Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, muling babawasan simula Oct. 1 – NWRB

Robie de Guzman   •   September 29, 2020   •   181

MANILA, Philippines – Babawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila simula sa Oktubre 1 dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa mga dam.

Layunin nito na umabot hanggang sa susunod na taon ang kasalukuyang antas ng tubig sa mga dam para sa konsumo ng buong rehiyon ng Luzon.

Ayon sa NWRB, ibababa sa 44 cubic meters per second (cms) mula sa 46 cms ang ibibigay na alokasyon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System para sa business at residential consumption.

Ibababa rin sa 25 cms mula sa 30 cms ang ilalaang tubig para sa irigasyon ng mga sakahan.

Sa monitoring ng PAGASA ngayong Martes, nasa 177.94 meters ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Angat Dam, mas mababa ito ng tatlong metro mula sa 180 meters na minimum operating level.

Samantala, tiniyak naman ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water na sapat pa rin ang supply ng tubig at wala silang ipatutupad na water service interruption. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

TAGS   ,

Mas maluwag na general community quarantine, umiiral sa Metro Manila —Malacañang

Marje Pelayo   •   October 19, 2020

MANILA, Philippines — Mas marami na ang maaaring lumabas ng bahay ngayon at pinalawig pa ang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa kabila na nananatili ang banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Hinihikayat na rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng business activities upang maka-engganyo ng mas maraming customers bukod pa sa mas maraming negosyo ang pinahihintulutan nang magbukas.

“Tama po kayo, mas maluwag na general community quarantine ang pinaiiral ngayon sa Metro Manila,” sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamahayag nitong Lunes (October 19).

Ang pagluwag ng quarantine restrictions ay upang makabawi ang ekonomiya sa bansa mula sa epekto ng pandemya.

Samantala, ayon sa kalihim, may mga sang-ayon sa mungkahi ng Metro Manila Mayors na palawigin na ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang buwan ng Disyembre.

Subalit, naka-depende pa rin ito sa desisyon ng policy-making body ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Iyan po ang parang nabubuong concensus, pero siyempre po hindi ko po pwedeng pangunahan because it is a collegial decision,” pahayag ng opisyal.

“Pero ang nangyayari po kasi ngayon, bagaman naka-GCQ ang Metro Manila, nagkakaroon po tayo ng mas malawak na pagbubukas ng mga industriya,” dagdag nito.

Inaasahang bago magpalit ng buwan, isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong quarantine classification sa NCR para sa Nobyembre.

Giit ng opisyal, posible ang anumang quarantine classification sa NCR subalit mananatiling iisa ang posisyon ng pamahalaan – ang pahintulutang makapag-hanapbuhay na ang mga mamamayan habang ipinatutupad pa rin ang minimum health standards. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

LTFRB opens 44 new PUJ routes, allows 4,820 more jeepneys on Metro Manila streets

Marje Pelayo   •   October 14, 2020

MANILA, Philippines – The Department of Transportation (DOTr) through the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has opened additional 44 routes of the traditional public utility jeepneys (PUJ) on Tuesday (October 13). 

Aside from this, the agency also allowed 4,820 PUJ units to ply routes in Metro Manila as stated in the Memorandum Circular 2020-058 dated Saturday (October 10).

Overall, a total of 27,016 traditional PUJs are now operating on 302 routes across Metro Manila since the government opened transportation with the implementation of General Community Quarantine (GCQ).

The agency said it is working on opening more routes for PUVs to address the need for mass transport as business further reopen. 

This was after public transport capacity was limited amid the coronavirus disease (COVID-19) pandemic. 

Public Utility Vehicle (PUV) unit breakdown in Metro Manila since operation started on June 1, 2020:

Traditional Public Utility Jeepney (PUJ)

  • No. of routes opened: 302
  • No. of authorized units: 27,016

Modern Public Utility Jeepney (PUJ)

  • No. of routes opened: 48
  • No. of authorized units: 845

Public Utility Buses (PUB)

  • No. of routes: 34
  • No. of authorized units: 4,016

Point-to-point buses (P2P)

  • No. of routes opened: 34
  • No. of authorized units: 387

UV Express

  • No. of routes opened: 76
  • No. of authorized units: 3,263

Taxi

  • No. of authorized units: 20,927

Transport Network Vehicles Services (TNVS)

  • No. of authorized units: 24,356

Provincial Public Utility Bus (PUB)

  • No. of routes opened: 12
  • No. of authorized units: 286

Modern UV Express

  • No. of routes opened: 2
  • No. of authorized units: 40

Metro Manila may shift to MGCQ by November, MMC Chairman says

Marje Pelayo   •   October 1, 2020

MANILA, Philippines — The National Capital Region (NCR) might shift to modified general community quarantine (MGCQ) status by the month of November.

This is what Parañaque City mayor and Metro Manila Council chairman Edwin Olivarez said at a press briefing on Wednesday (September 30).

This is on the condition that the number of coronavirus disease (COVID-19) cases in Metro Manila continues to decrease.

The official also mentioned that the council is considering easing the existing curfew in the NCR.

Olivarez added that the Council is set to discuss the preparation of measures to be taken in reopening Metro Manila’s economy amid the pandemic.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.