ALAMIN: Plano ng DepEd sakaling payagan ang in-person classes ng pre-schoolers

Robie de Guzman   •   February 18, 2021   •   209

Mahalaga sa paglaki ng isang bata ang pakikisalamuha o socialization sa kapwa bata.

Ayon sa US Center for Disease and Control (CDC), ito ay kasama sa mga tinatawag na developmental milestones ng bata.

“Children reach milestones in how they play, learn, speak, behave, and move (like crawling, walking, or jumping),” ang pahayag ng US-CDC.

Ayon sa ahensiya, mahalagang hikayatin ang mga bata na makihalubilo sa kapwa bata dahil maaari itong makatulong upang matutunan nila ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan at pagbibigayan.

“Encourage your child to play with other children. This helps him to learn the value of sharing and friendship,” ang pahayag ng US-CDC.

Subalit sa kasalukuyang sitwasyon kung saan nahaharap sa novel coronavirus ang buong mundo, limitado ang galaw ng mga bata dahil hindi sila pinapayagang lumabas, lalo na rito sa Pilipinas.

Hindi rin nila personal na nakikita ang kanilang mga kalaro at kamag-aral dahil sa panganib na mahawa sila ng sakit.

Bagaman may umiiral pang quarantine restrictions, sinabi ng Department of Education (DepEd) na may nakahanda na silang plano sakaling muli nang payagan ang in-person classes ng mga kabataan, pati na ng mga pumapasok sa pre-school.

Iginiit din ng DepEd na dapat masunod ang mga inilatag na panuntunan para sa posibleng pagpapatupad ng face-to-face classes:

Una, dapat anila ay aprubado ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng face-to-face classes at nasa ilalim ng modified community quarantine classification ang isang lugar.

Pangalawa, dapat may pahintulot ng mga magulang ang muling pagbabalik sa klase ng kanilang mga anak.

Kailangan ding may maayos na pasilidad at malapit sa health facility ang paaralan.

Dapat ay may maayos na water system at may nakahandang mga gamot sa mga paaralan at papasa ang mga ito sa assessment ng health department at ng Inter-Agency Task Force.

Mahalaga ring masiguro ang gagamiting transportasyon ng mga bata papunta at pauwi mula sa paaralan dahil sa banta ng COVID-19 transmission sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa DepEd, isusumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong ito para mapag-usapan sa susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force lalo’t may mga magulang pa ring nag-aatubili sa mga panukalang face-to-face classes.

“Depende yan. Kasi yung iba it will work in high school, may iba it will work sa lower grades pero ang importante ay gagawin natin. Wala tayong one size fits all na lahat pare-pareho, we’re marching to the same draft. Hindi ganun. At saka depende also sa assessment ng ating IATF at Department of Health,” ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Tiniyak naman ng DepEd na pinag-aaralan nilang mabuti kung alin ang mas makabubuti sa mga mag-aaral sa gitna ng kinakaharap na public health crisis. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Senate probes distance learning quality, deferment of proposed resumption of in-person classes

Robie de Guzman   •   February 24, 2021

MANILA, Philippines – A Senate panel will conduct an inquiry on Wednesday on the quality of distance learning, other psycho-social concerns, and the implications of postponing the resumption of face-to face classes amid the threat of novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Senator Sherwin Gatchalian, chairperson of the Senate committee on basic education, arts, and culture, said that during the hearing, he will urge the Department of Education (DepEd) to use all available tools and resources to avert a looming ‘learning crisis’ as part of its next steps in mitigating the “pernicious effects” of distance learning.

Gatchalian earlier expressed fears that a huge chunk of more than 25 million learners in the basic education sector might end up “unprepared” for their next level of schooling.

While DepEd has exhausted all possible steps to provide for continued education amid the pandemic, Gatchalian stressed that several challenges still hound the rollout of distance learning, including the inadequacy of connectivity, lack of enough guidance from teachers, and the quality and effectiveness of self-learning modules, among others.

