163 tons of waste collected from Baseco Beach since January

Aileen Cerrudo   •   September 3, 2020   •   1173

Manila’s Department of Public Services (DPS) has collected a total of 163.27 metric tons of waste from Baseco Beach since January.

In a Facebook post, the Manila Public Information Office (MPIO) said that the team of DPS Baseco Beach Warriors has been conducting cleaning operations everyday since January 2020 along the shores of Barangay 649.

NEWS FEATURE: 163 TONELADA NG BASURA, NAHAKOT SA BASECO BEACH SIMULA ENEROAraw-araw na nagsasagawa ng clean up…

Posted by Manila Public Information Office on Wednesday, September 2, 2020

The group of Baseco Beach Warriors has nine members tasked to clean and collect waste in Baseco. DPS Director Kenneth Amurao lauds the efforts of the Baseco Beach Warriors and encouraged the public to also put effort in maintaining cleanliness and practicing proper waste disposal.

“Kailangan po natin ang kooperasyon ng bawat isa. Lilinisin at lilinisin po namin ito sapagkat ito ang aming trabaho ngunit bilang mamamayan, dapat sa atin mismo magsimula ang disiplina. Para rin ito sa inyo at sa inyong mga anak nang matamasa nila ang maayos at malinis na Baseco, (We need the cooperation of everyone. We will clean this because this is our job but as citizens, discipline should start with us. This is for you and your children, for them to see a clean Baseco),” Amurao said. AAC

Drive-thru booster site para sa PUV drivers binuksan sa Maynila

Robie de Guzman   •   January 17, 2022

MANILA, Philippines – Binuksan ngayong araw sa lungsod ng Maynila ang drive-thru booster site para sa mga tsuper ng public utility vehicles (PUV).

Ang booster site para sa PUV drivers ay matatagpuan sa tapat ng bagong Ospital ng Maynila sa kahabaan ng Mabini Street.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bukas ang vaccination site sa publiko, kahit sa mga hindi residente ng Maynila. Tumatanggap rin ito ng mga walk-in o walang appointment.

Para sa mga magpapa-booster, kailangan lamang ipakita ang kanilang primary vaccination card, valid identification card at QR Code para sa verification.

Kung wala namang QR Code ay maaaring magpa-rehistro sa vaccination portal na manilacovid19vaccine.ph.

“Today we just launched yung ating vaccination drive para naman sa public transport. Ito yung para sa mga jeepney driver, pedicab driver, sidecar boys at tricycle, kuliglig, taxi driver, delivery va mayroong space para sa kanila,” ani Domagoso.

“Hanggat maaari iniiwasan ko mabalam yung hanapbuhay nila, so pagka yangga sa kanila eskerda na, byahe na uli, hanapbuhay na uli sila,” dagdag pa niya.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, nasa 1,000 dose ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines ang inilaan sa nasabing vaccination site.

Bukas ito mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.

Ayon kay Domagoso, sa ngayon ay pinag-aaralan na nilang palakasin at palawakin pa ang isinasagawang drive-thru vaccination.

“Kasi mayroon tayong 2-wheel motorized and non-motorized tapos mayroon tayong 4-wheel na 24/7 sa Luneta at the same time mayroon tayo sa mall, sa eskwelahan, mayroon tayo sa community, yung ating mga health center,” ang wika ng alcalde.

“Ang gusto natin talaga is ma-reach as many as possible so nag-iisip tayo ng mga ways na pwede pang maabot ang ating mga kababayan at huwag na silang magsama-sama sa isang lugar,” dagdag pa niya.

Samantala, tuloy-tuloy din ang isinasagawang 24/7 booster vaccination caravan sa Quirino Grandstand sa Maynila, gayundin ang drive-thru vaccination para sa mga bike at motorcycle riders sa Kartilya ng Katipunan, sa Lawton.

Sa ulat ni Domagoso, 3,900 na mga sasakyan ang na-serbisyuhan sa 24/7 booster drive thru vaccination sa loob ng apat na araw mula nang ito ay pasimula.

As of January 16, 2022, higit 262,000 na ang nakatanggap ng booster shot sa lungsod ng Maynila. (mula sa ulat ni Correspondent Janice Ingente)

Isang linggong ‘health break’ idineklara sa mga paaralan sa Maynila

Robie de Guzman   •   January 13, 2022

MANILA, Philippines – Walang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila mula Enero 14 hanggang 21 matapos magdeklara ng “health break” si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa gitna ng sumisipang kaso ng COVID-19.

“Due to rise in COVID infections in the workplace, in the community at even sa loob ng mga bahay, mataas ang anxiety level ng mga magulang para sa mag estudyante, pati guro, maraming infected, maraming estudyante na ang infected, now the city of Manila is declaring a health break,” ani Domagoso sa isang pulong balitaan.

Layunin ng health break na mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga guro at mga estudyante, lalo na ang mga may karamdaman.

“Wala pong pasok, whether online or physical classes all levels para magka-break, health break naman lahat, mabawasan ang anxiety level ng teacher at makapagpahinga ang mga teacher,” dagdag pa niya.

Ngayong Huwebes ay nagpalabas rin ng memorandum order ang Department of Education (DepEd) na nagpapaubaya sa regional at school division offices sa pagdedesisyon ukol sa suspension ng klase sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19.

Ayon sa DepEd, magkakaiba ang sitwasyon sa bawat lugar kaya ang regional at school division offices ang maaaring magpasya kung ipagpapaliban ang klase sa buwan ng Enero.

Habang suspendido ang klase, dapat ihinto rin ang lahat ng uri ng class activities gayundin din ang pagpapasa ng assignments at iba pang academic requirements. (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

Drive-thru vaccination site in Manila to offer booster shots starting January 13

Robie de Guzman   •   January 13, 2022

 

MANILA, Philippines – The drive-thru vaccination site at Quirino Grandstand in Manila will be offering COVID-19 vaccine booster shots starting Thursday, January 13, the Manila City government said.

In a statement, the city government said the service will be available to 4-wheel vehicle owners from 8 a.m. to 5 p.m.

Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso said the booster shot vaccination is open to the general public, including those residing outside the city.

“Due to the request of our constituents and the people, i-innovate natin itong vaccination drive-thru dito sa Luneta. Imbis na first and second dose lang, gagamitin natin siya ngayon na booster vaccination drive thru site,” Domagoso said.

“So ibig sabihin pwede jeep, taxi, private, o mga korporasyon, pwede po silang magtungo dito sa Luneta drive-thru vaccination site ng City of Manila,” he added.

According to Domagoso, the booster shot drive-thru vaccination will implement a first come, first served policy to the first 300 vehicles with maximum five recipients per car.

This will benefit about 1,500 people daily.

As of Tuesday, January 11, the city government said it has deployed about 198,454 boosters since it started its mass booster vaccination to the public.

Among the vaccination sites in the nation’s capital where booster shots are being administered are in malls, community sites, and some special sites.

Booster administration for two-wheel riders at Kartilya ng Katipunan is likewise ongoing with more than 5,000 delivery, motorcycle, and bicycle riders have been so far inoculated, the city government said.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.