Civil Code ng bansa, dapat nang baguhin – CJ Sereno

admin   •   October 9, 2014   •   3390

Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kailangan nang repasuhin ang kasalukuyang Civil Code ng bansa na naisabatas noon pang 1950.

Malaking bahagi nito ay impluwensiyado ng Código Civil ng mga Kastila na ipinatupad sa Pilipinas noong 1889.

Sa anim na libro nito, iisa pa lang ang nagkaroon ng pagbabago nang isabatas ang Family Code noong 1987 sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Kahapon, Miyerkules, mismong si Chief Justice Sereno na ang humikayat sa mga huwes at abogado na isulong ang pagbabago sa kodigo sibil ng bansa.

“Today is 2014. 64 years already since that time passed, and we have not shown enough strength as a profession to say that we really need to review the Civil Code.”

Partikular na binanggit ng punong mahistrado ang mga batas ng bansa tungkol sa komersyo at kalakalan na ayon sa kanya ay hindi na angkop sa kasalukuyan.

Aniya, “There is the rest of the Civil Code that has to be examined. The Code of Commerce is just a patchwork of a few existing provisions and if you are going to look at it, even from a physical point of view, it is no longer a tenable code.”

Mahalaga umano ito upang makasabay ang Pilipinas sa moderno at mauunlad na mga bansa.

“If the Philippines is going to be part of the group of modern societies, then it has to keep in touch with the changing requirements of commercial transactions and the classical definitions that were before agreed upon by the Roman jurists who agreed upon the classical definitions need likewise to evolve,” saad pa ni Sereno.

Una nang isinulong ang pagbabago sa Kodigo Penal ng bansa noong 2010.

Nakabinbin ngayon sa kongreso ang panukalang-batas para sa bagong criminal code ng Pilipinas.

Papalitan nito ang Revised Penal Code na naisabatas noon pang 1930 kung saan karamihan sa mga probisyon ay hiniram din sa mga kastila. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

Duterte signs law on stiffer penalties for perjury

Robie de Guzman   •   November 4, 2021

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte has signed into law a measure imposing higher penalties for perjury, according to a document released by Malacañang on Thursday.

Under Republic Act 11594, signed by Duterte last Oct. 29, perjury would be punishable with prision mayor in its minimum period (from 6 years and 1 day to 8 years) to its medium period (from 8 years and 1 day to 10 years).

Perjury is an act of “willfully and knowingly” making untruthful statements under oath, or “make an affidavit, upon any material matter before a competent person authorized to administer an oath in cases in which the law so requires.”

If the offender is a public officer or employee, he or she shall face imprisonment in its maximum period of 12 years, along with a fine not exceeding P1 million and perpetual disqualification from holding any public office.

The new law amends the Article 183 of the Revised Penal Code, which provides the penalty for the crime of perjury is arresto mayor in its maximum period (4 months and 1 day to 6 months) to prision correccional in its minimum period (6 months and 1 day to 2 years and 4 months).

Palace thanks Noynoy Aquino for services, contributions to Philippines

Robie de Guzman   •   June 24, 2021

MANILA, Philippines — Malacañang has expressed condolences to the family of former President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, who passed away on Thursday morning at the age of 61.

Presidential spokesperson Harry Roque, during his regular press briefing, offered a moment of silence for Aquino.

“We commiserate and condole with the family and loved ones of former President Benigno Simeon Noynoy Aquino III as we extend our condolences over his untimely demise,” Roque said.

“We are grateful for the former president for his contribution and services to the country,” he added.

The Aquino family confirmed that the former president “died peacefully in his sleep” around 6:30 in the morning. He succumbed to renal disease secondary to diabetes.

Noynoy is the son of Philippine democracy icons, former Senator Benigno “Ninoy” Aquino and former President Corazon “Cory” Aquino.

He served as the 15th President of the Philippines from 2010 to 2016.

The Philippine Stocks Exchange (PSE) said Aquino, during his 6-year term, ushered the Philippine economy to investment-grade status through his good governance. The PSE said the country earned its first investment grade from Fitch Ratings in 2013 and gross domestic product grew at an average of over 6percent dung his tenure.

Roque said he has no information yet on whether or not a state funeral will be held for Aquino.

Nag-abandona sa matandang babae sa tulay sa Maynila, arestado

Robie de Guzman   •   September 4, 2020

Ephraim Tan Yap (kaliwa) at ang kanyang inabandonang tiyahin na si Fulgencia Tan (kanan)

MANILA, Philippines – Nasa kamay na ng mga otoridad ang mga nag-abandona sa isang senior citizen sa ilalim ng isang tulay sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), nahuli ngayong Biyernes si Ephraim Tan Yap, 51, pagkatapos ng isinagawa nilang operasyon.

Ayon kay SMaRT Chief Rosalino Ibay Jr., si Yap ay pamangkin ng matandang babae na kinilalang si Fulgencia Tan na kamakailan ay natagpuang nag-iisa at nakahiga sa ilalim ng McArthur Bridge.

“Nalaman natin na ang victim ay isang person with disability (PWD) at senior citizen. We conducted a follow-up operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng tatlong malefactor natin,” ani Ibay.

Sa pagharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinabi ni Yap na tatlong linggong na-confine ang matanda sa isang ospital at napunta sa kanya ang responsibilidad sa pag-aalaga rito nang mamatay ang asawa nito.

Ngunit sa halip na alagaan, lumapit umano siya sa isa pang suspek na si Emerita Decilio upang magpatulong na dalhin ang matanda sa isang charity group.

Inabutan niya umano si Decilio ng perang nagkakahalaga ng P1,500 para ipambili ng pangangailangan ng kanyang tiyahin.

“Lumapit po ako kay Emie, pagtapos po noon pumunta kaming barangay para sa certication na inaabandona ko na ang auntie ko. Kaya humingi po ako ng tulong para maipadala siya sa mga center,” ang wika ni Yap.

Inamin naman ni Decilio na inabandona niya ang matanda matapos umano silang tanggihan ng nilapitang grupo.

“Mayroon na po akong certificate sa barangay na si Mrs. Tan ay abandoned kaya kailangan tanggapin ng Missionary of Charity kasi abandoned na,” paliwanag ni Decilio.

“Pero wala pong tumanggap sa’min, kaya desperado na po ako. Aaminin ko po iniwan ko po,” dagdag pa niya.

Ayon kay Ibay, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o ‘Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One’s own Victim.’

Kabilang din sa mga sasampahan ng kaso ang drayber ng tricycle na inarkila ni Decilio na si Rogelio Espino.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.