“Dahil ipagpapaliban muna nating muli ang pagkakaroon ng face-to-face classes, mahalagang magkaroon tayo ng kaliwanagan sa kung ano ba ang magiging pangmatagalang epekto nito sa ating mga mag-aaral, lalo na’t hinaharap nila ang maraming mga hamong may kinalaman sa epektibong pagpapatupad ng distance learning,” Gatchalian said in a statement issued on Wednesday morning.

“Ang ating layunin sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya ay masigurong natututo ang ating mga mag-aaral at maging handa sila para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral,” he added.

Duterte earlier thumbed down fresh proposals to resume face-to-face classes in areas classified as low-risk for COVID-19 transmission.

Presidential spokesperson Harry Roque relayed the president’s decision not to allow any in-person classes until the vaccination program has been rolled out in the country.

Roque, however, said that face-to-face classes may be considered in August this year after the launch of the immunization drive.

A pilot test of limited face-to-face classes was supposed to be held by the government last January but was ordered suspended by Duterte due to increasing COVID-19 cases.

Duterte thumbs down fresh bid to resume in-person classes – Palace

Robie de Guzman   •   February 22, 2021

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte has rejected for a second time, proposals to resume face-to-face classes in the country amid the continuing threat of novel coronavirus disease (COVID-19), Malacañang said Monday.

“Nagdesisyon na po ang president ha, wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” Presidential Spokesperson Harry Roque said

“Ang sabi niya, ayaw po niyang malagay sa panganib o alanganin ang buhay ng ating mga mag-aaral at mga guro habang wala pa pong nababakunahan sa bansa,” he added.

Roque issued the statement after the Department of Education (DepEd) earlier expressed support for fresh bids to conduct a dry-run of in-person classes in areas classified as low-risk for COVID-19 transmission.

He, however, said that face-to-face classes may be considered in August this year after the launch of the COVID-19 vaccination drive.

“Sabi niya, may awa po ang Panginoon, baka naman po pagkatapos nating malunsad ang ating vaccination program, pwede na tayong mag-face to face sa Agosto lalong-lalo na dun sa mga lugar na mababa po ang COVID-19 cases,” he said.

A pilot test of limited face-to-face classes was supposed to be held by the government last January but was ordered suspended by Duterte due to increasing COVID-19 cases.

Education Secretary Leonor Briones last week said that a survey conducted by her agency showed that more than 50% of students were in favor of attending face-to-face classes.

Briones also said that the Philippines is also the only country in Southeast Asia that has yet to resume limited in-person classes to supplement distance learning modalities. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

Gatchalian pushes for educators’ academy institutionalization to boost teachers’ training

Robie de Guzman   •   February 18, 2021

MANILA, Philippines – Senator Sherwin Gatchalian on Thursday said he has filed a bill seeking the institutionalization of the National Educators Academy of the Philippines (NEAP), which serves as the Department of Education’s (DepEd) professional development arm, to help enhance the quality of teacher education and training in the country.

In filing Senate Bill 1887 or the Teacher Education Council Act, Gatchalian proposes to strengthen the collaboration between DepEd, the Commission on Higher Education (CHED), and the Professional Regulation Commission (PRC) to improve the quality of teacher education and training from pre-service to in-service.

Under the measure, the NEAP is mandated to guarantee that professional development activities are at par with the 21st century learning environment and linked with the career progression of teachers and school leaders.

While the 2021 national budget provides for seminars and trainings to help teachers cope with the new normal way of teaching, Gatchalian said that institutionalizing the NEAP will be part of long-term efforts to make the basic education sector more robust, inclusive, and resilient, considering the impact of the COVID-19 pandemic.

The transformation of NEAP is also part of DepEd’s initiatives on upskilling and reskilling teachers, one of the pillars of the national reform plan Sulong Edukalidad, which pivots focus from access to quality in education.

“Ang ating pagpapatibay sa National Educators Academy of the Philippines ay isa sa ating mga panukalang hakbang upang matiyak na tuloy-tuloy ang ating pagbibigay ng dekalidad na pagsasanay sa ating mga guro at school leaders upang maiangat ang kanilang mga kakayahan nang sa gayon ay maiangat din natin ang kakayahan ng ating mga mag-aaral,” Gatchalian said.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.