3 dagdag na median bus stops sa EDSA, bubuksan sa Setyembre 5

Robie de Guzman   •   September 4, 2020   •   340

MANILA, Philippines – Tatlong karagdagang median bus stops sa EDSA busway ang nakatakdang buksan ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Sabado, Setyembre 5.

Sa isang pahayag ngayong Biyernes, sinabi ng DOTr na ang dagdag na median bus stops ay matatagpuan sa North Avenue, Quezon Avenue at Nepa Q-Mart.

Ang pagbubukas ng dagdag na bus stop ay nangangahulugan ng mas maraming loading at unloading areas para sa mga pasahero ng bus na bumabaybay sa EDSA Busway.

Sa ngayon ay mayroon lamang apat na median bus stops – Guadalupe, Ortigas, Santolan, at Main Avenue – kung saan pinapayagang tumigil ng panandalian ang mga bus upang makapagsakay at makapagbaba ng pasahero.

“Sa pagbubukas ng tatlong median bus stop, magiging mas madali, maayos at ligtas ang pagbaba at pagsakay sa mga bus para sa mga pasahero sa mga nasabing lugar,” wika ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor.

Sa kabuuan, magkakaroon ng 29 na bus stops sa EDSA Busway, 15 dito ay kumpleto na, ayon sa ahensiya.

“Ang mga nalalabi ay unti-unting bubuksan matapos kumpletuhin ang mga kinakailangang imprastraktura at kagamitan upang masiguro na ito ay magiging ligtas sa mga pasahero,” dagdag pa nito.

Ang EDSA Busway ay isang dedicated lane sa gitnang bahagi ng EDSA upang mapabiis ang biyahe ng mga pampasaherong bus.

Paalala naman ng DOTr sa mga motorista na tanging mga bus at emergency vehicles lamang ang maaaring dumaan sa EDSA Busway. Ipinagbabawal din dito ang reckless o kaskaserong mga bus drivers.

Ang inisyatibo ay isa rin umano sa mga nakikitang paraan ng pagpigil ng pagkalat ng COVID-19. Dahil mas mabilis na ang paglalakbay, binabawasan nito ang risk ng pagkahawa dulot ng matagal na exposure ng mga pasahero sa virus ng COVID-19.

Mabigat na trapiko, asahan sa pagsasara ng ilang u-turn slot sa EDSA sa Lunes – MMDA

Robie de Guzman   •   September 25, 2020

MANILA, Philippines – Nagpa-alala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista planuhing maigi ang biyahe dahil sa inaasahang mabigat na trapiko bunsod ng pagsasara ng ilang u-turn slots sa Lunes.

Labing-apat na u-turn slots sa kahabaan ng EDSA ang isasara upang bigyang daan ang tuluy-tuloy na pagbiyahe ng mga pampasaherong bus sa EDSA Busway sa ruta mula Monumento sa Caloocan City at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Una nang sinabi ng MMDA na unang isasara ang ikutan malapit sa MRT-3 North Avenue Station.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic czar Bong Nebrija, hindi na sila maglalagay ng dagdag na mga tauhan para magmando ng trapiko bagaman inaasahan nila ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa Lunes lalo na sa bahagi ng Quezon Avenue.

“Well actually, hindi naman namin kailangang magdagdag ng tao, ‘no. So, we will use the available deployment that we have right now. Ang ano lang naman diyan ang ine-expect namin would be sa Quezon Avenue. Tututukan na lang ng operations team namin yan to assist the deployment on the ground,” ang pahayag ni Nebrija.

Pinapayuhan rin ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

“Start looking for your best alternate route and practice it as much as possible para masigurado ninyo po na wala yung—hindi nakasarado yung nga inner roads na yan na balak ninyong daanan,” ang wika ni Nebrija.

Naniniwala rin ang opisyal na babalik sa normal ang lagay ng trapiko makalipas ang dalawang linggo.

Humihingi rin ang MMDA ng pang-unawa sa publiko para sa gagawing hakbang.

Wala pang takdang araw kung kailan isasara ang iba pang u-turn slots sa EDSA ngunit inaasahang ipatutupad ito kapag nakumpleto na ang paglalagay ng concrete barriers ng MMDA. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

TAGS   ,

One-meter physical distancing will be observed in public transport — Duterte

Maris Federez   •   September 19, 2020

MANILA, Philippines — President Duterte has decided that the one-meter distance between passengers in public transport must be observed, Presidential spokesperson Harry Roque announced Saturday.

“Mananatili po ang one-meter distancing sa pampublikong transportasyon,” Roque said through state-run PTV4.

