ALAMIN: Mga paghahanda bago magpabakuna kontra COVID-19

Marje Pelayo   •   February 24, 2021   •   238

MANILA, Philippines — Ang mga bakuna na lamang ang kulang upang maisakatuparan na ang vaccination program ng pamahalaan.

Halos lahat ng mga lokal na pamahalaan ay nakapagsagawa na ng mga dry run sa sistemang ipatutupad oras na magsimula ang pagbabakuna.

Tiniyak ng mga ito na wala nang aalalahanin ang publiko dahil libreng ibibigay ang mga bakuna.

Kinakailangan na lamang ang pagpaparehistro sa kanya-kanyang lokal na pamahalaan upang mabakunahan.

Ngunit nagbigay paalala ang mga doktor sa mga dapat gawin ng isang indibidwal upang maihanda ang sarili bago magpabakuna.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isa sa miembro ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH), mahalaga na maikondisyong mabuti ang pangangatawan ng isang taong tatanggap ng COVID-19 vaccine.

Una, dapat ay may sapat na tulog at nakakain ng maayos ang isang magpapabakuna.

Pangalawa, hindi nakaranas ng pag-ubo o lagnat sa nakalipas na tatlong araw bago ang takdang araw ng pagpapabakuna. Kung may sipon lamang ay maaring maituloy ang pagpapabakuna.

Pangatlo at pinaka-mahalaga sa lahat, dapat ay nakahanda ang kaisipan ng isang magpapabakuna at wala nang anumang agam-agam dahil maaring makaapekto ito sa pisikal na kondisyon.

“Talagang preparahan mo siya. Maganda ang (kalusugan) mo, walang sintomas, walang ubo, walang lagnat at saka ang importante dito ready ka sa pagbabakuna,” payo ng eksperto.

“Tanggalin mo rin ang takot mo dahil sa bakuna,  minsan kapag nandoon pa rin ang fear mo o hesitations, baka kapag ini-inject iyan may mga ganoong klaseng kliyente na kapag ini-inject, talagang natatakot. Baka mas lalong mag-manify ang side effects,” dagdag nito.

Paliwanag ni Dr. Solante, normal lamang na magkaroon ng side effects sa isang tao ang kahit anong bakuna.

Payo ng doktor, iwasan na uminom ng anomang gamot upang maibsan ang sakit na mararamdaman pagkatapos na mabakunahan at sa halip ay agad na kumonsulta sa doktor kung kinakailangan.

“Kadalasan kung meron kang lagnat kung sa tingin mo hindi kaya ng katawan mo very uncomfortable for you iinom ka ng Parecetamol. Pero kung kaya naman as much as possible, wala tayong inumin. Uminom lang ng maraming tubig tapos i-monitor,” payo ni Dr. Solante.

“Tapos ang medyo masakit kung saan tinuturok ang bakuna. Usually nawawala iyan within 48 to 72 hours,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na magkakaiba contraindications ng mga bakuna.

Gaya na lamang ng Pfizer-BioNTech na hindi pwedeng ibigay sa may mga allergy, maging sa mga buntis at breastfeeding mothers.

Ang Astrazeneca naman ay patuloy pang iniimbestigahan ang kaso ng mga elderly na namatay sa Norway matapos na mabakunahan nito.

Habang ang Sinovac ay hindi naman inirerekomenda na gamitin sa mga healthcare workers na madalas ma-expose sa mga pasyenteng may COVID-19. MNP (sa ulat ni Joan Nano)

Angel Locsin apologizes after senior citizen died while waiting in community pantry

Aileen Cerrudo   •   April 23, 2021

MANILA, Philippines — Actress Angel Locsin on Friday (April 23) apologized after a senior citizen died while waiting in line at the community pantry in Quezon City.

The actress admitted they were not able to control the huge crowd that waited in line.

She said the community pantry was supposed to open at 10:00 a.m. but they had to open a bit early as the volume of people who want to benefit from the community pantry began to rise.

There were also individuals who did not have a stub and, yet, cut in line.

Hindi lang po talaga nila ma-control ang mga tao. Hindi po ito ang gusto ko, nagsimula po kami ng maayos ang aming layunin pati ang pagpaplano ng social distancing nagkataon lang po talaga siguro na gutom lang po talaga na kahit wala pa sa pila sumingit na. Sa mga nagambala ko po dito pasensya na po hindi po ito ang intensyon ko (We were not able to control the crowd. This is not what I wanted, we started off good and we planned it out including the social distancing. It just so happends that there were a lot of people in need that they had to cut in line. To those I inconvenienced, I apologize. It was not my intention),” she said.

The senior citizen, 67-year-old Rolando Dela Cruz, fainted while he was in line in the community pantry. He was rushed to the hospital but was declared dead on arrival.

Barangay Holy Spirit Captain Chito Valmocina expressed concern over the lack of coordination between the local authorities and Locsin’s personnel.

Ang request nga nila dalawang tanod lang. Alas-dose na hindi pa natatapos ang 300 tsaka pa nila sinabi na talagang hanggang 300 lang (They only requested two barangay tanods. It was already 12:00 noon, they still were not done serving 300 [beneficiaries] when they said they will only accommodate 300 people),” Valmocina said.

Meanwhile, the Quezon City local government said they are ready to provide financial aid to the relatives of Dela Cruz.

The local government added that it still supports community pantries; however, the health and safety protocols should still be followed and organizers should fully coordinate with the local government to avoid a similar incident. AAC (with reports from Janice Ingente)

PH records 8,719 new COVID-19 infections

Robie de Guzman   •   April 23, 2021

MANILA, Philippines — The Philippines’ tally of novel coronavirus disease (COVID-19) cases has climbed to 979,740 on Friday after the Department of Health (DOH) reported 8,718 additional infections.

In its 4 p.m. bulletin, the DOH said the latest tally pushed the country’s total active cases to 102,799.

The agency noted that one laboratory failed to submit data on time.

Total recoveries climbed to 860,412 after 13,812 more patients recuperated from the viral respiratory disease.

The death toll rose to 16,529 with 159 new fatalities.

DOLE to hire 1,000 additional contact tracers for Metro Manila

Marje Pelayo   •   April 23, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Labor and Employment (DOLE) will hire up to 6,000 contact tracers to help in the government’s response against COVID-19.

Labor Secretary Silvestre Bello III said that from the initial 4,000 recruits, the government is now planning to hire 1,000 additional  contact tracers for Metro Manila.

Bello said DOLE  has allotted an additional P65 million for the mass hiring, bringing the program’s total budget to P295 million.

The official explained that such augmentation is necessary as the demand for contact tracers especially in Metro Manila has been high.

“Kailangang-kailangan talaga ng ating mga contact tracer lalong lalo na dito sa NCR at saka sa apat na bubble,” Bello said.

As of Thursday (April 22), the number of applicants for the position has reached more than 10,000.

Bello said training for the contact tracers will begin on Monday (April 26). Accepted applicants will start their duty on May 1.

Each contact tracer will receive a monthly salary of P16,000 or up to P45,000 for three months. MNP (with reports from Rey Pelayo)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.