He urged the public to be responsible and continue adhering to public health protocols against COVID-19 especially this holiday season. (with details from Correspondent Aiko Miguel)

DOH Sec. Duque, pabor na manatili sa COVID-19 Alert Level 2 ang Metro Manila

Robie de Guzman   •   December 7, 2021

MANILA, Philippines – Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na dapat munang manatili sa COVID-19 Alert Level 2 ang Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagbaba ng naitatalang panibagong kaso ng coronavirus infections.

Ayon kay Duque, ito ay dahil sa banta ng Omicron COVID-19 variant na kumakalat ngayon sa maraming bansa.

“Para sa akin, dapat siguro na tama lang na manatili muna tayo sa alert level 2. Bakit kamo? Unang-una, ang mobility pataas na naman ngayong kapaskuhan, alam natin iyan. At merong nagbabadya o banta ng Omicron variant,” ani Duque.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.

Aniya, pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force sa pagpupulong sa Huwebes kung kailan maaaring ibaba ang rehiyon sa Alert Level 1.

Kung mananatili ang alerto matapos ang Disyembre 15, sinabi ni Duque na makakatulong pa rin naman ito upang makabawi ang maraming negosyo lalo na ngayong holiday season.

“Anyway, malaki-laki na rin ng bahagi ng ekonomiya na binuksan natin under the Alert level 2 at ang mga establisymento–ang kanilang kapasidad nasa 50 percent,” ang wika ng DOH chief.

Sa ngayon ay wala pang napapaulat na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Ayon sa pamahalaan, mataman nitong binabantayan ang mga kaso ng Omicron na naitatala sa ibang bansa pati na ang mga karagdagang impormasyon ukol sa bagong variant mula sa mga eksperto.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa kanilang mga inaantabayanan ay ang galaw ng virus at kung gaano ito kabilis makahawa kumpara sa iba pang variant tulad ng Delta, Alpha, at Beta.

“Everyone is monitoring kung ito bang Omicron is more fatal, yun ang pinaka-aabangan natin. If it is more fatal, if it is more severe, if it is more indeed transmissible. So, we still await the final word from the WHO.

Sinabi naman ni Duque na batay sa mga nakukuha nilang inisyal na datos mula sa WHO, lumalabas na nagdudulot ng mild cases ng COVID-19 ang Omicron.

“So far sa ating pakikipagpulong sa WHO country representative Dr. Rabi Abeyasignghe, sinabi niya na lumalaki ang datos na nagpapakita na mukhang mild ang symptoms and no deaths reported as of yet patungkol sa Omicron variant pati hospitalization mukhang hindi sumisipa,” ani Duque.

Ang Omicron variant ay unang natuklasan sa South Africa. Sinasabing heavily mutated ito at may posibilidad na mas nakakahawa pa kumpara sa ibang variant ng COVID-19.

Sa ngayon, ayon sa WHO, ay patuloy pang pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang nasabing variant, partikular na ang transmission rate nito at epekto sa ginagamit na gamot sa COVID-19 patients at mga bakuna.

COVID-19 Alert Level 1, hindi pa maaaring ideklara sa alinmang panig ng bansa – Malakanyang

Robie de Guzman   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines – Patuloy pang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga panuntunan upang maisailalim sa pinakamababang COVID-19 Alert Level ang isang lugar, ayon sa Malakanyang.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang isa sa mga dahilan kaya hindi pa makakapagdeklara ang pamahalaan ng Alert Level 1 sa alinmang panig ng bansa.

“Yung alert level 1, pina-finalize pa po natin lahat ng parameters na kinakailangan para ma-consider ang isang lugar na qualified mag-alert level 1. So, sa ngayon po, meron pa po kaming tini-tweak at pina-finalize na mga parameters. So, right now hindi tayo handa na mag-declare ng any alert level 1 sa ngayon,” ani Nograles.

Nakasaad sa panuntunan ng IATF sa nationwide implementation COVID-19 Alert Levels System na ang mga lugar na mababa at pababa ang case transmission, total bed utilization at intensive care unit (ICU) usage rate ang maaaring isailalim sa alert level 1.

Sa pinakamababang alert level, full on-site o venue at seating capacity na ang pinahihintulutan sa mga establisyemento at activities pero dapat ay maigting pa rin ang pagpapatupad ng public health standards.

Samantala, kumpyansa naman ang Duterte administration na maabot pa rin ng bansa ang four to five percent target economic growth rate para sa taong 2021.

Ito ay kahit mananatili sa COVID-19 alert level 2 ang Metro Manila at mga kalapit probinsya nito hanggang kalagitnaan ng Disyembre.

“Barring any unforeseen circumstances, kung patuloy itong pagbaba ng kaso, patuloy rin po ang pagbaba rin ng mga ADAR, two-week growth rate, at patuloy pa rin po ang safe reopening ng ating ekonomiya then we are very confident that we will reach our growth targets,” ani Nograles.

Muli namang nanawagan ang Palasyo sa publiko na magpabakuna na at sumunod sa mga panuntunan para sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.