UNTV at Ang Dating Daan, kaagapay ng Philippine National Red Cross

admin   •   September 23, 2011   •   2228

"Naniniwala ako na ang ginagawa ng Dating Daan ay di lang para sa Dating Daan, para sa matiyak natin na magiging matuwid din ang daan, yun ang tawag ni Pangulong PNoy."  —  Former DSWD Secretary and current Philippine Red Cross Governor Corazon-Alma de Leon.

BATAAN, Philippines — Nakatawag pansin kay dating DSWD Secretary at ngayon ay Philippine Red Cross Governor Corazon-Alma de Leon ang “Tulong Muna, Bago Balita” advocacy ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ng UNTV.

“Kundi gaya ng sabi niyo,’Tulong Muna, Bago Balita’, naniniwala ako na malaki ang nagagawa ng UNTV para sa mga mamamayan nating Pilipino,” pahayag ni PRC Governor Corazon-Alma de Leon.

At dahil sa parehong layunin nito at ng PRC na makatulong sa kapwa-tao, ang istasyon ng UNTV ang pinili ng Philippine Red Cross na maging media partner upang isa-publiko ang mga proyekto at adhikain na isinusulong nito.

Kabilang dito ang “Blood Samaritan” at ang “I love you, Red Cross” project ng Philippine Red Cross na humihikayat sa mga kababayan natin na maging volunteer blood donor para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo lalo na sa mga pasyenteng may sakit na dengue.

Ani Corazon-Alma De Leon,. “Meron din kaming ‘Blood Samaritan’ program which encourages people to donate money. If they cannot donate blood for whatever reason, they cannot donate blood… encouraging the barangays to have 1, 4, 3 volunteers in every barangay. Ang tawag dito, “I Love You Red Cross”. There will be one dealer, and 43 volunteers in every barangay, so sa pamamagitan ng UNTV, ibinabalita natin ito.”

Kinilala rin ng PRC ang malaking naitutulong ng samahang Church of God International o mas kilala sa tawag na “Ang Dating Daan” dahil sa pagsasagawa nito ng quarterly mass blood letting at pagkakaroon nito ng Blood Donors’ Society.

Dagdag pa ng dating secretary ng DSWD, ‘Tamang-tama yung pag-donate nila ng blood…makakatulong din sa ating expression of love of fellowmen. Naniniwala ako na ang ginagawa ng Dating Daan ay di lang para sa Dating Daan, para sa matiyak natin na magiging matuwid din ang daan, yun ang tawag ni Pangulong Pnoy."

3048 bags ng dugo ang muli na namang naibahagi ng samahang “Ang Dating Daan” sa Philippine Red Cross sa isinagawa nitong quarterly mass bloodletting nito ng September 11. ( Ito Ang Balita ni Julie Ann Roberto, UNTV News)

Matatandaang noong Marso ay nakakalap rin halos dalawang libong (1,900) blood bags ang grupo at nitong buwan ng Hunyo ay 2,600 blood bags. Mahigit isang dekada na ang nakalipas nang simulan ng grupong Ang Dating Daan ang pagdo-donate ng dugo.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.