Checkpoints at curfew, hindi aalisin kahit ilagay sa GCQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa – Eleazar

Robie de Guzman   •   May 27, 2020   •   1465

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng quarantine control points ng Philippine National Police kahit pa ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang mga lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, dapat pa ngang paigtingin ang pagsasagawa ng checkpoint dahil tiyak na dadagsa ang mga tao sa lansangan kapag niluwagan na ang quarantine restrictions.

Ani Eleazar, nasa diskresyon ng mga hepe ng local police kung ililipat nila ang checkpoint o kaya ay magpatupad na lamang ng random checkpoint sa matataong lugar.

“Hindi natin kayang i-inspect lahat ng mga sasakyan sa kalsada kagaya ng ginawa natin during ECQ… It will create a monstrous traffic kung lahat ng sasakyan ay ating i-che-check,” ani ng opisyal.

“Kaya nga through modified checkpoint, random ang gagawin natin d’yan, depende sa discretion at peculiarity ng mga lugar kung saan nagsasagawa ng checkpoint,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Eleazar, bahagi ng PNP anti-criminality campaign ang checkpoint kaya hindi ito maaaring alisin.

Isa ang Metro Manila sa mga lugar na isinailalim sa MECQ hanggang Mayo 31.

Una nang napaulat na inirerekomenda na ng Metro Manila mayors na ilagay na sa GCQ ang Metro Manila simula sa Hunyo.

Ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases naman ay isinusulong ang pagpapatupad ng localized lockdown o quarantine sa mga barangay o bayan lang na may mataas na kaso ng novel coronavirus disease (COVID-19).

dahil sa posibleng pagluluwag ng quarantine restrictions, sinabi ni Eleazar na mas hihigpitan nila ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga establisimiyento upang masigurong naipatutupad ng maayos ang minimum health protocols na inilatag ng Department of Health.

“Dapat nga na magsagawa ng maraming inspection kasi doon natin makikita ngayon kung andon ba yung pagsunod sa mga protocols set by DOH,” sabi ng opisyal.

“Sa pakikipag-ugnayan at sa tulong nitong mga mall management and security officers nila ay makapagsasagawa tayo ng tamang implementasyon ng mga guidelines na ito,” dagdag pa niya.

Palalakasin din nila ang mobile checkpoint na isinasagawa ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group.

“Ito ang magsasagawa ng Oplan Sita at Oplan Habol at magsasagawa ng mga spot inspection,” ani Eleazar.

Sinabi rin ng opisyal na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng curfew sa ilalim ng GCQ ngunit hindi na hahanapan ng quarantine pass ang mga lumalabas ng kanilang tahanan.

“Mandated sa lahat ng mga quarantine status na meron pa rin tayong curfew sa mga non-workers sa gabi,” paliwanag niya.

Sa halip, mas hihigpitan ng pulisya ang pagbabantay sa pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng physical distancing measures kontra COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Checkpoint at travel pass, ipatutupad pa rin sa ilang lugar – PNP

Robie de Guzman   •   October 19, 2020

MANILA, Philippines – Hindi pa rin ititigil ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng checkpoint at travel authority pass sa ilang lugar sa bansa kahit pinayagan na ang paglabas ng mas maraming tao sa gitna community quarantine.

Ayon kay police Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa desisyon ng mga lokal na pamahalaan kung papayagan ang paglabas at pagbiyahe ng mga taong hindi kabilang sa authorized persons outside of residence (APOR) at locally-stranded individuals kasunod ng desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa paglabas ng tahanan ng mga nasa edad na 15 hanggang 65 taong gulang.

Una nang sinabi ni League of Provinces of the Philippines head, Marinduque Governor Presbitero Velaso na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng quarantine rules para sa kapakanan ng kanilang constituents laban sa coronavirus disease.

Sa kabila nito, sinabi ni Eleazar na hindi isinasantabi nila ang posibilidad na may mga lugar na nais nang alisin ang travel restrictions para makabangon ang lokal na ekonomiya.

Pero hangga’t hindi aniya inaalis ang travel restrictions ay mananatili ang checkpoint at paghahanap ng travel pass sa mga checkpoint bilang requirement sa mga uuwi o bibiyahe sa mga probinsiya.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang police ground commanders sa mga lokal na pamahalaan upang alamin kung may mga pagbabago sa ipinatutupad na travel protocol policy.

“Ibig sabihin noon, kapag ang isang probinsya ay wala nang restriction, hindi na kailangan ng travel authority kung pupunta doon,” ang pahayag ni Eleazar.

Payo naman ng opisyal sa publiko na alamin ang panuntunan ng mga bayang pupuntahan o dadaanan bago ang kanilang biyahe upang maiwasan ang aberya.

“Dahil kung ang pupuntahan niyo o yung dadaanan niyo, alin man don ay restricted pa din like nagre-require ng travel authority ay kailangang mag secure kayo ng kanilang requirement,” ang wika ni Eleazar. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)


Mga menor de edad, bawal pa rin sa computer shops – Eleazar

Robie de Guzman   •   October 2, 2020

MANILA, Philippines – Hindi pa rin papayagang pumasok sa computer shops ang mga menor de edad kahit magbukas na ang klase sa Lunes, Oktubre 5.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang “no minors allowed” policy sa computer shops kahit batid nilang marami pang estudyante ang walang magagamit na laptop, gadget at internet para sa pagsasagawa ng online learning.

“We understand that a number of elementary and high school students in the public schools do not have computers, laptops, and other gadgets for the opening of classes so there maybe some of them who would go to the internet shops for their online classes for the use of computers and to avail of internet connections,” ang pahayag ni Eleazar.

Sa ipinaiiral na alintuntun ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang pagbabawal sa mga menor de edad ay isa sa mga kondisyon para payagang magbukas ang internet shops sa mga lugar na may umiiral na community quarantine restrictions.

Ayon kay Eleazar, binilinan na ang local police commanders na magsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa internet shops at makipag-ugnayan sa mga mga lokal na otoridad para sa pagpapatupad ng health protocols.

Pina-alalahanan rin ng opisyal ang mga internet shop owners na sundin ang polisiya.

“Our commanders on the ground should take the lead not only in reminding the internet shop owners that minors should not be allowed to enter in accordance of the guideline of the IATF (Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases) but also in making sure that this and other rules are strictly and properly observed,” ang wika ni Eleazar.

MECQ in Lanao del Sur, GCQ in Metro Manila, five other areas starting October 1

Marje Pelayo   •   September 29, 2020

MANILA, Philippines — Starting Thursday (October 1), new quarantine classifications will take effect across the country and will remain for a duration of one month, as announced by President Rodrigo Duterte in his late night public address Monday (September 28).

The President approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force to place under modified enhanced community quarantine (MECQ) areas in the province of Lanao del Sur including Marawi City from October 1 to 31. 

Meanwhile, six areas in the country will be placed under general community quarantine (GCQ) after the end of September.

These include Metro Manila, Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City and Iloilo City.

The rest of the country will be placed under modified general community quarantine (MGCQ).

The President said he is pleased with how the local governments are responding to the crisis brought about by coronavirus disease (COVID-19).

He reiterated the national government’s readiness to respond and continue its services especially in the face of a pandemic despite the criticisms.

Mga kababayan ko, wag kayong masyadong maniwala diyan sa mga atake-atake (My countrymen, don’t listen to the attacks too much). It would just muddle up your mind,” he said.

Nandito kami (We are here). Our purpose is to serve and to work, if we cannot serve, and if we cannot work, then we might as well get out of the government as ask somebody else to take over,” the president concluded. MNP (with reports from Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.