He added though that talking inside public transport vehicles is still not allowed and that the minimum health protocol such as wearing of face masks and face shields shall remain.

“Sasamahan din ng pagsuot ng face mask at face shield,” he said.  “Bawal ang magsalita sa mga pampublikong transportasyon.”

The Palace spokesperson said the president made the decision on Friday night amid opposing opinions of medical experts on the matter..

The Department of Transportation has allowed the public transport system in the country to implement a “reduced physical distancing” policy starting Monday, September 14.

From the previous one-meter physical distancing marker between passengers, it was reduced to .75-meter safe distance.

The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) said it approved the proposal to provide service to the increasing number of passengers brought about by the reopening of more businesses.

The proposal provide for a further reduction of physical distancing to 0.5 meters after two weeks, and to 0.3 meters after another two weeks.

Read: DOTr reduces physical distancing markers in public transport

A panel of doctors has expressed support for the gradual reduction of physical distancing inside public transportation vehicles.

The medical experts, which include former Department of Health Secretaries Manuel Dayrit and Esperanza Cabral, said that while the World Health Organization (WHO) recommends keeping a distance of one meter from other passengers to the extent possible, “it allows for adjustments based on context.”

Read: Group of medical experts back reduced distancing policy in public transport

Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, however, said the DOTr released the operational guidelines on reduced physical distancing in public transport without consulting health experts and the Metro Manila local government units. — /mbmf

Pagpapaikli sa distansya ng mga pasahero sa public transport, sinuspindi ng DOTr

Robie de Guzman   •   September 17, 2020

MANILA, Philipines – Sinuspindi muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad sa polisiya na nagpapaikli sa distansya sa pagitan ng mga pasahero upang mapataas sana ang ridership o bilang ng mga maaaring isakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, balik muna sa one-meter physical distancing ang mga pasahero dahil wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng isyu.

Ani Roque, inanunsiyo ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade nang magpulong ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ngayong Huwebes.

“Pansamantalang isususpinde po ang implementasyon ng 0.75 [meter] na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik po ito sa sa one meter,” ang wika ni Roque sa isang televised press briefing.

Dagdag pa ng opisyal, pag-aaralan pa ng Pangulo ang isusumiteng ulat ng IATF ukol sa naging talakayan at rekomendasyon hinggil sa polisiya.

Maaari aniyang ilabas ng punong ehekutibo ang kanyang pasya sa isyu sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng panuntunan na inilabas ng DOTr noong nakaraang linggo, ang kasalukuyang one-meter distance ng mga pasahero ay paiikliin sana sa 0.75 meters simula Setyembre 14. Muli itong babawasan pagkatapos ng dalawang linggo.

Hati naman ang pananaw ng iba’t ibang sektor sa nasabing polisiya.

May grupo ng mga manggagamot na nagsasabing mapanganib ito sa kalusugan ng publiko sa gitna ng banta ng COVID-19 habang may iba namang pabor na bawasan ang itinatakdang agwat ng physical distancing.

Kabilang sa mga sumusuporta sa polisiyang ito ang dating kalihim ng Department of Health na si Manuel Dayrit.

Ayon kay Dayrit, maaari namang bawasan ang agwat ng mga pasahero sa loob ng pampublikong sasakyan ngunit kailangang matiyak na nasusunod ang mga inilatag na health protocols upang huwag mahawa sa virus.

Kabilang sa health protocols ang pagsusuot ng face masks, face shields at pagbabawal sa pagsasalita at pagkain ng mga pasahero habang nasa biyahe. Dapat rin aniya ay may sapat na bentilasyon ang sasakyan, malinis at bawal sumakay ang mga pasaherong asymptomatic.

“We have to take this as a full package. Hindi lang physical distancing ang issue dito, if you just argue by physical distancing, you’re missing out other interventions that we could use and also we are only doing it sa ating public transport so that our people can move so that the economy can open,” ang wika ni Dayrit.

Ang dating special consultant ng National Task Force na si Dr. Anthony Leachon, tutol naman sa reduced physical distancing sa public transport dahil hindi aniya dapat naisasakripisyo ang health standards sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Hinimok din niya si Health Secretary Francisco Duque III, maging ang medical community, na payuhan si Pangulong Duterte sa mga paraan para sa ligtas na pagpapasigla sa ekonomiya sa kabila ng pandemiya.

 “Finally, it’s the right thing to do. PRRD should be advised by Sec. Duque and the medical community. We can reopen the economy and support public transport without sacrificing health standards especially social distancing measures,” ang pahayag ni Leachon. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.