Autobiography ni Sen. Enrile, paiimbestigahan ni Sen. Santiago

admin   •   February 11, 2013   •   3043

FILE PHOTO: Sen. Juan Ponce Enrile and Sen. Miriam Defensor Santiago (UNTV News)

FILE PHOTO: Sen. Juan Ponce Enrile and Sen. Miriam Defensor Santiago (UNTV News)

MANILA, Philippines — Maghahain si Senador Miriam Santiago ng resolusyon sa pagbubukas ng 16th Congress sa Hulyo upang busisiin ang  libro ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Ang nasabing librong may pamagat na “A Memoir,” ay kinapapalooban ng personal na karanasan ni Enrile na aniya’y makapagbibigay ng linaw sa deklarasyon ng Martial Law noong September 21, 1972.

Kabilang sa nilalaman ng libro ang iba pang mahahalagang pangyayari sa bansa noong rehimeng Marcos.

Ayon kay Santiago, naalarma siya  nang lumabas ang balita noong February 8 na sinabi umano ng isang senate candidate na si Ramon Montaño na nagsisinungaling si JPE sa kanyang libro.

Sa pahayag ni Montaño, dating PNP chief sa administrasyon ni President Cory Aquino, sinabi nitong hindi tutuo ang nakasaad sa aklat ni Enrile na inambush siya  sa Dasmariñas Village  noong 1972  na naging dahilan  para magdeklara ng Martial Law.

Dagdag pa  Senador Santiago, nakahandang humarap si Montaño sa public hearing na isasagawa ng Senado anuman ang maging epekto nito sa kanyang kandidatura  sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon kay Santiago, malinaw na may paglabag si Enrile bilang public officer  dahil sa hindi totoong paglalahad ng tunay na mga pangyayari sa kanyang libro.

Sinikap  na makuha ng UNTV News ang panig ni Senador Enrile ukol sa pahayag ni Santiago.

Ngunit sa isang text message  ni Media Officer Lizette Mari Nepomuceno, abala umano  ang Senate President sa pakikipagpulong at paghahanda sa kampanya ng UNA sa Martes sa Cebu.

“Sobrang busy si SP JPE with mtgs today bago lumipad ng Cebu kaya hindi pa ako makakuha ng reaction.”

Bukas o Martes, magtatalumpati si Santiago sa UP Manila ang UNA niyang public appearance mula ng mag-leave dahil sa kanyang hypertension at bone marrow disorder nitong nakalipas na Enero. (BRYAN DE PAZ, UNTV News)

Malakanyang, nanawagang tigilan ang pagpapakalat ng fake news ukol sa martial law

Robie de Guzman   •   January 7, 2022

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Malakanyang na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news sa gitna ng pandemya.

Kasunod ito ng pagkalat sa social media ng isang audio recording hinggil sa umano’y planong pagdedeklara ng martial law o kaya ay total lockdown ni Pangulong Rodrigo Duterte upang masugpo ang muli na namang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nagdudulot lamang ito ng balisa at pangamba sa mga tao na hindi aniya nakakatulong sa gitna ng sitwasyon.

“Sa mga walang magawa na gumagawa at nagpapakalat nito, tigilan nyo na po ito please hindi ito biro, we are dealing with the real threat that understandably concerns our people,” ani Nograles.

Sa audio recording na unang kumalat sa social media noong Lunes, sinasabing wala na raw papayagang lumabas kapag nagdeklara ng total lockdown kaya dapat ay mag-stock ng pagkaing sasapat sa loob ng isang buwan.

Ayon sa Palasyo, fake news ito at pinayuhan ang publiko na kumuha ng tamang impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang sources gaya ang opisyal na anunsyo mula sa pamahalaan.

“Fake news po ito. Huwag po tayong magpapaniwala sa ganitong uri ng balita, please get your news and information from credible sources only, kaya naman po binabalita agad natin ang mga bagong hakbang laban sa COVID para alam kaagad ito ng taumbayan,” ani Nograles.

Una nang itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kumalat na impormasyon hinggil sa martial law.

Giit ng opisyal, walang mabigat na dahilan para gawin ito sa ngayon ng pamahalaan sa kabila ng muling paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

Defense chief on martial law rumors amid rising COVID-19 cases: Fake news

Robie de Guzman   •   January 7, 2022

MANILA, Philippines – Department of National Defense (DND) chief Delfin Lorenzana has denied rumors circulating on social media that the government will declare martial law or a total lockdown to address the rapidly growing new COVID-19 cases.

In a statement, Lorenzana said there is no compelling reason for President Rodrigo Duterte to declare martial law.

“Not true. Fake news. Definitely out of the picture. There is no compelling reason to declare martial law,” he said.

Rumors that Duterte will impose a total lockdown, barring everyone from going out of their homes to address the coronavirus surge have circulated on social media at the start of the week.

This week, the Philippines saw a rapid increase in the number of new infections, with 17,220 additional cases recorded on Thursday.

The sharp increase in the country’s COVID cases is believed to be caused by the local transmission of Omicron and Delta variants.

But Lorenzana pointed out that the latest tally is lower than the over 26,000 recorded in 2021.

He added that while highly transmissible, the Omicron variant is seen to be less aggressive than the Delta variant.

“The highest we had was 26,000+ last year. Today we have 17,220. This variant while more transmissible is less virulent than delta. Less people get seriously sick,” he said.

Due to rising cases, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, and 14 other areas in the country have been placed under COVID-19 Alert Level 3.

President Rodrigo Duterte have also directed local officials to restrict the movement of unvaccinated persons in a bid to protect them from contracting the virus.

Lorenzana, who also chairs the National Task Force against COVID-19, said the Inter-Agency Task Force is still evaluating on the possibility of implementing stricter measures to combat the COVID-19 surge. (with details from Correspondent Lea Ylagan)

New petition for disqualification filed vs. Marcos

Maris Federez   •   November 17, 2021

 

MANILA, Philippines — A group identified as martial law victims has filed a complaint against former senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. who is now running for president in the 2022 national and local elections.

Attorney Howard Calleja, legal counsel of Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), said that they —  along with Bayan Muna Representative Satur Ocampo — filed a petition for disqualification against Marcos before the Commission on Elections (Comelec).

Calleja said Comelec must disqualify Marcos from holding any government position as he was found guilty of violating the Tax Code.

Calleja particularly cited Marcos’ failure to file his income tax return from 1982 to 1985 for which he was found guilty by the Quezon City Regional Trial Court in 1997.

“Ang sinasabi natin dito, because of the final judgement of conviction, siya po ay perpetually disqualified under the Tax Code, yung sinabi nating section 253 (c),” Calleja said.

The group also insists that the Court of Appeals made a wrong decision of removing the jail time sentence against Marcos and just directing him to pay penalties.

Calleja further said that they will file a new motion for a faster resolution of the Petition for Intervention which they earlier filed before the poll body.

“Tomorrow I will file a motion for a speedy trial or to decide the case immediately for the first case, para mabilisan. Kasi, I think (November) 20 something pa yong next hearing. So, I’m hoping that I can push or seek remedy for the past decision of the (Comelec),” he said. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.