ALAMIN: Mga paraan upang maprotektahan ang bawat tahanan vs COVID-19

Robie de Guzman   •   April 1, 2020   •   1037

MANILA, Philippines – Sa ilalim ng ipinatutupad na enhanced community quarantine, limitado ang kilos ng mga tao at pinapayuhan ang lahat na manatili lamang sa bahay upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ngunit may mga pagkakataong kailangan mong lumabas ng bahay upang magtrabaho o kaya ay bumili ng mga pangunahing pangangailangan ng iyong pamilya.

Paano mo masisigurong sa iyong pagbalik ay hindi mo maipapasok sa inyong tahanan ang mapanganib na coronavirus?

  • Bago umalis, magdala ng alcohol o hand sanitizer.

Ipinapayo ng Department of Health (DOH) ang pagdadala ng alcohol o hand sanitizer kapag lalabas ng bahay. Gamitin ito na panlinis ng kamay kung walang magagamit na malinis na tubig at sabon sa paghuhugas ng kamay.

  • Habang nasa labas ng bahay, huwag hawakan ang iyong mukha.

Kung namimili o bumibiyahe, dapat iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at iba pang bahagi ng mukha lalo na kung may ibang bagay ka nang nahawakan. Ito ay upang huwag pumasok sa iyong katawan ang virus na maaaring nasa iyong kamay.

  • Hubarin ang sapatos bago pumasok ng bahay.

Pagkauwi, agad hubarin ang suot na sapatos at mag-spray ng alcohol sa swelas nito bago pumasok ng bahay. Mas maiging ilagay ang sapatos sa itinalagang lugar sa labas ng bahay o malapit sa pintuan.

  • Hubarin ang isinuot na damit at agad labhan.

Pagpasok sa loob ng bahay, hubarin ang iyong damit at ilagay sa hiwalay na laundry bag. Agad itong labhan gamit ang tubig, sabong panlaba at kaunting bleach.

Kung ikaw ay medical worker at galing ka sa trabaho sa ospital, mainam na mag-disinfect ka muna bago pumasok sa loob ng inyong bahay. Ito ay upang maprotektahan ang iyong pamilya mula sa mga mikrobyo.

Kung gumamit ng personal protective equipment (PPE) tulad ng gloves at face mask, sinabi ng DOH na dapat itong ilagay sa isang selyadong bag bago itapon sa hiwalay na basurahan. Tiyaking nakasara ang pinaglagyan ng PPEs sa loob ng 72 oras bago iwanan sa labas ng bahay upang makulekta.

  • Itabi sa isang lalagyan at linisin ang lahat ng gamit na dinala sa labas ng bahay.

Ilagay ang bag, susi, barya at iba pang gamit na dinala sa labas sa itinalagang lugar o kahon malapit sa pintuan.

Ayon sa DOH, dapat linisin ang mga ito pati na ang ginamit mong bag sa pamamagitan ng pag-spray ng bleach na may halong tubig o 70% alcohol solution.

  • Maglagay ng sanitizer sa pintuan ng bahay.

Upang masigurong wala kang maipapasok na mikrobyo sa inyong tahanan, ipinapayo ng DOH ang paglalagay ng alcohol o sanitizer malapit sa pintuan ng bahay at linisin muna ang kamay bago pumasok sa bahay.

Kung hindi pa nakakapaglinis ng kamay, huwag munang hawakan ang mga bagay sa loob ng bahay.

  • Agad maligo pagdating sa bahay.

Ayon sa DOH, dapat hugasan ng mabuti at sabunin ang lahat ng parte ng katawan na nakalantad sa ere tulad ng kamay. Kuskusin rin ng mabuti ang katawan.

  • Maglinis at mag-disinfect ng bahay

Ugaliing maglinis at mag-disinfect lalo na ng mga bagay na madalas hawakan sa inyong bahay gaya ng doorknob.

Bago simulan ang disinfection, magsuot ng gloves upang maprotektahan ang inyong kamay mula sa mga kemikal.

Sa pagdi-disinfect ng mga kasangkapan, maaaring gumamit ng karaniwang chemical disinfectants sa bahay tulad ng alcohol, at bleach o chlorine solutions. Ihanda ito sa isang well-ventilated na lugar.

Mag-ingat sa paggamit ng disinfectants at iwasang malagyan ang mga mata, bibig at balat. Basahin ring maigi ang instructions sa paggamit nito.

Tiyaking maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng chemical disinfectant.

Payo ng health experts, patuloy na gawin ang mga hakbang na ito upang maiwasang mahawa sa mga sakit lalo na sa COVID-19.

Ugaliin ring maghugas ng kamay, sumunod sa patakaran ng social distancing, takpan ang ilong at bibig kung uubo o babahing.

Kung may sakit, mas maiging magpahinga at huwag umalis ng bahay, Kung kailangang lumabas ay magsuot ng face mask upang mabawasan ang panganib ng pagpasok ng COVID-19 sa inyong tahanan.

Manila LGU buys 2,000 remdesivir vials for COVID-19 patients

Aileen Cerrudo   •   August 13, 2020

The Manila City government has acquired 2,000 remdesivir vials to treat coronavirus disease (COVID-19) patients.

Manila Mayor Isko Moreno Domagoso on Thursday (August 13) announced that the local government spent P13 million to purchase the vials from Mylan, the pharmaceutical firm that created remdesivir.

