Bilang ng mga nasawi sa 6.6 na lindol sa China, umabot na sa 208

admin   •   April 22, 2013   •   3244

Google Maps: Ya'an, Sichuan, China

Google Maps: Ya’an, Sichuan, China

CHINA  Umabot na sa dalawandaan at walo (208) ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring magnitude 6.6 na lindol sa Sichuan Province sa China nitong umaga ng Sabado, April 20, 2013.

Sa ulat ng Xinhua news agency, patuloy nang nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad para sa mahigit 20 nawawala habang mahigit naman sa 11-libo ang naitalang sugatan.

Ayon sa mga otoridad, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng lindol dahil marami ang hinihinalang natabunan ng gumuhong lupa at mga gusali.

Naputol din ang linya ng komunikasyon, suplay ng kuryente at tubig sa mga lugar na matinding naapektuhan ng lindol.

Samantala, sa ulat ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez, sinabi nitong wala pang impormasyon kung may Pilipinong nadamay sa lindol.

Patuloy na ring binabantayan ng konsulado ng Pilipinas sa Chong-Qing ang pinakahuling ulat doon.

“The 7.0 earthquake in China’s Sichuan province hit Lushan County of Ya’an City & was strongly felt in capital Chengdu. It was also felt in Guizhou, Shaanxi, Yunnan & Chongqing. As of noontime, there were no reports of Filipinos injured or affected by the quake. PH Consulate General in Chongqing will continue to monitor developments,” pahayag ni Hernandez. (UNTV News)

11 Pinoy seafarers na ilang buwang stranded sa barko sa China, nakabalik na sa bansa

Robie de Guzman   •   September 29, 2020

MANILA, Philippines – Matapos ang halos pitong buwan ay nakauwi na sa bansa ang 11 Pilipinong marinong stranded sa sinasakyang barko sa China dahil sa pagsasara ng mga border sa iba’t ibang bansa sa gitna ng pandemiya.

Martes ng madaling araw nang dumating sa bansa ang grupo at pansamantalang mamamalagi sa isang quarantine facility sa Pasay City upang hintayin ang resulta ng swab test na isinagawa sa paliparan.

Ayon kay Anthony Medina, labis ang kagalakan niya at ng kanyang mga kasamahan dahil sa wakas ay nakauwi na sila at muli nang makakapiling ang kani-kanilang pamilya.

“Sobrang saya po namin talagang halos gusto namin na mauna pa kami sa eroplano makalapag eh. Makikita na po namin ang mga mahal namin sa buhay,” ang wika ni Medina.

Nagpasalamat din ang kapatid ni Anthony na si Analiza Medina sa lahat ng mga tumulong upang makauwi ang mga tripulante.

“Para po kaming nanghihina na parang wala ng mag rerescue sa kanila. Kaya po talagang sobrang saya namin na nakauwi na sila. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong at sa mga hindi po nagsawa na tulungan sila,” ang pahayag ni Analiza.

Bago umuwi sa kani-kanilang pamilya, kailangan munang asikasuhan ng mga marino ang ilang mga bagay sa kanilang agency.

Samantala, tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration na bibigyan ng ayuda ang mga umuwing seafarer. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lucille Lloren)

DFA finalizes repatriation for 11 stranded Filipino seafarers onboard Ocean Star 86

Aileen Cerrudo   •   September 25, 2020

The Department of Foreign Affairs (DFA) is finalizing the repatriation of the remaining 11 Filipino seafarers stranded in Chinese waters onboard Ocean Star 86 since March 24.

The DFA and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) are already coordinating with the Philippine Embassy in China. OWWA said the seafarers will be able to return home by next week.

“Mayroon na po napipintong repatriation either this coming week or first week of October ng ating mga mahal na stranded seafarers sa China (Our stranded seafarers in China will be repatriated either this coming week or first week of October). We are now providing assistance to the seafarers,” according to OWWA administrator Hans Leo Cacdac.

Based on the information received by OWWA, the Ocean Star 86 is docked in the mainland and the Philippine Embassy in China has been providing assistance to the seafarers. AAC (with reports from Joan Nano)

TAGS   ,

Fresh PHL protest vs China won’t affect diplomatic ties – Palace

Robie de Guzman   •   August 21, 2020

MANILA, Philippines – The fresh diplomatic protest filed by the Philippines against China over its coast guard’s “illegal confiscation” of fish aggregating devices installed by Filipino fishermen in Bajo de Masinloc will not affect the friendship between the two countries, Malacañang said Friday.

Presidential Spokesperson Harry Roque said lodging of protests over acts deemed violative of the country’s sovereign rights is part of the job of Philippine diplomats.

“‘Yang mga protests naman ginagawa talaga yan ng ating mga diplomats kung meron sa tingin natin na lalalabag sa ating soberenya o doon sa ating tinatawag natin sovereign rights,” he said.

“Pero hindi naman po makakaapekto doon sa kabuuan ng ating matalik na pagsasamahan sa panig ng bansa natin at ng bansang Tsina,” he added.

The Department of Foreign Affairs (DFA) earlier said it has lodged a diplomatic protest against China over the incident that took place in May.

Bajo de Masinloc or Scarborough (Panatag) Shoal is a vital spawning ground for fish that lies over 100 nautical miles from the coast of Masinloc, Zambales.

It is among the areas in the South China Sea being claimed by China, including waters within the exclusive economic zones of Malaysia, Brunei, Malaysia, Vietnam, the Philippines and Taiwan.

In 2016, the Permanent Court of Arbitration in The Hage rules that under the United Nations Convention of the Law of the Sea, the Bajo de Masinloc is a common fishing ground and that China’s claims over the strategic body of water is not valid. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.