Abandonadong gusali sa Maynila, nasunog

admin   •   January 7, 2015   •   3506

Ang bahaging nasusunog sa dating gusali ng CCM o City Colleges of Manila nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

Ang bahaging nasusunog sa dating gusali ng CCM o City Colleges of Manila nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagtulung-tulong ang iba’t ibang bumbero upang apulahin ang apoy na tumupok sa isang abandonadong gusali sa Escolta Street, Binondo, Maynila, mag-aalas-tres ng madaling araw ng Miyerkules.

Dating City College of Manila ang labing-apat na palapag na gusali at ngayon ay binabantayan na lang ng security personnel ng city government.

Ayon kay Emmerson Narciso, guard on duty, nakakita siya ng usok sa ibabang bahagi ng building.

Aniya, “Nung makita ko lumabas ako nag-motor ako at tumawag ng bumbero.”

Mabilis namang itinaas sa Task Force Bravo ang sunog, nang umakyat na ang apoy sa ika-siyam na palapag ng gusali.

Inalis din ang mga fire truck dahil sa mga bumabagsak na debris ng gusali.

Ayon kay F/SSupt. Anderson Comar, Deputy Director for Operation ng BFP-National Capital Region, iniwasan ng mga pamatay sunog na madamay pa ang katabing establisyimento kaya ginawa nila ang confined fire procedure.

Pinaresponde na rin ang mga fire truck na may mga ladder dahil hindi na kaya ng mga pangkaraniwang fire truck ang mataas na bahagi ng nasusunog na gusali.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano at saan nagsimula ang apoy, habang patuloy ring inaalam ang kabuoang halaga ng natupok na ari-arian. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV Fire Brigade, tumulong sa pagresponde sa sunog sa Novaliches QC

UNTV News   •   March 17, 2015

Ang pag-apula ng Bureau of Fire Protection sa apoy mga kabahayan sa bandang Novaliches nito Martes ng madaling araw katuwang ang iba’t-ibang fire volunteers tulad ng UNTV Fire Brigade. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Isa ang UNTV Fire Brigade sa mga rumesponde sa nangyaring sunog sa Novaliches, Quezon City pasado alas-dose kaninang madaling araw, Martes.

Isang residential area sa Margarita St., Barangay Gulod ang mabilis na tinupok ng apoy na umabot sa ikatlong alarma.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ni Julita Latona at hinihinalang napabayaang upos ng sigarilyo ang sanhi ng sunog.

“Ina-advide lagi ng Bureau of Fire Protection na sana po pag naninigarilyo sila, bago sila matulog ay huwag silang manigarilyo kasi mamaya baka pagmulan pa ng sunog,” panawagan ni F/Supt. Jesus Fernandez, Fire Marshal ng BFP-QC.

Yari sa light materials ang mga bahay kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Sa ulat ng BFP, 12 mga bahay ang nadamay sa sunog at tinatayang aabot sa 200-libong piso ang halaga ng naabong ari-arian.

Umabot rin sa 20 pamilya ang naapektuhan ng sunog; lima ang sugatan at dalawang magkapatid ang kumpirmadong nasawi matapos ma-trap sa banyo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rayniel Perez, 18 anyos, at Michelle Perez, limang taong gulang.

Naideklarang fire out ang insidente makalipas ang isang oras. (UNTV News)

80 pamilya naapektuhan ng sunog sa Sampaloc, Maynila

UNTV News   •   March 5, 2015

Ang mga residente sa bahagi ng Blumentritt Road corner Sto Tomas Street sa Sampaloc, Manila habang nasusunog ang ilang kabahayan sa lugar na ito nitong umaga ng Marso 4, 2015. (Rovic Balunsay / Photoville International)

MANILA, Philippines – Walumpong pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na umabot sa 4th alarm sa may Susan St. sa Sampaloc, Maynila, ala-7:56 ng umaga ngayong Miyerkules.

Nagsimula ang sunog sa isang 2-storey apartment at nadamay ang ilan pang kalapit na bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng problema sa linya ng kuryente ang sanhi ng sunog.

“Most probably kasi ang pinagmumulan ng sunog nga yung mga electrical, electrical wiring kaya dapat ang ating mga kuryente dapat laging tsini-check yan, monthly check up,” pahayag ni Fire Insp. Efren Bereña, Commander ng BFP Sub Station Sampaloc.

“Sabi katulong lang daw naiwan diyan, umusok na raw tapos umiiyak lang yata tapos nung lumabas malaki na yung apoy,” saad naman ni Edgardo Roque, may-ari ng apartment.

9:49 na ng umaga nang tuluyang maapula ang apoy kung saan aabot sa P1.5 million ang halaga ng pinsala ng sunog.

Samantala, pansamantala namang nanatili sa gilid ng kalsada ang mga residenteng apektado ng sunog.

Nagtayo ng tent ang mga tauhan ng barangay upang mayroon silang pansamantalang masisilungan.

Ayon sa isa sa mga nasunugan na si RJ Samson, “Ok naman po kami pero wala lang po talaga kaming nalabas na gamit.”

“Maghahanap na po kami ng titirhan na iba. Wala pa nga kaming 1 year diyan, wala pa kaming 1 year tapos ganyan ang nangyari,” pahayag naman ni Marjie Canapia.

Paalala naman ng Bureau of Fire Protection ngayong fire prevention month na kailangan ang ibayong pagiingat upang makaiwas sa sunog. (Victor Cosare / UNTV News)

Mahigit 20 pamilya, nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy sa Bacolod city

admin   •   September 3, 2014

Mahigit 20 pamilya, nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy sa Bacolod city kahapon ng tanghali, Martes (UNTV News)

BACOLOD CITY, Philippines — Umaabot sa 20 bahay ang tinupok ng apoy sa Bacolod city kahapon ng alas dose y media ng tanghali, araw ng Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng kinilalang Omi at Botchoy Pitogo  sa Barangay 39,  Bacolod city.

Hindi parin matukoy ang tunay na sanhi ng sunog.

Sa poste gid naglupok ang kalayo, amo to nagdamo ang kalayo kay wala man sang may nagtawag bomber (Translation : Sa poste talaga nagmula ang apoy, ayon kumalat kasi di agad nakatawag ng bumbero),” saad ng isang saksi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang bahay na gawa sa light materials.

Wala namang nasaktan o nasawi sa sunog na ideneklarang under control pasado ala-una ng hapon. (UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+63) 396-8688 (Tel)

(+63) 2 920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+63) 396-8688

ADVERTISE WITH US

(+63) 2 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.