4Ps beneficiaries na fully vaccinated na vs COVID-19, bibigyan ng insentibo — DSWD

Robie de Guzman   •   December 1, 2021   •   296

MANILA, Philippines — Makatatanggap ng dagdag na insentibo ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, nakatakdang maglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng programa.

“The president will issue an executive order on how to grant incentives to the members of 4Ps once they submit themselves for vaccination without violating the regulations governing the program,” ang pahayag ni Bautista nang bumisita ito sa isang vaccination center sa Zamboanga City noong Martes.

Hindi binanggit ng opisyal kung anong insentibo ang ibibigay sa 4Ps beneficiaries.

Ayon sa DSWD chief, mas marami na ngayong 4Ps beneficiaries ang interesado nang magpabakuna matapos magsagawa ng information drive ang pamahalaan kaugnay ng hakbang.

“We explained to them that they really need to be vaccinated against coronavirus disease during the conduct of the family development sessions,” ani Bautista.

DOTr, MMDA magsasagawa ng 5-araw na mobile vaccination drive sa PITX para sa commuters, PUV workers

Robie de Guzman   •   January 20, 2022

Nakatakdang magsagawa ng mobile COVID-19 vaccination drive sa susunod na linggo ang Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na idaraos ang limang araw na aktibidad sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Enero 24 hanggang 28.

Ang vaccination drive na tinaguriang “We Vax as One: Mobile Vaccination Drive,” ay para sa mga pasahero at transport workers ng PITX nan ais magpaturok ng COVID-19 vaccine at boosters.

Ayon sa DOTr, AstraZeneca vaccine brand ang ibibigay bilang first, second, o booster doses. Bibigyan din ng prayoridad ang mga tatanggap ng booster shots.

Nasa 500 bakuna ang target na maibigay rito kada araw.

Nagbigay ang Parañaque City government ng first batch ng mga bakuna para sa vaccination drive, habang ang natitirang kailangang dose ay nanggaling sa national government sa ilalim ng nationwide vaccination program.

“Mahalaga po para sa atin na masigurong bakunado ang ating mga bayaning transport workers, lalo na at iba’t-ibang lugar ang kanilang pinupuntahan, gayundin ang ibang stakeholders at mga commuters na kanilang nakakasalamuha sa araw-araw,” ang pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ayon sa DOTr, isasagawa ang limang araw na bakunahan sa PITX mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Pinapayuhan ang mga nais magpabakuna na magtungo sa Gate 4 sa PITX 2nd floor.

Tatanggap ng walk-in vaccinees sa vaccination drive pero may gagawin ring registration sa lugar.

Kung matatandaan, isang katulad na COVID-19 vaccination drive rin ang isinagawa ng DOTr noong nakaraang taon para sa transport workers sa PITX.

PH gov’t simplifies rules for COVID-19 vaccination

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – The Philippine government has simplified the requirements for COVID-19 vaccination to encourage more Filipinos to get inoculated amid rising cases of coronavirus infections.

In a press briefing, acting presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles said walk-ins are now allowed at vaccination sites.

 “Hindi na rin po kailangan bilang health screening ang pag-monitor sa blood pressure, unless ang babakunahan ay may history ng hypertension o may sintomas ng hypertension at iba pang konsiderasyon na nakabase sa clinical judgement ng doktor sa vaccination site,” he said.

“Hindi na rin kayo hihingan ng medical clearance at certification para mabakunahan,” he added.

Nograles said medical clearance and certification will only be required for individuals with auto-immune disease, HIV, cancer/malignancy, patients undergoing steroid treatment, and patients with poor prognosis or bedridden.

“May mga bakuna, mas maluwag na po ang requirements para dito, kaya ‘wag na po tayong magdalawang-isip, magpabakuna na po tayo,” Nograles said, addressing the public.

“Luluwag ang ating mga ospital at dadami ang mga bakanteng kama kung marami ang protektado sa malubhang sakit dala ng COVID-19. Let’s help our frontliners and let’s help ourselves by getting vaccinated,” he added.

The Philippines is facing a surge in COVID-19 cases, with 37, 207 infections recorded on Friday, January 14. This is the highest ever single-day tally of cases in the country since the pandemic started in 2020.

Mga batang edad 5-11, inirerekomendang bakunahan vs COVID-19 simula Enero 2022 – VEP

Robie de Guzman   •   December 30, 2021

 

MANILA, Philippines – Inirerekomenda na ng Department of Science and Technology (DOST)-Vaccine Expert Panel (VEP) na bakunahan na kontra COVID-19 ang lahat ng batang may edad 5 hanggang 11 sa pagpasok ng taong 2022.

Ayon sa VEP, kailangan na ring mabakunahan ang mas nakababatang populasyon dahil sa banta ng Omicron COVID-19 variant na mabilis ngayong kumakalat sa ibang bansa.

Ngunit bilang konsiderasyon sa logistics at supply ng paparating na bakuna para sa mga batang 5-11 taong gulang, sinabi ni VEP member at Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na posibleng unahin sa pagbabakuna ang mga may co-morbidity gaya ng ginawa sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Batay sa datos ng Department of Health, nasa 13.5 milyon ang populasyon ng mga batang nasa 5-11 age group.

Ayon naman kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, nakabili na ang pamahalaan ng mga bakuna at nakatakda itong dumating sa bansa sa enero ng susunod na taon.

“We procured 15 million doses of Pfizer for children which will arrive in January and February… So hopefully, we will be able to start vaccinating the 5 to 11 years old,” ani Herbosa.

Sa ngayon, ang Pfizer COVID-19 vaccines ang may emergency use authorization para magamit sa naturang age group.

Panawagan ng mga health expert sa mga magulang kapag naging available ang pambatang formulation ng COVID-19 vaccines, pabakunahan na ang kanilang mga anak lalo at may Omicron cases na sa Pilipinas.

Kalakip pa rin ng pagpapabakuna kontra COVID-19 ay ang pagsunod sa safety at health protocols.

Higit sa lahat, hinihikayat ng mga eksperto ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na upang makaiwas sa malalang epekto na dulot ng iba’t ibang COVID-19 variant gaya ng Delta at Omicron. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.