AFP modernization, reporma para sa kapayapaan at seguridad kabilang sa mga legacy ng administrasyong Duterte – DND

Robie de Guzman   •   July 21, 2021   •   267

MANILA, Philippines – Ang modernisasyon at pagpapalakas sa kapasidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa umano sa mga maituturing na pinakamalaking pamana ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, maraming nabiling military assets sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang aniya rito ang dalawang missile capable frigates, anim na close air support aircrafts, at 16 na combat utility helicopters.

“The biggest accomplishment or legacy that will be left by President Duterte in the defense department is procurement of military assets. We had a lot of assets procured during his time,” ang wika ni Lorenzana sa pre-SONA forum na ginanap sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules, Hulyo 21.

Ayon sa kalihim, ginagamit na ang mga biniling military asset sa air at sea patrol operations ng bansa upang masugpo ang mga iligal na gawain gaya ng smuggling at kidnapping na kadalasan noong napapaulat sa Mindanao.

Mula sa labing-anim na insidente ng pagdukot sa karagatan noong 2016 ay bumaba umano ito sa isa noong 2020, sa tulong na rin ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa ibang bansa.

“Naging mabunga rin ang ugnayan at pakikipagtulungan natin sa iba’t-ibang bansa sa loob at labas ng rehiyon. Dahil sa trilateral cooperative arrangement natin sa Indonesia at Malaysia mabilis nating napababa ang mga insidente ng kidnapping at iba pang krimen sa karagatan ng Sulu,” ani Lorenzana.

Pagdating naman sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng komunista, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na 84 porsiyento ng mga lokal na pamahalaan sa bansa ang nagdeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang persona non grata.

Aabot naman sa 2,965 communist terrorists ang napatay sa mga engkwentro kung saan 80 rito ay matataas na opisyal umano ng grupo.

Nalansag rin ang nasa 24 Guerilla fronts sa bansa at nabawasan ang mga miyembro ng mga komunista matapos sumuko o mahuli ng mga otoridad.

“As part of our reintegration program former rebels are given a comprehensive package, benefits and assistance,” ani Esperon.

Dahil dito, naniniwala si Lorenzana na hindi na magiging malaki ang banta ng CPP-NPA sa mga susunod na panahon.

Samantala, pagdating naman sa takbo ng justice system sa bansa, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra natumaas ng 49.46 percent ang conviction rate o nadesisyunang mga kaso sa bansa nitong nakaraang taon.

Mas mataas ito kaysa 20.40 percent noong 2016 at 41.74 noong 2018.

Samantala, ang backlog ng mga kaso na nakarating sa DOJ National Prosecution Service ay bumaba ng 29.5 percent nitong 2020 mula sa 49.80 percent noong 2016.

Kabilang ngayon sa hamon sa DOJ ay ang pag-review sa nasa 6,000 drug cases sa bansa

“And if time will permit, we will also take a look at the more than 6,000 cases which are also investigated by the PNP-IAS but the respondents were exonerated for insufficiency of evidence. Itong naunang 52 cases may finding ng administrative liability ang PNP Internal Affairs Service, so ‘yon ang uunahin namin dahil may nakita na sila dun,” ani Guevarra.

Sa huli, naniniwala ang security, justice at peace cluster ng pamahalaan na pasado ang pangulo sa kanyang mga hakbang sa pagtugon sa mga usapin sa mga nasabing sektor. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Duterte inaugurates Sariaya Bypass Road

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

President Rodrigo Duterte has inaugurated the 7.42-kilometer long Sariaya Bypass Road in Quezon Province.

In a speech after unveiling the marker on the new road on Thursday, Duterte said the completion of the project affirms the administration’s “strong commitment to improve the quality of life of Filipinos by pursuing strategic infrastructure projects across the country thereby improving connectivity and mobility, creating jobs, and dispersing economic activity throughout the regions.”

“It will likewise spur the growth of industries and business opportunities in the area, thereby boosting the socio-economic development of Quezon Province and improve the lives of the people,” Duterte said.

“As we continue to overcome the current pandemic and carefully reopen our national and local economies, infrastructure development will play a vital role in our success,” he added.

The bypass road is seen to provide faster and safer travel for motorists and will also allow efficient transport of goods to and from the markets in Southern Luzon, the President said.

The road could also lessen the traffic volume along Daang Maharlika from Sariaya to Lucena City by 40 percent.

Stretching from the Manila South Road Daang Maharlika to the Quezon Eco-Tourism Road, the Sariaya Bypass Road is expected to cater to around 15,000 motorists and commuters daily going to the different provinces in the Southern Tagalog Region.

At the same time, it is seen to spur economic and social development through efficient transportation, improved road safety and enhanced business opportunities in Quezon Province.

The Sariaya Bypass Road is one of the flagship projects of the Department of Public Works and Highways (DPWH) under the administration’s Build, Build, Build Program.

Duterte urges public not to be choosy with COVID-19 vaccine brands

Aileen Cerrudo   •   October 20, 2021

MANILA, Philippines—President Rodrigo Duterte urged the public anew not to be choosy with coronavirus disease (COVID-19) vaccine brands.

During his Talk to the People on Tuesday night (October 19), Duterte expressed optimism over developments in the country’s vaccine supply as the government moves to build herd immunity.

However, he reminded the public to remain vigilant by continuing to follow health protocols; get vaccinated and avoid being choosy with vaccine brands.

“Do you know, if these vaccines that we have been giving to the population are not really effective and right, marami nang patay ngayon (many people would’ve been dead by now),” he said.

The president reiterated that the national government is trying hard to fight against the pandemic, and expressed his gratitude to other nations that provided aid to the Philippines.

“We’ve been trying hard, really hard to fight. [This] COVID program nakatutok kami lahat dito (we are all focused on this). I’d like to thank everybody who have really contributed to what we are now seeing,” he said. AAC

Pangulong Duterte sa mga ayaw magpabakuna vs COVID-19: ‘Turukan habang tulog’

Robie de Guzman   •   October 12, 2021

MANILA, Philippines – Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 upang agad nang maabot ng bansa ang minimithing herd protection laban sa nakakahawang sakit.

Ginawa ng pangulo ang apela sa gitna ng marami pa ring bilang ng mga Pilipinong ayaw magpabakuna sa kabila ng pagdating ng mga suplay sa bansa.

 Kung ayaw magpabakuna, sinabi ng pangulo na dapat hanapin ang mga ito sa bawat barangay at “turukan habang tulog.”

“Alam ko marami pang ayaw eh. Iyan ang problema ‘yung ayaw, ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin ‘pag tulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ‘yung istorya. Eh kung ayaw, eh ‘di akyatin sa bahay eh, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano — I will lead the journey,” ang wika ng pangulo sa kanyang recorded na Talk to the People noong Lunes ng gabi.

Sa ngayon ay pinalalawak na ng pamahalaan ang coverage ng mass vaccination sa bansa.

Sa Biyernes, Oktubre 15, ilulunsad na ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 na may co-morbidities saw along ospital sa Metro Manila.

Sinisimulan na rin ang pagbabakuna sa general adult population sa ilang lugar.

Nasa 23 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 26 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose mula nang simulan ang vaccination program noong buwan ng Marso.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.