20.2 milyong mag-aaral, nag-enrol para sa darating na pasukan – DepEd

Robie de Guzman   •   July 15, 2020   •   436

MANILA, Philippines – Natapos na ngayong araw extension ng enrolment period para sa School Year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa pagsasara ng enrolment period ngayong Miyerkules, aabot sa 20.2 milyong mag-aaral ang nagpatala para sa darating na pasukan batay sa impormasyon mula sa DepEd.

Sa naturang bilang, 19.1 milyon ang nag-enrol sa mga pampublikong paaralan habang mahigit naman sa isang milyon ang nagpatala sa mga pribadong paaralan.

Ayon sa DepEd, ang kasalukuyang bilang ng enrollees ay katumbas lamang ng 92 percent sa 21.97 milyon na target sana nitong bilang sa darating na pasukan.

Pero para kay DepEd Undersecretary Jess Mateo, mataas pa rin ang bilang na ito kung pagbabatayan ang nararanasang krisis sa bansa na bunsod ng COVID-19.

Aminado rin si Mateo na nasorpresa siya sa bilang ng enrollees lalo’t maraming magulang ang pansamantalang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.

“Ibig sabihin lang nito naniniwala ang mga magulang na kailangang ipagpapatuloy ang pag-aaral ng kabataan ng mag-aaral,” ani Mateo.

Sa datos ng kagawaran, wala pang kalahati o nasa 24.3 % ang enrolees ngayong taon sa private schools na mas mabaa kumpara sa datos noong 2019.

Mahigit 300,000 mag-aaral din umano ang lumipat sa public schools.

Samantala, tiniyak naman ng DepEd na kahit natapos na ang enrolment period ay maaari pa rin namang magpatala ang late enrolees basta’t pasok ito sa 80% ng prescribed number of school days.

“Kasi magbubukas tayo sa August 24 so ang ibig sabihin lang n’un p’wede silang mag-late, mag enroll ng first week or second week of September para sa gan’un ma-comply nila yung 80 percent of the calendar days,” ani Mateo. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

TAGS   

DepEd to virtually launch learning continuity plan ahead of class opening

Aileen Cerrudo   •   August 5, 2020

In preparation for the opening of classes, the Department of Education (DepEd) will conduct a virtual launch that will feature schools’ localized implementation of the Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP).

DepEd’s ‘Handang Isip, Handa Bukas’ will be launched on Monday (August 10) where 10 schools of different types nationwide are set to show how they have contextualized the BE-LCP through simulation activities.

Mga pampublikong paaralan, ipapakita ang kanilang kahandaan para sa SY 2020-2021Agosto 4, 2020 — Habang papalapit ang…

Posted by DepEd Philippines on Monday, August 3, 2020

The schools that will participate will include: Navotas National High School, Mangayon Elementary School, Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School, Calay IP School, Malaya Elementary School, Don Luis Hidalgo Memorial School (Rural-Complete School), Sucao ES (Multigrade School), Santiago City NHS (Urban-Medium), Shining Light Academy (Private), and TAGUMpay Palengskwelahan ALS Center (Community Learning Center).

Parents and learners that will participate will also provide testimonies of their experiences during the dry runs.

The program will be livestreamed on DepEd’s Facebook page, government channels, and other regional local channels. AAC

Parents prefer modular learning for their children this school year—DepEd

Aileen Cerrudo   •   July 30, 2020

Around 8.8 million parents prefer modular learning for their children instead of using gadgets this school year, according to the Department of Education (DepEd).

Based on the Learner Enrollment and Survey Forms (LESF), these parents prefer offline learning materials for their children, citing difficulties in internet connection especially in far-flung areas.

According to DepEd, 3.9 million parents chose blended modality while 3.8 million parents prefer online learning. Meanwhile, a total of 1.4 million parents prefer educational television while around 900,000 parents chose radio-based instruction.

Due to this, DepEd Usec. Tunisto Umali said they are doubling their efforts in printing learning modules in time for the opening of school year.

“Ang makikita po natin sa August 24 ay idi-deliver o kaya ay pipick-upin ang ating mga self-learning modules sa ating paaralan o kaya idi-deliver sa tahanan ng mga bata na walang kakayanang maglakbay patungo sa ating paaralan (What we are seeing is by August 24, the self-learning modules will be delivered or picked up in schools or delivered to the students’ homes if they incapable of travelling),” he said.

Umali reported that orientations and seminars for teachers, students, and parents are currently ongoing. DepEd is also coordinating with local government units for the gadgets that will be used by students. AAC (with reports from Dante Amento)

Face-to-face classes sa low-risk areas, hindi mandatory – DepEd

Robie de Guzman   •   July 22, 2020

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education na hindi mandatory at hindi maaaring pilitin ang mga estudyante o magulang na papasukin ng pisikal sa eskwelahan ang kanilang mga anak.

Ginawa ng DepEd ang paglilinaw matapos magpahayag ng agam-agam ang marami sa pagpasok sa mga paaralan sa gitna ng pandemya kasunod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng coronavirus disease.

Sa panayam sa UNTV program na Get It Straight with Daniel Razon, binigyang-diin ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na hindi compulsory o sapilitan ang pagpapasok sa mga mag-aaral sa face-to-face classes kung nangangamba sila para kanilang kalusugan.

Ani San Antonio, ang limited face-to-face classes ay bahagi lamang ng mga paraan o sistema ng pag-aaral na maaaring pagpilian ng mga magulang at estudyante para sa darating na pasukan.

“Yun pong pinapanindigan natin sa DepEd ay irerespeto po natin yung desisyon ng mga pamilya so kahit po doon sa mga lugar na pinapayagan ang limited face to face. Kung ang mga magulang po o bata mismo ay hindi kumportable at nag-aagam agam na kapag sya ay pupunta sa paaralan ay mae-expose po siya sa COVID-19 papayagan pa rin po sya na maipagpatuloy ang pagaaral gagamitn ang distance learning modality,” sabi ng opisyal.

Muli ring iginiit ni San Antonio na papayagan lamang ang limited face-to-face classes sa isang lugar kung hihilingin ito ng lokal na pamahalaan. Dapat rin aniyang matiyak ang kahandaan ng mga paaralan sa pagpapatupad ng mahigpit na health at safety protocols bago ito pahihintulutan.

Sa ngayon ay isinasapinal pa ang magiging protocol para sa face-to-face classes.

Nilinaw rin ng DepEd na sa Enero 2021 pa ito ipatutupad at dalawang beses lamang sa isang linggo kung gagawin.

Samantala, bagaman opisyal nang natapos ang enrolment period ay patuloy pa ring tatanggap ng enrollees ang mga pampublikong paaralan, ayon sa DepEd. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.