5 Abu Sayyaf bandits killed, 2 soldiers hurt in Zamboanga Sibugay clash

Robie de Guzman   •   September 9, 2020   •   1318

MANILA, Philippines – Five suspected members of the Abu Sayyaf Group (ASG) were killed and two soldiers were injured in an encounter between the government troops and the terrorist group in Zamboanga Sibugay on Wednesday (September 9).

Lieutenant Colonel Don Templonuevo, commander of the 44th Infantry Batallion said the clash happened during a joint military and police pursuit operations in Barangay Pres. Roxas, RT Lim in Zamboanga Sibugay around 2 a.m.

Templonuevo said the encounter was the result of their pursuit operations against armed elements of Abral Abdusalam and Sahibad group led by Furuji Indama, an ASG leader based in Basilan.

The clash follows an earlier gun battle between the military and the local terrorist group in Barangay La Paz, Alicia in Zamboanga Sibugay on Sept. 6, he added.

The military said government troops were also able to recover four high-powered firearms after the 30-minute clash against the 10 Abu Sayyaf Group member.

Pursuit operation against the ASG is still on-going.

Brig. Gen. Leonel Nicolas, Commander, 102nd Infantry Brigade, said the group was supposedly planning to conduct kidnapping activities in the region based on information they received from a reliable source.

“The unit would also like to thank the locals who tipped-off the authorities of the presence of these terrorist groups which resulted to the timely response of our troops,” Nicolas said.

Meanwhile, the two wounded soldiers, whose identities are yet to be disclosed, were airlifted to Camp Navarro General Hospital, Zamboanga City for proper medical attention.

Both soldiers are now in stable condition, the military reported.

Publiko, binalaan vs investment scheme sa social media

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko laban sa investment schemes na kumakalat ngayon sa social media.

Sa panayam sa programang Get it Straight with Daniel, sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) spokesperson Police Captain Mark Nobre may mga natatanggap silang reklamo ukol sa online investment scam at marami sa mga nabibiktima nito ay overseas Filipinos workers.

Ngayong taon, umaabot na sa 1,544 ang kaso ng online scams na kanilang naitala.

Pakiusap ng PNP-ACG sa publiko na agad isumbong sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng investment schemes na nakikita nila sa social media sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanilang Facebook page.

“Karamihan din po ng mga kababayan natin, mayroon din po kaming actually natatanggap na information pagdating sa ganiyan, and nakatutulong po ito sa aming mga investigation and sa case build up,” ani Nobre.

“Malaking tulong po yun na kahit ayaw ninyo pong mag-complaint, malaking tulong pong magsend po kayo ng message sa inbox namin and magbigay po kayo ng information dun,” dagdag pa niya.

Kung nabiktima naman ng online scams o cybercrimes, maaaring magreklamo sa pamamagitan ng email e-sumbong@pnp.gov.ph o cellphone number 0916-829-8083.

Kailangang magsadya sa tanggapan ng PNP-ACG upang ismute ang mga ebidensya tulad ng resibo o patunay na nagbigay ng pera gayundin ang sinumpaang salaysay. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

PNP to run after political aspirants with links to crime groups

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine National Police (PNP) on Friday vowed to run after political aspirants who are involved in illegal activities.

PNP chief Police General Guillermo Eleazar issued the statement following the arrest of a mayoral candidate in a Maguindanao town for drug-related charges.

“I am reiterating my warning against political aspirants with connections to criminal groups, you will be arrested. The PNP will stop you from using your guns and goons to try to steal the elections from our kababayan,” Eleazar said in a statement.

Operatives from the police, the military and the Philippine Drug Enforcement Agency nabbed 52-year-old Tom Nandang, also known as Datukon Nandang, who is running for mayor of Northern Kabuntalan town in Maguindanao.

Authorities were able to recover around P5 million worth of suspected shabu from the suspect and a cal. 45 pistol.

The suspect is under the custody of PDEA while drug-related charges are being readied against him.

Eleazar said that Nandang’s arrest is proof of the PNP’s commitment to run after lawless elements, including persons aspiring for elective posts, who will act as peace spoilers during the election period.

“I commend our operatives who carried out this operation for heeding to my call to monitor the illegal drugs activities of some erring candidates in order to ensure that drug money will not be used to fund their bid for the 2022 local and national elections,” he said.

Eleazar tasked the local police to conduct further probe on Nandang’s illegal activities to identify his possible cohorts and establish the scope of his drug operations.

He also assured the public that the PNP will go after so-called narco-politicians who may use their connections to win their desired posts in the upcoming elections.

“Hindi titigil ang inyong PNP sa pagtugis sa mga narco-politicians at iba pang mga pulitiko na may kinalaman sa mga criminal groups. We will not allow them to use their illegal connections to undermine our democratic process,” he said.

Seguridad sa mga mall, pinahihigpitan ng PNP-SOSIA dahil umano sa banta ng terorismo

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) Supervisory Office on Security and Investigation Agency (SOSIA) ang paghihigpit sa inspeksyon sa mga pumapasok sa mall dahil umano sa banta ng terorismo.

Ayon kay PNP-SOSIA Enforcement and Management Division Officer-in-Charge Police Colonel Arnel Ramos, ang kautusan ay kasunod ng natanggap nilang impormasyon hingil sa umano’y planong pag-atake ng mga local terrorist group.

“Pinaaalalahanan natin yung mga security agencies na lagi nilang i-check yung mga tao nila na naka-post dahil nga minsan ay nakakalusot yung mga kasamahan natin na nagpapanggap bilang sibilyan na nagdadala ng mga baril, granada o whatsoever na pwedeng maipasok sa loob para gumawa ng hindi maganda,” ani Ramos.

Simula aniya nang magkaroon ng pandemya ay ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagkuha ng body temperature ang binabantayan ng ilang security guards sa mga mall entrances.

Kaya ang payo ng PNP-SOSIA, mas paigtingin ang alerto upang agad mapigilan ang anomang banta sa seguridad.

Binilinan rin ang mga guwardiya na tumawag sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sakaling makasabat ng mga patalim, baril, at kahina-hinalang bagay gaya ng wiring, o sangkap sa paggawa ng bomba.

Ngayong holiday season, mahigpit ding ipagbabawal ng PNP-SOSIA ang pagsusuot ng iba’t ibang costume ng mga security guard.

“Kailangan they should be in complete and prescribed uniform para makilala sila at ma-identify na security guards kasi yung iba rito pwedeng gumawa ng hindi maganda especially mga holdupper or groups of organized crimes ay pwede nilang gayahin ito para maisakatuparan ang kanilang mga gagawin na hindi karapat-dapat,” ani Ramos.

Babala ng PNP-SOSIA, isasailalim sa imbestigasyon at posibleng matanggalan ng lisensiya ang sinomang security guard na mahuhuling lalabag sa polisiya. Maaari ding madamay sa parusa ang security agency nito.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.