Coalition of Filipino Consumers, mananawagan na ipasususpinde si PNP Chief Alan Purisima

admin   •   October 7, 2014   •   2603

Atty. Perfecto Jaime Tagalog, Secretary General ng Coalition of Filipino Consumers
(UNTV News)

MANILA, Philippines – Ipinanawagan ng grupong Coalition of Filipino Consumers na suspendihin sa pwesto si PNP Chief Director General Alan Purisima dahil sa reklamo at kontrobersiyang kinakaharap nito.

Ayon kay Atty. Perfecto Jaime Tagalog, Secretary General ng Coalition of Filipino Consumers, paraan ito upang hindi magamit ng Chief PNP ang kanyang posisyon upang impluwensiyahan o takutin ang kanilang mga testigo sa isinampa nilang kaso.

Sinabi rin ni Tagalog na mas umigting pa ang mga pananakot na natatanggap nila simula nang sampahan nila ito ng reklamo.

“Kasi mahirap ito, ang aming kino-complain ay hepe ng ating kapulisan, pinakamataas,” saad ni Tagalog. “Iba kasi kapag nasa pusisyon ka pa rin at ikaw ang inaakusahan, gagamitin mo lahat ng resources mo just to dismiss the case,” dagdag pa nito.

Kasong plunder, graft at indirect bribery ang isinampa ng grupo sa Ombudsman dahil sa mga kwestiyonableng ari-arian ni Purisima katulad ng white house nito sa PNP compound sa Quezon City at ang rest house nito sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Bukod dito, sinabi ni Atty. Tagalog na naglalabasan na rin ang ilan pa sa umano’y hidden properties ni Purisima.

May ilan aniyang indibidwal ang lumalapit sa kanilang grupo upang ipagbigay-alam ang ilan sa mga natatagong ari-arian ng heneral.

“Mayroon pong nagmessage sa aming account, sa Facebook na mayroon pa raw certain properties si Chief PNP sa Cabon Nueva Ecija na magkasunod niyang binili noong 2013 with the amount of P25 million each.

Ang nasabing mga ari-arian ay hindi rin umano nakalagay sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Purisima.

Samantala, ngayong araw ay ipinakita ni Purisima sa mga mamamahayag ang kontrobersyal nitong rest house sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Ngunit ang grupo nila Tagalog ay hindi umano nakatanggap ng imbitasyon.

Nagpahayag rin ng pagkadismaya si Tagalog dahil hindi sila inimbitahan sa isinagawang ocular inspection ng media sa tahanan ni Purisima sa San Leonardo.

Gayunman, sinabi ni Tagalog na kahit itago ni Purisima ang kanyang mga ari-arian ay tiwala sila na malakas ang hawak nilang mga ibedensiya.

“Chief PNP, naway maging open ka sa publiko sa mga krimen na nangyayari sa ating bansa. Inaasahan namin na ikaw ang sumagot at ikaw ang magsalita,” panawagan pa nito sa hepe ng pambansang pulisya. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)

DOTr orders department officials to submit SALN to anti-corruption task force

Aileen Cerrudo   •   November 23, 2020

MANILA, Philippines — In accordance with the national government’s initiative to curb graft and corruption in all government departments, the Department of Transportation (DOTr) has ordered its officials to submit their Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) to the anti-graft task force.

DOTr Secretary Arthur Tugade said the department supports the government and has already ordered all the heads of agencies and other DOTr officials, including officials’ chief-of-staff, secretaries, executive assistants, to submit their SALN.

“Makikiisa kami d’yan sa mega task force. Nag-meeting na kami [at susundin namin ang requirement ng PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) para sa ganoon, maipakita na kaisa kami dun sa pagwalis at pag-address ng corruption sa gobyerno (We will support the mega task force. We already had a meeting and agreed to comply with the requirement asked for by the PACC so we can show that we are cooperating with the government in addressing and eradicating corruption),” he said.

President Rodrigo Duterte ordered the Department of Justice (DOJ) last October to probe graft and corruption in all government offices. AAC

Roque to ask Duterte if he wants to release his SALN

Marje Pelayo   •   October 30, 2020

 MANILA, Philippines — Members of the opposition have questioned Malacañang anew why it cannot release to the public the details of President Rodrigo Duterte’s statement of assets, liabilities and network (SALN) following the release of the senators’ SALN.

To end further speculations on the issue, Presidential Spokesperson Harry Roque said he will discuss the matter with the President and ask him if he wants his SALN to be made public.

“Mag-uusap po kami ng ating presidente. Para matapos na po itong issue na ito ay tatanungin ko po baka naman po magbigay ng permiso ang presidente para isapubliko ang kaniyang SALN, [I will talk to the President. To end this issue, I will ask him if he would permit making his SALN public],” Roque said.

“Pero wala pong itinatago ang ating presidente. Bago po maglabas ng ganitong guidelines ang Ombdusman, taon-taon naman po inilalabas ng presidente ang kaniyang SALN, [But the president is not hiding anything. Before the Ombudsman released its guidelines, the President had been releasing his SALN to the public],” he added.

In a report released by the Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), the last time President Duterte’s SALN was made public was in 2016 and 2017 but it was no longer available in 2018 and 2019.

Malacañang insists that the Chief Executive is only following the guidelines issued by the Office of the Ombudsman over his SALN.

“Tatanungin po natin iyan sa Presidente. Kasi ang kaniyang posisyon bilang isang abogado, sundin namin ang guidelines ng Ombudsman [We will ask the President because his position as a lawyer is to follow the guidelines of the Ombudsman],” Roque said. MNP (with details from Rosalie Coz)

TAGS   ,

Roque to ask Duterte on possibility of voluntarily disclosing SALN

Robie de Guzman   •   October 29, 2020

MANILA, Philippines – Presidential Spokesperson Harry Roque on Thursday said he will ask President Rodrigo Duterte if he is willing to voluntarily release his statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) following the strict rules imposed by the Ombudsman on the access to the wealth declaration of officials.

Roque said the president’s office is just following the guidelines issued by the Ombudsman.

“Mag-uusap po kami ng ating president at para matapos na po itong issue na ito, ay tatanungin ko po baka naman po magbigay ng permiso ang president para isapubliko ang kaniyang SALN,” he said.

The Ombudsman recently issued a memorandum circular restricting access to the SALN of public officials.

The circular states that a copy of a public official’s SALN may only be released if the requestor is an authorized representative of the declarant or the person who filed the document; if there is a court order in relation to a pending case, and if the request is made by the Ombudsman’s field investigation units.

Prior to the issuance of the circular, Roque said Duterte had released his SALN yearly.

“Wala pong itinatago ang ating president, bago po maglabas ng ganitong guidelines ang Ombdusman, taon-taon naman po inilalabas ng president ang kaniyang SALN,” he said.

The question of whether Duterte will voluntarily publicize his own net worth resurfaced after the 2019 SALN of 24 senators were released by the Senate on Thursday. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)



REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.