200 volunteers, kailangan sa clinical trials sa lagundi bilang supplemental treatment sa COVID-19 – DOST

Robie de Guzman   •   September 2, 2020   •   318

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang recruitment ng volunteer para sa gagawing clinical trials sa lagundi bilang supplemental treatment sa mga indibidwal na nahawa ng novel coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Sa panayam sa programang Get It Straight with Daniel Razon ngayong Miyerkules, Sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na 200 volunteer ang kakailangan sa clinical trials.

Aabot sa P4 milyong pondo ang inilaan para sa gagawing pagsusuri.

Ayon kay Dela Peña, layon ng clinical trials na alamin kung mabisang supplemental treatment ang lagundi sa sintomas ng COVID-19 at kung makatutulong ito upang hindi lumala ang kondisyon ng mga taong may mild case ng coronavirus infection.

Gagawin ang trial sa Quezon Institute Quarantine Center, Santa Ana Hospital at PNP-NCR Community Quarantine Center. Pangungunahan ito ng mga tauhan ng Philippine General Hospital.

Inihayag rin ng kalihim ng DOST na nagpapatuloy na ang clinical trials para naman sa virgin coconut oil (VCO) na sinasabing nagtataglay ng anti-viral property na maaaring pangontra sa COVID-19.

Ani Dela Peña, nasa 40 volunteers ang kasalukuyang sumasailalim sa VCO trials at kailangan pa nila ng dagdag na 16 upang makumpleto ang 65 na kailangan para sa pagsusuri.

Batay sa isinagawa nilang in-vitro trial, lumalabas na nakatutulong ang VCO para bahagyang mapababa ang infectivity ng SARS-COV2, ang virus na sanhi ng COVID-19.

Sa pagtaya ng opisyal, maaaring magkaroon ng resulta ang trials sa loob ng dalawang buwan.

“I-eextend na lang namin yung trials sa Valenzuela Emergency Medical Center nang sa ganoon, mas dumami pa yung ating volunteers na pagbabasehan. So humigit kumulang siguro baka within two months ay magkakaroon na tayo ng magandang analysis tungkol dito sa VCO,” ang sabi ni Dela Peña.

Maliban sa lagundi, pinag-aaralan na rin ng DOST ang pagsasagawa ng pagsusuri sa halamang tinatawag na tawa-tawa bilang supplemental treatment sa COVID-19 ngunit hinihintay pa nila ang pahintulot ng Food and Drug Administration para sa pagsisimula ng clinical trial.

“Lahat naman ng ating mga natural products na ginagamit clinical trials at nagdaan muna sa toxicity at harmful effects testing,” ani Dela Peña. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Vincent Arboleda)

PUV drivers at mga pasahero, pina-alalahanang sumunod sa 1-meter physical distancing policy

Robie de Guzman   •   September 21, 2020

MANILA, Philippines – Nagpa-alala ang mga otoridad sa mga tsuper at pasahero ng public utility vehicles (PUV) na istriktong sundin ang isang metrong physical distancing sa gitna pa rin ng banta ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ginawa ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) ang paalala matapos nitong harangin at sitahin ang mga pampasaherong jeep na hindi sumusunod sa nasabing patakaran.

Ang inspeksyon ay isinagawa ngayong Lunes sa kahabaan ng EDSA-Kamuning sa Quezon City.

Bitbit ang isang metrong panukat, sinita ng HPG ang mga tsuper na sobra ang bilang ng sakay at pinababa ang mga pasahero.

Nguni tauon kay HPG chief Police Colonel Wilson Doromal, hindi naman pinagmulta ngunit binigyan lang ng babala ang mga nahuling tsuper.

“Mahirap itolerate yung distance na nakita natin kanina halos balikat sa balikat na so hindi po natin hinayaang bumiyahe upang yung kalusugan ng mga commuters natin makaiwas po sa anumang sakit,” ang wika ni Doromal.

Ang inspeksyon ay kasunod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin sa isang metro ang agwat ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan upang matigil na ang usapin rito.

Noong Sabado, sinabi ng Department of Transportation na istriktong ipatutupad ang 50% capacity sa mga jeep at bus upang masunod ang one-meter physical distancing.

Ang physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield ay kabilang sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon.

Kaugnay nito, inaasahang maglalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga bagong panuntunan upang malaman ng tsuper kung ilan lamang ang maximum na bilang ng mga pasaherong maaaring isakay sa bus at jeep.

“My advice na lang din is to be on the side of caution, malalaman naman din ng driver yan kung iilan. He will have a sense kung gaano kahaba yung isang metro, sa loob ng isang sasakyan ilang pasahero ang kakasya… hopefully give us time,” ang pahayag ni LTFRB chairman Martin Delgra.

Sa Martes, Setyembre 22 ay inaasahang pupulungin ng LTFRB ang regional directors ng ahensiya upang magtakda ng malinaw na patakaran para sa one-meter physical distancing sa mga pampublikong sasakyan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

TAGS   

Pagbabayad ng toll sa NLEX, cashless na simula Nov. 2

Robie de Guzman   •   September 21, 2020

MANILA, Philippines – Simula sa Nobyembre 2 ay cashless na at gagamitan na ng 100% radio frequency identification (RFID) system ang pagbabayad ng toll sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang operator ng NLEX, alinsunod ito sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na magpatupad ng contactless system upang malimitahan ang physical contact sa gitna pa rin ng banta ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Atty. Romulo Junji Quimbo, maaaring magpakabit ng RFID sticker ang mga motorista na dadaan sa NLEX upang hindi sila kailangang magbayad ng cash.

Maaari itong ipakabit ng libre sa NLEX Customer Service Center o kaya ay mag-apply online.

“Ang DOTr bilang tagapangasiwa ng transportation, ay naglabas po ng department order na mahikayat po ang mga kababayan natin, na huwag na pong magdala ng cash. Ang cash po whether sumakay kayo ng bus, o kaya jeep, o kaya sa mga UV, ay nagpapalitan po ng pera doon, at nagsusuklian yun po iniiwasan,” ang wika ni Quimbo.

Para magamit ang RFID, kailangang mag-load ng minimum na P500 sa reloading at online stations.

 “Libre po itong sticker, kinakabit po ito ng Easytrip, ay yun po naman ay may minimum load lang, para lang kayo nagbabayad ng toll kaya lang hindi na po barya ang dala-dala, hindi na po pera, RFID System,” ang pahayag ni Quimbo.

Aniya, sa November 2 na magiging epektibo ang sistema pero bibigyan pa rin naman ng konsiderasyon ang hindi makakapagpakabit ng RFID stickers.

Maaaring bisitahin ang social media accounts ng NLEX Corp. para sa iba pang detalye at katanungan hinggil sa RFID system. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Nestor Torres)

DOH proposes COVID-19 swab test ‘price cap’

Aileen Cerrudo   •   September 21, 2020

The Department of Health on Monday (September 21) said it has submitted to President Rodrigo Duterte its recommendation for an executive order issuance that would place a price cap on coronavirus disease (COVID-19) swab tests.

DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire said the department has noticed the differential pricing of swab tests in laboratories across the country. She added that the current law on price ceiling for medicines excludes diagnostics and professional fees.

“We may be able to have this executive order so that we can somehow regulate the prices of swabs, or prices of testing for COVID-19,” she said.

The DOH official also said the department will conduct small surveys to determine price range and will consult experts and the Department of Trade and Industry (DTI) regarding the swab test prices. AAC (with reports from Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.