3 additional median stops open on EDSA Busway

Maris Federez   •   September 7, 2020   •   189

MANILA, Philippines — The Department of Transportation (DOTr) and the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) have opened three more median stops along the EDSA Busway.

This was announced on Sunday (September 6) by MMDA EDSA Traffic and Transport Zone Head Edison Nebrija.

He said the DOTr and the MMDA started operating the new bus stops on Saturday.

These were the North Avenue, Quezon Avenue Station, and the one in front of Q-mart – all in Quezon City.

He added that footbridges were also constructed in the concerned areas,

 “Sa tulong ng MMDA, 15 median bus stops na ang naitayo, at ang mga ito ay sunod-sunod na bubuksan oras na makumpleto ang iba pang safety and infrastructure requirements gaya ng barriers, lifters, at electricity,” the DOTr said in an earlier statement on Friday.

“Long-term plan ng DOTr na gawing 29 ang kabuuang bilang ng mga median bus stop sa EDSA,” it added.

The three bus stops were in addition to the four that were earlier opened in Guadalupe, Ortigas, Santolan, and on Main Avenue. —/mbmf

Mabigat na trapiko, asahan sa pagsasara ng ilang u-turn slot sa EDSA sa Lunes – MMDA

Robie de Guzman   •   September 25, 2020

MANILA, Philippines – Nagpa-alala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista planuhing maigi ang biyahe dahil sa inaasahang mabigat na trapiko bunsod ng pagsasara ng ilang u-turn slots sa Lunes.

Labing-apat na u-turn slots sa kahabaan ng EDSA ang isasara upang bigyang daan ang tuluy-tuloy na pagbiyahe ng mga pampasaherong bus sa EDSA Busway sa ruta mula Monumento sa Caloocan City at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Una nang sinabi ng MMDA na unang isasara ang ikutan malapit sa MRT-3 North Avenue Station.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic czar Bong Nebrija, hindi na sila maglalagay ng dagdag na mga tauhan para magmando ng trapiko bagaman inaasahan nila ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa Lunes lalo na sa bahagi ng Quezon Avenue.

“Well actually, hindi naman namin kailangang magdagdag ng tao, ‘no. So, we will use the available deployment that we have right now. Ang ano lang naman diyan ang ine-expect namin would be sa Quezon Avenue. Tututukan na lang ng operations team namin yan to assist the deployment on the ground,” ang pahayag ni Nebrija.

Pinapayuhan rin ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

“Start looking for your best alternate route and practice it as much as possible para masigurado ninyo po na wala yung—hindi nakasarado yung nga inner roads na yan na balak ninyong daanan,” ang wika ni Nebrija.

Naniniwala rin ang opisyal na babalik sa normal ang lagay ng trapiko makalipas ang dalawang linggo.

Humihingi rin ang MMDA ng pang-unawa sa publiko para sa gagawing hakbang.

Wala pang takdang araw kung kailan isasara ang iba pang u-turn slots sa EDSA ngunit inaasahang ipatutupad ito kapag nakumpleto na ang paglalagay ng concrete barriers ng MMDA. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

TAGS   ,

U-turn slots sa EDSA, isasara simula Sept. 28 – MMDA

Robie de Guzman   •   September 22, 2020

MANILA, Philippines – Isasara na simula sa Lunes, Setyembre 28 ang ilang U-turn slot sa kahabaan ng EDSA para maseguro ang tuluy-tuloy na biyahe ng mga pampasaherong bus sa EDSA Busway.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic czar Edison “Bong” Nebrija, unang isasara ang U-turn slot sa EDSA-North Avenue malapit sa MRT-3.

Kabilang din sa mga nakatakdang isara ang U-turn slots sa pagitan ng Monumento at Balintawak, at pinapayuhan ang mga motorista na mag-U-turn sa Balintawak Cloverleaf at Monumento Circle.

Para naman sa mga dumaan sa U-turn slots sa pagitan ng Balintawak at Quezon Avenue, kailangan nang umikot gamit ang Cloverleaf at U-turn slot sa ilalim ng EDSA-Quezon Avenue flyover.

Habang ang. mga dumadaan sa U-turn slots sa Santolan at sa Roxas Boulevard ay maaaring dumaan sa ilalim ng Santolan Flyover sa Boni Serrano, sa Guadalupe, sa EDSA-Ayala Avenue Intersection, sa ilalim ng Magallanes Flyover at sa MOA Circle.

Layunin ng pagsasara ng U-turn slots na bigyang-daan ang tuluy-tuloy na biyahe ng mga pampasaherong bus sa EDSA Busway mula Monumento sa Caloocan City hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sinabi ni Nebrija na by-phase ang gagawin nilang pagpapatupad ng polisiya at wala pang petsa kung kailan isasara ang iba pang U-turn slots sa EDSA.

“Sa Lunes na yung sa MRT station. All the rest, titingnan pa namin kung kailan masasarado yung bus lane kasi maapektuhan lang naman yung U-turn once we close the busway with barricade. Eh ngayon, yan pa lang yung malalagyan namin ng mga barricade. So, yan lang muna yung masasarado,” ang wika ng opisyal.

Payo ng MMDA sa mga motorista, planuhing maigi ang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

TAGS   ,

One-meter physical distancing will be observed in public transport — Duterte

Maris Federez   •   September 19, 2020

MANILA, Philippines — President Duterte has decided that the one-meter distance between passengers in public transport must be observed, Presidential spokesperson Harry Roque announced Saturday.

“Mananatili po ang one-meter distancing sa pampublikong transportasyon,” Roque said through state-run PTV4.

He added though that talking inside public transport vehicles is still not allowed and that the minimum health protocol such as wearing of face masks and face shields shall remain.

“Sasamahan din ng pagsuot ng face mask at face shield,” he said.  “Bawal ang magsalita sa mga pampublikong transportasyon.”

The Palace spokesperson said the president made the decision on Friday night amid opposing opinions of medical experts on the matter..

The Department of Transportation has allowed the public transport system in the country to implement a “reduced physical distancing” policy starting Monday, September 14.

From the previous one-meter physical distancing marker between passengers, it was reduced to .75-meter safe distance.

The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) said it approved the proposal to provide service to the increasing number of passengers brought about by the reopening of more businesses.

The proposal provide for a further reduction of physical distancing to 0.5 meters after two weeks, and to 0.3 meters after another two weeks.

Read: DOTr reduces physical distancing markers in public transport

A panel of doctors has expressed support for the gradual reduction of physical distancing inside public transportation vehicles.

The medical experts, which include former Department of Health Secretaries Manuel Dayrit and Esperanza Cabral, said that while the World Health Organization (WHO) recommends keeping a distance of one meter from other passengers to the extent possible, “it allows for adjustments based on context.”

Read: Group of medical experts back reduced distancing policy in public transport

Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, however, said the DOTr released the operational guidelines on reduced physical distancing in public transport without consulting health experts and the Metro Manila local government units. — /mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.