ALAMIN: Kailan kailangan at hindi kailangan ang Travel Pass sa QC?

Marje Pelayo   •   May 21, 2020   •   4248

MANILA, Philippines – Naglabas ng panuntunan ang Quezon City government kaugnay ng pagkuha at paggamit ng travel pass sa nasasakupan ng lungsod sa ilalim nang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ). 

Kailan HINDI kailangan ang Travel Pass sa QC?

  • Kung papasok sa trabaho – Sapat na ang Company ID o Barangay Quarantine Pass (para sa mga self-employed)
  • Delivery Services – Anomang delivery, courier o cargos services
  • QC business – Muling pagbubukas ng negosyo kung ang establisyemento ay kabilang sa pinahihintulutan sa ilalim ng MECQ. Kung kinakailangan, maaring gamitin ang business permit na mula sa QC government.
  • COVID-19 responder or APOR (Authorized person outside residence – Sapat na ang health professional ID o anumang government -issued pass gaya ng IATF ID.

Kailan KAILANGAN ang Travel Pass sa QC?  

  • Kung ikaw ay magbabyahe mula sa Quezon City patungo saan mang local government unit (LGU) sa kadahalinanang ‘indespensable’ o ‘emergency’. 
  • Kung ikaw ay hindi residente ng Quezon City na nagnanais makapasok sa lungsod sa ano pa mang kadahilanan

Maaring mag-apply ng QC travel pass sa pamamagitan ng pagpapadala ng aplikasyon sa email address na travelpass@quezoncity.gov.ph

Mga kailangan sa pagkuha ng Travel Pass:

  • Request letter na naka-address sa Office of the Quezon City Administrator na naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:
    • Contact number
    • Place of Destination
    • Place of Origin
    • Date of travel
    • Reason for Travel
    • Vehicle Model/License No.
    • Driver’s Name
    • Passenger’s name
  • Kopya ng alinmang government-issued ID na may litrato ng requester.
  • Health clearance mula sa isang lisensyadong doktor

Para sa iba pang mga katanungan, tumawag lamang sa City Administrator’s office sa 9884242 loc. 1106 at 8405.

QC implements preemptive evacuation in low-lying, landslide-prone areas

Maris Federez   •   October 31, 2020

QUEZON CITY, Philippines — The city’s local government has implemented a preemptive evacuation in low-lying and landslide-prone areas on Saturday afternoon.

An advisory issued earlier said the move was in preparation for the onslaught of Typhoon Rolly to ensure zero casualty in the entire city.

These landslide-prone barangays include Bagong Silangan, Bagumbayan, Batasan Hills, Blue Ridge A and B, Commonwealth, Culiat, Escopa, Fairview, Holy Spirit, Kaligayahan, Libis, Loyola Heights, Matandang Balara, Pansol, Pasong Putik, Pasong Tamo, Payatas, Sta. Monica, St. Ignatius, Sta. Lucia, Ugong Norte, UP Campus, and White Plains.

The low-lying barangays covered in the preemptive evacuation, on the other hand, are Apolonia Samson, Bagong Silangan, Dona Imelda, Mariblo, Masambong and Roxas.

The local government urges affected residents to coordinate and cooperate with the authorities in the said preemptive measure. —/mbmf

Checkpoint at travel pass, ipatutupad pa rin sa ilang lugar – PNP

Robie de Guzman   •   October 19, 2020

MANILA, Philippines – Hindi pa rin ititigil ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng checkpoint at travel authority pass sa ilang lugar sa bansa kahit pinayagan na ang paglabas ng mas maraming tao sa gitna community quarantine.

Ayon kay police Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa desisyon ng mga lokal na pamahalaan kung papayagan ang paglabas at pagbiyahe ng mga taong hindi kabilang sa authorized persons outside of residence (APOR) at locally-stranded individuals kasunod ng desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa paglabas ng tahanan ng mga nasa edad na 15 hanggang 65 taong gulang.

Una nang sinabi ni League of Provinces of the Philippines head, Marinduque Governor Presbitero Velaso na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng quarantine rules para sa kapakanan ng kanilang constituents laban sa coronavirus disease.

Sa kabila nito, sinabi ni Eleazar na hindi isinasantabi nila ang posibilidad na may mga lugar na nais nang alisin ang travel restrictions para makabangon ang lokal na ekonomiya.

Pero hangga’t hindi aniya inaalis ang travel restrictions ay mananatili ang checkpoint at paghahanap ng travel pass sa mga checkpoint bilang requirement sa mga uuwi o bibiyahe sa mga probinsiya.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang police ground commanders sa mga lokal na pamahalaan upang alamin kung may mga pagbabago sa ipinatutupad na travel protocol policy.

“Ibig sabihin noon, kapag ang isang probinsya ay wala nang restriction, hindi na kailangan ng travel authority kung pupunta doon,” ang pahayag ni Eleazar.

Payo naman ng opisyal sa publiko na alamin ang panuntunan ng mga bayang pupuntahan o dadaanan bago ang kanilang biyahe upang maiwasan ang aberya.

“Dahil kung ang pupuntahan niyo o yung dadaanan niyo, alin man don ay restricted pa din like nagre-require ng travel authority ay kailangang mag secure kayo ng kanilang requirement,” ang wika ni Eleazar. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)


MECQ in Lanao del Sur, GCQ in Metro Manila, five other areas starting October 1

Marje Pelayo   •   September 29, 2020

MANILA, Philippines — Starting Thursday (October 1), new quarantine classifications will take effect across the country and will remain for a duration of one month, as announced by President Rodrigo Duterte in his late night public address Monday (September 28).

The President approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force to place under modified enhanced community quarantine (MECQ) areas in the province of Lanao del Sur including Marawi City from October 1 to 31. 

Meanwhile, six areas in the country will be placed under general community quarantine (GCQ) after the end of September.

These include Metro Manila, Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City and Iloilo City.

The rest of the country will be placed under modified general community quarantine (MGCQ).

The President said he is pleased with how the local governments are responding to the crisis brought about by coronavirus disease (COVID-19).

He reiterated the national government’s readiness to respond and continue its services especially in the face of a pandemic despite the criticisms.

Mga kababayan ko, wag kayong masyadong maniwala diyan sa mga atake-atake (My countrymen, don’t listen to the attacks too much). It would just muddle up your mind,” he said.

Nandito kami (We are here). Our purpose is to serve and to work, if we cannot serve, and if we cannot work, then we might as well get out of the government as ask somebody else to take over,” the president concluded. MNP (with reports from Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.