Bagong listahan ng mga maaaring lumabas ng bahay sa ilalim ng MECQ, ilalabas ng PNP

Robie de Guzman   •   May 13, 2020   •   1629

MANILA, Philippines – Maglalabas ng bagong listahan ng authorized persons outside residence (APOR) ang Philippine National Police (PNP) para sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula sa May 16.

Sa panayam sa programang Get it Straight with Daniel Razon ngayong Miyerkules, sinabi ni Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield commander Police Lieutenant Guillermo Eleazar na kailangang i-update ang listahan ng APOR dahil papayagan na ang limitadong operasyon ng ilang opisina at negosyo sa ilalim ng MECQ.

“There are two categories ng mga authorized na pwede lumabas base on the permitted establishments. Una, the work force nitong mga establisyimento na permitted (to operate), at pangalawa, ito pong mag-aavail ng mga good and services,” ani Eleazar.

Noong Martes, inanunsyo ng pamahalaan na mula sa extended enhanced community quarantine ay lilipat na sa MECQ ang Metro Manila, Laguna at Cebu City pagkatapos ng May 15. Tatagal ito hanggang sa May 31.

Ang ibang lugar naman na itinuturing na may moderate- at low-risk sa novel coronavirus disease (COVID-19) ay isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) at modified (GCQ).

Sa ilalim ng MECQ, kalahati ng kabuuang workforce ng mga kumpanya ay papayagan nang magbalik-operasyon, papayagan rin ang limitadong transportasyon ng essential goods at services habang mananatili namang bawal ang pagkakaroon ng physical classes sa mga paaralan.

Magiging bahagi na rin ng tinatawag na “new normal” ang palagiang pagsusuot ng face mask, pagdi-disinfect at physical distancing.

Aminado si Eleazar na malaking hamon ang kakaharapin ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad lalo’t madaragdagan na ang mga taong maaaring lumabas ng kanilang mga bahay sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, mas paiigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa quarantine controlled points pati na ang pagpapatrolya upang matiyak na sumusunod pa rin ang publiko sa ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19.

Paalala ni Eleazar sa mga empleyadong papasok na sa trabaho na dalhin ang kanilang Identification card at iba pang mga dokumento para makadaan sa checkpoint.

Habang ang mga taong lalabas para sa essential goods at services naman ay mahigpit na sasalain.

Babantayan rin ng pulisya ang mga establisimyento, gaya ng malls, upang masegurong walang pupunta roon para lamang tumambay.

Sinabi rin ni Eleazar na tuloy ang pagpapatupad ng curfew pati na rin ang pagbabantay sa mga lumalabag sa quarantine protocols. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

PNP mulls reopening of Custodial Center to visitors amid COVID-19 crisis

Robie de Guzman   •   May 29, 2020

MANILA, Philippines – The Philippine National Police (PNP) on Friday said it will assess whether its Custodial Center can be reopened to visitors amid the novel coronavirus disease (COVID-19) crisis.

PNP chief Police General Archie Gamboa said they need to thoroughly study the possibility of reopening the facility because of its proximity to quarantine facilities housing police personnel infected with COVID-19 and the PNP RT-PCR test laboratory.

At present, the visitation of inmates at the PNP Custodial Center is prohibited in compliance with the safety and health protocols set by the government amid the COVID-19 pandemic.

Gamboa said they are only following the measure implemented by the Bureau of Corrections (BuCor) and the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) in the detention facilities in the country.

“Standard naman ‘yung sinusunod natin, together with the BuCor and BJMP. We need to reassess whether to open up sa visitors yung Custodial Center,” he said.

Gamboa’s statement comes after opposition senators questioned the PNP’s move to bar Senator Leila de Lima from accepting visitors and holding physical meetings with anyone.

