26 na residenteng malapit sa Taal Volcano island, sinagip ng PNP

Aileen Cerrudo   •   July 5, 2021   •   298

Walong pamilya o 26 na indibidwal ng Barangay Gulod at Barangay Buso-Buso ang nanghingi na ng saklolo mula sa mga autoridad bunsod ng mga aktibidad sa Taal Volcano.

Ang dalawang barangay ang pinaka malapit sa Taal Volcano island kaya naman nalalanghap na ng mga residente ang masangsang na amoy na dulot ng sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan.

“Kaya po kami umalis ay daan ay naaamoy namin ang asupre galing po sa bulkan kaya po kami umalis,” ayon sa isa sa mga residente Anacita Silos.

Agad namang dinala ng Philippine National Police (PNP) ang mga evacuee sa Molinete Elementary School.

Ayon sa chief of Police ng Laurel, Batangas na si PCpt. Garry Abregunda, patuloy na mag-iikot ang kanilang mga tauhan upang agad na mailikas ang mga residente na malapit sa Taal Volcano Island at pasok sa 7 kilometer danger zone. 

“Patuloy na ginawa nating pagpapatrolya check point pagbabantay sa mga evacuation center , at sa mga baranggay na kasama sa 7 kilometers danger zone naglagay din tayo ng mga pulis diyan na magbabantay naman sa seguridad nung mga ,sa mga magbabantay sa mga ari-arian na naiwan ng mga evacuee.” ayon kay Abregunda.

Mas nagiging delikado pa sitwasyon sa lugar dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

Nasa 22, 600 tonelada rin ng sulfur dioxide ang naitalang inilabas ng bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ulat ni Aris Silvestre

PNP chief, may babala vs mga pulis na hindi magtatrabaho para sa seguridad ng 2022 elections

Robie de Guzman   •   December 7, 2021

Manila, Philippines – Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Dionardo Carlos ang mga pulis na hindi magtatrabaho para sa seguridad ng susunod na halalan sa bansa.

Ayon kay Carlos, patuloy siyang nagsasagawa ng assessment sa trabaho ng field commanders upang malaman kung ginagampanan ng mga ito ang kanilang mga tungkulin.

Kung mapapatunayang hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho at hindi produktibo ay maaari silang alisin sa pwesto.

“This is not the time to relax, this is the time to perform. I do not wish to fail on the task ahead,” ani Carlos.

“Pagka nakita namin na laging left behind you’re not doing your job, I might put somebody else who can do the job, kasi kailangan kami lahat sumusunod. Kapag meron d’yan na hindi sumusunod in the desire of the organization for a peaceful election then as early as now I’m continuously assessing the different field commanders so that it will also serve as a warning,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng hepe ng pambansang pulisya ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat isa para sa pagkakaroon ng mapayapang halalan sa bansa.

“If they do not contribute, they are not distinctly contributing to the mission and function with the goals of the organization I said. I will tell them, ‘get out,'” ani Carlos.

Ginawa ni Carlos ang pahayag sa gitna ng mga ginagawang security preparations para sa 2022 elections.

Kabilang sa mga pinaghahandaan ng pulisya ay ang kampanya laban sa private armed groups (PAGS), paglaganap ng loose firearms at pagbabantay sa mga pulitiko na posibleng gumamit ng serbisyo ng PAGs upang takutin ang kanilang mga kalaban sa pulitika. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Mga pulis na ayaw magpabakuna, ililipat ng assignment – PNP chief Carlos

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Papayagan pa ring magtrabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang nilinaw ni PNP chief Police General Dionardo Carlos kasunod ng pahayag ukol sa pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

Unang sinabi ng PNP na hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga ‘di bakunadong pulis na walang maipapakitang negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo.

Sagot rin ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

“However kapag sinabi natin they will not go to work it does not mean that they will not be working. They will still deliver the police services needed,“ ang wika ng PNP chief.

Pero sa halip na field work ay ililipat na lang ng assignment ang mga pulis na hindi pa nagpapabakuna upang makaiwas silang mahawa sa COVID-19.

“We will not allow them to be exposed. At the same time kasi kapag unvaccinated sila, ilagay namin sila sa QCP medyo delikado. So we will put them in a place probably take an admin role so they can still do the job for us,” ani Carlos.

Ayon sa hepe ng PNP, hindi maaaring lumiban ang mga hindi pa bakunadong pulis dahil maraming mabinbinbing trabaho.

“So ganun yung aming sistema kasi lugi naman ho ang gobyerno, ang taumbayan kung because it is their choice not to be vaccinated and yet they are not delivering services,” ani Carlos.

Unang sinabi ng PNP na mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang leave credits ay ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ng PNP, ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” rule ay alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Layunin rin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.
Base sa datos ng PNP Health Service, nasa 1,808 pang tauhan ang hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 299 ang nagbigay ng medical reason, 194 ang nagsabing may allergy, 393 ang buntis, 63 ang lactating mother o nagpapasuso, 69 ang nagsabing labag ang pagpapabakuna sa kanilang religious beliefs, siyam ang under quarantine habang ang nalalabing bilang ay walang ibinigay na dahilan. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

‘No vaccine, no work’ rule sa mga pulis, ipatutupad ng PNP

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Magpapatupad na rin ng “no vaccination, no work’ rule ang Philippine National Police (PNP) para sa mga tauhan nito sa gitna ng nagpapatuloy pa ring banta ng COVID-19.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, layunin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.

Alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Sa tala ng PNP, 1% na lang sa kabuuang 222,000 sa kanilang hanay ang hindi pa nababakunahan.

Kabilang na dito ang 965 o 0.43% na walang maibigay na balidong dahilan kung bakit ayaw magpabakuna. Nasa 865 naman ang nagsasabing may allergy o medical condition kaya hindi pa nagpapabakuna.

Ayon kay Carlos, hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 maliban na lamang kung may maipapakita silang negatibong resulta ng RT-PCR test tuwing ikalawang linggo.

Sagot ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

Gayundin ang magiging patakaran sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna o first dose pa lang ang natatanggap.

Babala ng PNP chief, mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang mga leave credits… ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ni Carlos, mahalagang bakunado ang lahat ng tauhan ng PNP dahil kabilang sila sa mga frontliners at upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

Dapat din aniyang maging halimbawa ang PNP sa pagsunod sa mga patakaran ng IATF bilang tagapagpatupad nito. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.