600 establishments await Safety Seal Certificate — DTI

Marje Pelayo   •   June 11, 2021   •   671

MANILA, Philippines — The Department of Trade and Industry (DTI) said there are still some 600 business establishments awaiting issuance of a Safety Seal certificate to be able to resume operations amid the COVID-19 pandemic.

“Over 150 establishments have been approved (for safety seal certificate), and there are 600 pending for inspection. The process is ongoing as we speak,” DTI Secretary Ramon Lopez said Friday (June 11) during the regular Laging Handa briefing.

Establishments deemed compliant with the minimum health standards for the prevention of COVID-19, are given a Safety Seal certificate.

“Kailangan magpa-safety seal sila para lang masigurado that they are complying with the minimum health protocols. Especially kung indoors, very important kasi ngayon iyong ventilation,” Lopez said.

The official said among establishments that the DTI inspected, around 105 have been denied the safety seal.

“Pero hindi naman ibig sabihin na forever na hindi sila makakakuha. Pinapa-comply lang sila sa minimum health standards,” Lopez said.

Under the Joint Memorandum Circular 21-01 Series 2021 signed by the DTI, Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of the Interior and Local Government , and the Department of Tourism (DOT), a Safety Seal shall apply to selected public places and government offices as well as private business establishments.

It shall be displayed on strategic spots at the entrance of establishments.

Establishments that are covered by DTI are supermarkets, groceries, membership shopping and convenience stores, construction supply or hardware stores, barbershops and salons, and service shops.

 

Nasa 3 milyong manggagawa, posibleng hindi makatanggap ng 13th month pay — employer group

Maris Federez   •   October 12, 2021

MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa tatlong milyong manggagawa mula sa formal sector ang nanganganib na hindi makatanggap ng 13th month pay ngayong taon.

Ayon sa presidente ng Employer Confederation of the Philippines na si Sergio Ortiz-Luis, Jr., marami sa mga maliliit na negosyo ang patuloy na nahihirapan sa gitna ng pandemya.

“Kalahati ng micro nagsara na, wala namang 13th month pay kung nagsara na. Ang natitirang kalahati ang nanganganib na hindi makapagbigay,” ani Ortiz-Luis.

Kinausap na aniya nila ang Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry ukol sa problema na ito.

Ayon kay Ortiz-Luis, naghahanap na ng paraan si DTI Secretary Ramon Lopez para magkaroon ng pondo at maipautang sa mga maliliit na negosyo para may maipambayad sa kanilang mga manggagawa sa katapusan ng taon.

“At mukhang malaking tiyansa na makagawa ng facility para yung mga walang pambayad — gustong magbayad ng 13th month pay— makautang sila na, hopefully, walang interest. At least one year to pay.  Iyon sana gusto kong mangyari,” dagdag pa niya.

May natatanggap na ring reklamo mula sa mga manggagawa ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP ukol sa isyu ng pagbibigay ng 13th month pay.

“Nagpa-abot na ng notice sa amin dahil sinasabihan daw sila ng kanilang mga supervisor na nagpaparinig sa kanila at sinasabi na baka hindi sila mabigyan ng 13th month pay this year dahil nga hirap na hirap ang kumpanya na maka-recover,” ayon sa tagapagsalita ng ALU-TUCP na si Alan Tanjusay.

Ani Tanjusay, maaari namang mag-usap ang employer at employee para sa installment ng benepisyo kung wala talagang maipambabayad ang mga kumpanya.

“Magkasundo sila kung paano yung installment, hanggang kailan yung installment, ilang installment babayaran yung 13th month pay,” dagdag pa ni Tanjusay.

Isinusulong din ng grupo na magkaroon ng pautang ang pamahalaan sa mga negosyante para mapunan ang pagbabayad ng 13th month pay na mandato ng kumpanya sa ilalim ng umiiral na batas. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Nel Maribojoc)

Hiling na dagdag-presyo sa ilang holiday food items, pinag-aaralan pa – DTI

Robie de Guzman   •   October 12, 2021

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng ilang manufacturer na taasan ang presyo ng ilang produkto na kalimitang ginagamit kapag holiday season.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kabilang sa holiday food items na posibleng tumaas ang presyo ay ang ham, tomato sauce, at cream products.

“Siyempre kasi yung packaging iyan eh. Alam naman natin, tumaas na yung presyo ng tin can dahil global prices yan. So, tumaas ang presyo ng packaging nila and other cost components,” ani Castelo.

Ngunit ayon sa DTI, kailangang isaalang-alang sa pagtataas ng presyo ang kakayahan ng consumer sa pagbili ng mga nabanggit na produkto.

Kaya papakiusapan rin ng kagawaran ang mga manufacturer na gamitin pa rin ang 2019 suggested retail price gaya nang ginawa noong December 2020.

“So, we’ll see if we can keep that. Kung hindi, mag-a-adjust sila siguro ng kaunti. Ang request natin sa manufacturers, to keep the adjustment at the absolute minimum,” ani Castelo.

Tutol naman ang grupong Laban Konsyumer sa hiling na dagdag-presyo dahil bukod sa krisis dulot ng pandemya ay tuluy-tuloy rin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Kung gusto talaga nilang mag-generate ng benta even during the pandemic, ang mabuti status quo na lang muna ang presyo doon sa mga Noche Buena products sa halip na taasan pa,” ang wika ni Atty. Victorio Dimagiba, pinuno ng grupong Laban Konsyumer.

Payo naman ng DTI sa mga mamimili, agahan ang pamimili ng holiday food items habang hindi pa tumataas ang presyo ng mga ito.

 

Indoor dining, personal care services for fully vaccinated individuals, not discriminatory — DTI

Marje Pelayo   •   September 15, 2021

MANILA, Philippines — Metro Manila will be placed under Alert Level 4 starting Thursday (September 16).

Under the said classification, indoor dining  in restaurants and personal care services will be allowed for fully vaccinated individuals at 10% limited capacity.

Reacting to critics, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez said such measure does not intend to discriminate.

“Bawal ito in the first place, itong tatlong sektor na ito: dine-in, personal care, pati iyong pagpunta sa simbahan. Bawal po pero binigyan ng kaunting puwang doon sa vaccinated lang. So, it’s more of an incentive, hindi po ito discrimination,” Lopez explained.

“But all other areas na puwede po, open naman siya. Hindi po natin binabawalan ang unvaccinated. Iyon po iyong kakaiba nito kaya hindi po siya discriminatory,” he added.

Under Alert Level 4, thirty percent (30%) capacity is allowed for al fresco dining or outdoor dining spaces and eateries, personal care establishments like barber shops, spas, beauty salons as well as in-person religious gatherings.

Fully vaccinated individuals should present their vaccination cards for indoor services in the said industries.

“Iyong validation is really showing the LGU vaccination card. So, iyon ang paraan natin ngayon. Of course, may ongoing effort ngayon na mayroon na tayong isang uniform vaccine certificate sa VaxCertPH pero mag-i-input pa doon ang ating mga kababayan,” the Trade Secretary noted.

“But for now, they can use the LGU-issued vaccination card,” he added.

Due to policy shift, Lopez is confident that hundreds of workers will now be allowed to resume their jobs in Metro Manila. MNP (with reports from Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.