Bagong COVID-19 variant napaulat sa South Africa

Robie de Guzman   •   November 26, 2021   •   94

MANILA, Philippines – Isang bagong variant ng novel coronavirus disease (COVID-19) ang natuklasan sa bansang South Africa.

Pinangangambahang mas nakakahawa ito kaysa orihinal na virus na sanhi ng COVID-19 at may kakayahan umanong matakasan ang immune response ng katawan dahil sa kakaibang constellation ng mutations nito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), wala pang kumpletong detalye ang sinasabing bagong variant (B1.1.529) at variant under monitoring pa lang ang klasipikasyon nito sa ngayon.

Nadiskubre ang variant noong Nobyembre 23 mula sa samples na kinuha mula November 14 hanggang 16.

Nasa 100 sample ang nakitang positibo sa B.1.1.529 sa South Africa.

Ngunit ayon sa WHO, kailangang bantayan ito ng maigi dahil nagtataglay ito ng maraming mutations na maaaring makaapekto sa behavior o bagsik ng virus.

Inaalam rin ang epekto ng variant sa diagnostics, sa bisa ng bakuna at mga gamot na ginagamit sa mga pasyenteng may COVID-19.

“We don’t know very much about this yet. What we do know is that this variant has a large of number mutations,” ang pahayag ni Dr. Maria Van Kerkhove, ang COVID-19 Technical Lead ng WHO.

“Right now, researchers are getting together to where these mutations are and what that potentially mean for our diagnostics, therapeutics, and vaccines… It is something to watch,” dagdag pa niya.

Inaasahang aabutin ng ilang linggo bago makakalap ng karagdagang impormasyon ang mga dalubhasa ukol sa variant na ito.

May mga kaso na ng ganitong variant na naitala sa ilang bahagi ng South Africa gaya ng Johannesburg, Gauteng at Botswana.

May napaulat na rin sa Hong Kong na isang biyahero mula sa South Africa.

Sa Pilipinas, wala pang iniuulat na kaso ng B1.1.529 ang Department of Health.

Ayon sa mga otoridad, hinihintay pa nito ang ulat mula sa Hong Kong ukol sa variant upang agad makagawa ng hakbang upang mapigilan ang pagpasok nito sa Pilipinas.

Matatandaang sa South Africa rin unang na-detect ang B.1.351 o Beta variant. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Testing at sequencing ng samples ng international passengers vs Omicron variant, inirerekomenda ng WHO

Robie de Guzman   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines – Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagpapaigting sa screening at sequencing ng samples ng lahat ng mga pasaherong papasok sa Pilipinas.

Ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, isa ito sa mga mabisang paraan upang agad mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant sakaling makapasok na ito sa bansa.

Aniya, dapat muling higpitan ang screening at isailalim sa RT-PCR screening ang mga pasahero, may Omicron variant case man o wala ang pinanggalingan nilang bansa.

“Risk-based approach should not only target countries that have already confirmed the Omicron variant in travellers or in citizens. We need to be aware of the fact that many countries have limited capacity for whole genome sequencing,” ani Abeyasinghe.

“That’s why I am advocating that anyone returning from overseas should be sequenced… So that we can get a headstart on being able to detect on the arrival of the variant in the country,” dagdag pa niya.

Kailangan rin aniyang isailalim sa genome sequencing ang lahat ng samples mula sa inbound travelers na nagpositibo sa COVID-19 upang matiyak na walang makakalusot na Omicron variant sa Pilipinas.

Sang-ayon rin si Abeyasinghe sa pagpapatupad ng travel restrictions sa South Africa at iba pang mga bansang may kaso na nito dahil karapatan ng isang bansa na magpatupad ng precautionary measures mula sa anumang banta.

“WHO has always advocated a risk-based approach. So each country should consider the risk of potential information from countries that are already confirming these variants and take appropriate measures while we’re trying to determine the absolute epidemiological significance of the variant and its response to the preventive entry and protocols that we have in the country at the moment in the world,” ayon sa WHO official.

“We continue to urge countries to take a risk- based approach in assessing the likelihood of information,” dagdag pa niya.

Ang Omicron variant ay unang natuklasan sa South Africa noon lamang nakaraang linggo at ngayo’y napaulat na rin sa iba’t ibang bansa.

Sa mga inisyal na pag-aaral, pinangangambahang mas agresibo at mas nakakahawa ang variant na ito dahil sa nakita ritong mutations na mas marami pa kumpara sa Delta variant.

Ngunit giit ng WHO, sa ngayon ay wala pang malinaw na detalye para sabihing mas mabagsik nga ang Omicron variant at may epekto ito sa transmission, mga gamot na ginagamit sa severe infection at sa bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa ahensiya, mas mainam pa ring panlaban sa virus ang umiiral na health protocols gaya ng tamang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at palagiang paghuhugas ng kamay.

Mas maigi ring magpabakuna dahil nagbibigay ito ng proteksyon laban sa COVID-19. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Philippines logs 425 new COVID-19 cases

Robie de Guzman   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines – The Philippines on Tuesday recorded 425 new cases of COVID-19, data from the Department of Health (DOH) showed.

The latest figure pushed the country’s total caseload to 2,832,734, the DOH said.

Around 0.6% or 15,800 of this number are active cases – 47.5% are mild, 5.3% are asymptomatic, 24.42% are moderate, 16.0% are severe, and 6.8% are in critical condition.

COVID-19 related deaths increased to 48,545 with 44 new fatalities.

Total recoveries rose to 2,768,389 after 909 more patients recovered from the viral disease.

The positivity rate was at 2.1% based on results of samples from 24,442 individuals tested on November 28.

Two accredited testing laboratories were not operational last Sunday while four others failed to submit data on time, the DOH noted.

The ICU bed utilization rate nationwide was at 26% while 25% in the National Capital Region.

Pagpapatupad ng mandatory COVID-19 vaccination, nakasalalay sa Kongreso – IATF

Robie de Guzman   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines – Nakasalalay sa Kongreso ang pagbalangkas ng batas kung gagawing sapilitan sa bansa ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Ito ang naging pahayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang gawing mandatory ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas sa harap ng banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, wala sa kapangyarihan ng IATF na pilitin ang publiko na tumanggap ng COVID-19 vaccine.

“Kailangan po ng batas, mas magiging… mas magkakaroon ng mandatory enforcement kapag meron pong batas mula sa Congress at mapirmahan ni Pangulong Duterte, so it is up to congress to feel the need kung kinakailangan magkaroon ng batas to make it mandatory,” ani Nograles.

“As far as IATF is concerned, patuloy pa rin po ang ating pagmi-meeting tungkol d’yan at paguusap namin sa proposal na yan,” dagdag pa niya.

Samantala, iiminungkahi naman ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na higpitan na lamang ang mga polisiya para sa mga hindi pa bakunado upang maengganyo ang mas marami pang Pilipino na magpabakuna.

Aniya, may kapangyarihan naman ang mga alkalde na maglabas ng kautusan o ordinansa para makumbinse ang kanilang mga constituent na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.

“Hindi natin ima-mandatory but at least, we’ll make it harder for them to live while there’s a pandemic. It’s because of mutations, kung hindi ma-achieve ang herd immunity,” ani Año. (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.