Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

Mr. Public Service Daniel S. Razon, ginawaran ng Doctor of Humanities Honoris Causa

by admin   |   Posted on Sunday, May 8th, 2011

(Photo by: Kenji Hasegawa for UNTV News)

PASAY CITY, Philippines — Kasabay ng pagtatapos sa kolehiyo ng nasa 6000 mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) para sa taong 2011, iginawad ng pamantasan ang parangal na Doctor of Humanities Honoris Causa kay Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.

Ang Doctor of Humanities Honoris Causa ay iginagawad sa isang personalidad na may na may maging malaking kontribusyon hindi lamang sa kanyang propesyon kundi maging sa taumbayan sa pamamagitan ng pagkakawang gawa.

Ayon sa Polytechnic University of the Philippines President Dante Guevarra, masusing pagpili ang ginawa ng kanilang unibersidad upang humanap ng karapatdapat na tumanggap ng nasabing parangal.

”Si Kuya Daniel ay kinuha naming bilang Guest Speaker at binigyan namin siya ng Doctorate Degree Honoris Causa Doctor of Humanities, unang-una ay dahil sa kanyang kagalingan hindi lamang sa Broadcast Journalism, kundi dahil sa mga naitutulong niya sa mga mamamayan. Marami siyang naitutulong hindi lamang sa mga nagiging biktima ng sakuna kundi sa mga pangaraw-araw na pangangailangan ng mga tao tulad ng libreng sakay, libreng eskwela, pagtulong sa mga taong may sakit, pagbibigay ng mga gamot sa mga nangangailagan saka ung pag-conduct niya mga blood donation. Iyon ang kinonsider namin at isa pa dahil siya ay magaling sa iba't ibang larangan ng pagsasanay.” pahayag ni PUP President Dr. Dante Guevarra.

Ayon naman kay Corazon Alma de Leon na miyembro ng Board of Regents, “I'd watched his program lalo na yung Get It Straight. I am convinced it sits very well with our advocacy na Gawin ang Tama Movement.

Kinilala ng PUP ang public services na ginagawa ng UNTV, sa pakikipagtulungan ng grupong Ang Dating Daan, na noon pa man adbokasiya na ni Kuya Daniel Razon at ni Bro. Eli Soriano.

Bilang panauhing pandangal, nag-iwan ng mensahe si Dr. Daniel Razon sa mga nagtapos at sa kanilang mga magulang.

“Remember that too much self confidence may make you an egotist. In contrast, too much trust may drive you out from the professional world of competition. To become fit to survive the test in the world of professionals the Holy Bible has the best advice, 1 Corinthians 8:2 – and if any man think that he knoweth anything he knoweth noting yet as he ought to know, there are a lot of things to know and to discover as we travel to the professional life things we have not known in the confines of our school, there is much to learn along the way.”

 

 

Nagtapos naman bilang Summa Cum Laude ng PUP si Angelito Bautista mula sa College of Communications. Sa mensahe ni Bautista pinasalamatan niya ang mga magulang nilang mga nagtapos sa taong ito, “Sa inyong mga magulang na narito ngayon na pinilit na itaguyod ang ating pag-aaral sa loob ng apat na taon at higit pa maraming, maraming salamat po.”

Samantala, nagpasalamat naman si Dr, Daniel Razon sa pagkilala ng unibersidad sa kanyang mga nagawa kasabay ng paalala na ang lahat ng mga bagay na ating tinatamasa ay nanggagaling sa Dios na siyang dapat nating pasalamatan.

“Una sa lahat, huwag kalilimutan ang takot sa Panginoon dahil wala naman tayong magagawa sa sarili natin kung hindi tayo tutulungan ng nasa Itaas. Nagpapsalamat tayo sa pamunuan ng PUP sa pangunguna ni Dr. Guevarra at sa lahat ng mga miyembro ng Board of Regents sa pagkilala na ginawa nila sa ginawa natin. Just as the same, lagi naman ang ating sinasabi — Hindi sa atin ang karangalan at maliit na instrumento lang tayo; looking forward na sana ay maipagpatuloy ang mga nasimulan na natin. At para sa mga kabataan na nagtapos, dapat na makamulatan nila ay ang mga bagay na mabuting dapat na magawa at paano manatiling lumakad doon sa landas na tama.”  (Ulat ni Grace Casin, UNTV News)

(Photo by Kenji Hasegawa for UNTV News)