The mayor said the initiative aims to strengthen the city’s efforts to provide better medical treatment for COVID-19 patients confined in Manila’s district hospitals.

“Kung saka-sakali kakailanganin pa, bibili pa po tayo, mapangalagaan lang namin kayo, mapataas lang namin ang probabilidad na kapag kayo ay na-infect ng COVID-19, kayo ay mag-recover,” Domagoso said.

Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan also stressed that remdesivir will only be used in hospitals and added that the medication is not available over-the-counter.

“Sa ospital lang po ito ginagamit, hindi po ito sa bahay ginagamit, para po ito sa atin pong mga pasyente na mayroong mild, moderate or severe na mga sintomas,” Lacuna-Pangan said.

In a statement, the local government said the antiviral medication has been approved for use at the city’s six district hospitals by the Philippine Food and Drug Administration. AAC

Mandatory use of face shield in workplaces starts August 15 — DOLE

Marje Pelayo   •   August 13, 2020

MANILA, Philippines — Employees commuting to work will have to get used to wearing face shields not only in public transport but even inside their workplaces.

Following the Department of Transportation’s (DOTr) order of mandatory use of face shield in public transport in areas under general community quarantine (GCQ) and modified general community quarantine (MGCQ), the Department of Labor and Employment (DOLE) has ordered similar requirements in workplaces starting August 15, regardless of whatever community quarantine measure is in effect.

Such a measure is for added protection against coronavirus disease (COVID-19), DOLE said. 

According to Labor Secretary Silvestre Bello III, employees need not worry of the expenses as employers will be the one to provide them with a face shield. 

“This face shield is intended to prevent the transmission of the virus inside the workplaces kasi may findings ang Department of Health at saka  iyong mga medical expert na iyong contamination o iyong transmission hindi lang through nose or the mouth (following DOH’s findings and experts’ advise that the contamination or transmission does not only go through nose or the mouth),” Bello said.

Kasama rin ang tenga at ang mata, kaya para matiyak natin na walang transmission, walang hawahan ay bigyan na natin ang mga workers ng protective faceshield (It could be through the ears and eyes. To ensure that no transmission will occur, let us give our workers protective shields),” he added.

Bello said employers who will go against the order could face administrative liability which incurs warning or penalty depending on circumstances.

The Employers Confederation of the Philippines (ECOP) agrees with the directive.

Okay lang siguro iyon kasi mura lang naman saka reusable (I think that’s okay. It doesn’t cost that much and it’s reusable), so I think we’ll just encourage our [members] to comply, ” said ECOP President Sergio Ortiz.

Aside from mandatory face shield, the Inter-Agency Task Force (IATF) guideline restricts dining in groups and smoking in common areas of the building.

The Department of Health (DOH) has already set the suggested retail price (SRP) for each piece of face shield at P26 to P50 only.

The Department of Trade and Industry (DTI) said there is no reason to hoard as the country has enough supply of the protective equipment.

“Kasi marami tayong local manufacturers nito. Iyong mga nagrere-purpose from other products […] nagstart na gumawa ng face mask, PPEs, face shield. So marami tayong suplay hindi tayo mauubusan (We have local manufacturers. Those who are repurposing their production lines have started making face masks, PPEs, face shields. So we have enough supply. We won’t run out of [protective equipment]),” assured DTI Undersecretary Ruth Castelo. MNP (with details from Joan Nano)

FDA clarifies: Chinese medicine Lian Hua Qin Weng not registered as COVID-19 drug in PH

Aileen Cerrudo   •   August 13, 2020

The Food and Drug Administration (FDA) has clarified that the traditional Chinese medicine, Lian Hua Qin Weng, is not registered in the Philippines as a product for coronavirus disease (COVID-19).

Although Lian Hua Qin Weng is used as a COVID-19 treatment in China and other countries, it is not registered for the same purpose in the Philippines, according to FDA Director General Eric Domingo.

“Dito sa Pilipinas approved natin siya as traditional-use herbal product (Here in the Philippines, it is approved as traditional-use herbal product) that helps remove toxins, invasion of the lungs including symptoms such as fever, cold, muscle soreness, stuffy and runny nose. Kasi iyong mga traditional medicines ang tini-treat niyan symptoms, alleviate symptoms. Hindi talaga siya directed to one particular illness, (Because these traditional medicines treat or alleviate symptoms. It is not really directed to one particular illness),” he said.

On Wednesday (August 12), the Chinese Embassy released a statement describing Lian Hua Qin Weng as a treatment for moderate and mild cases of COVID-19 in China.

However, in the Philippines, Domingo said the medicine still needs to undergo clinical trials and cannot be labeled as a treatment for COVID-19.

Dito sa atin ang traditional medicine hindi natin siya ina-approve for particular illnesses […] hindi siya pwedeng i-label sa atin as treatment for COVID-19. Hindi siya pwedeng ibenta as that dito sa Pilipinas, (Here, traditional medicine is not approved for particular illnesses […] we cannot label it as treatment for COVID-19. It cannot be sold here in the Philippines as such),” he added.

The FDA official also explained that the medicine is a prescription drug and will not be sold over-the-counter. The FDA also warned the public not to buy Lian Hua Qin Weng online.

“Kailangan magpatingin sa doctor. Mag-reseta at pwede lang siyang ibenta sa mga licensed pharmacies or licensed retail outlets, (One needs to consult a doctor. A prescription is needed and the medicine can only be sold at licensed pharmacies or licensed retail outlets)” Domingo said. AAC (with reports from Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.