The PNP chief, however, assured that De Lima is allowed to make phone calls. – RRD (with details from Correspondent Lea Ylagan)

Checkpoints at curfew, hindi aalisin kahit ilagay sa GCQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa – Eleazar

Robie de Guzman   •   May 27, 2020

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng quarantine control points ng Philippine National Police kahit pa ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang mga lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, dapat pa ngang paigtingin ang pagsasagawa ng checkpoint dahil tiyak na dadagsa ang mga tao sa lansangan kapag niluwagan na ang quarantine restrictions.

Ani Eleazar, nasa diskresyon ng mga hepe ng local police kung ililipat nila ang checkpoint o kaya ay magpatupad na lamang ng random checkpoint sa matataong lugar.

“Hindi natin kayang i-inspect lahat ng mga sasakyan sa kalsada kagaya ng ginawa natin during ECQ… It will create a monstrous traffic kung lahat ng sasakyan ay ating i-che-check,” ani ng opisyal.

“Kaya nga through modified checkpoint, random ang gagawin natin d’yan, depende sa discretion at peculiarity ng mga lugar kung saan nagsasagawa ng checkpoint,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Eleazar, bahagi ng PNP anti-criminality campaign ang checkpoint kaya hindi ito maaaring alisin.

Isa ang Metro Manila sa mga lugar na isinailalim sa MECQ hanggang Mayo 31.

Una nang napaulat na inirerekomenda na ng Metro Manila mayors na ilagay na sa GCQ ang Metro Manila simula sa Hunyo.

Ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases naman ay isinusulong ang pagpapatupad ng localized lockdown o quarantine sa mga barangay o bayan lang na may mataas na kaso ng novel coronavirus disease (COVID-19).

dahil sa posibleng pagluluwag ng quarantine restrictions, sinabi ni Eleazar na mas hihigpitan nila ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga establisimiyento upang masigurong naipatutupad ng maayos ang minimum health protocols na inilatag ng Department of Health.

“Dapat nga na magsagawa ng maraming inspection kasi doon natin makikita ngayon kung andon ba yung pagsunod sa mga protocols set by DOH,” sabi ng opisyal.

“Sa pakikipag-ugnayan at sa tulong nitong mga mall management and security officers nila ay makapagsasagawa tayo ng tamang implementasyon ng mga guidelines na ito,” dagdag pa niya.

Palalakasin din nila ang mobile checkpoint na isinasagawa ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group.

“Ito ang magsasagawa ng Oplan Sita at Oplan Habol at magsasagawa ng mga spot inspection,” ani Eleazar.

Sinabi rin ng opisyal na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng curfew sa ilalim ng GCQ ngunit hindi na hahanapan ng quarantine pass ang mga lumalabas ng kanilang tahanan.

“Mandated sa lahat ng mga quarantine status na meron pa rin tayong curfew sa mga non-workers sa gabi,” paliwanag niya.

Sa halip, mas hihigpitan ng pulisya ang pagbabantay sa pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng physical distancing measures kontra COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Metro Manila may transition to GCQ after May 31 —Malacañang

Marje Pelayo   •   May 27, 2020

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force against COVID-19 hopes to come up with a decision on whether to extend or lift the existing modified enhanced community quarantine (MECQ) in Metro Manila and other areas in the country after May 31.

Malacañang sees a greater chance of transitioning from MECQ to general community quarantine (GCQ) come June 1 as recommended by National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez and Interior Secretary Eduardo Año.

“They gave their recommendation to the IATF but I can quote both of them, chances are we will in fact be transitioning to GCQ in Metro Manila according to the chief implementer and the DILG secretary,” noted Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. 

The Metro Manila Council (MMC), likewise, recommended to the IATF to place the National Capital Region (NCR) to GCQ.

If that is so, public transport will be allowed but only on a limited capacity to ensure that minimum health standards are observed. 

Meanwhile, Roque appealed to both the public and private sectors to finalize their work schemes following the 50% operational capacity wherein half of the total number of employees will be working on site and half  will be working from home.

“We are appealing to both the private and public sector to ensure at least 50-50 workforce,” Roque said. MNP (with details from Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.