10% capacity sa mga religious gathering, pinapayagan na sa GCQ areas

Marje Pelayo   •   September 1, 2020   •   260

MANILA, Philippines – Ipinahihintulot na ng pamahalaan ang religious gatherings ng higit sa sampung tao ang dumadalo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kabilang na ang Metro Manila.

Mula September 1, pinapayagan na ang 10 per cent seating capacity sa mga pagkakatipong pang-relihiyon, ayon sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Kinakailangan lamang ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa coronavirus disease (COVID-19).

“Pinayagan na po ang 10 per cent seating capacity, sa (National Capital Region). Pinayagan na rin po sa religeous gathering na 10% hindi lamang hanggang 10 katao,” ani Roquee.

Samantala, sinabi ng Palasyo na napagkasuduan ng mga alkalde sa Metro Manila na paikliin ang curfew hours ngayong isang buwan nang iiral ang GCQ sa NCR.

Ang bagong oras ay magsisimula sa 10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga maliban sa mga syudad ng Muntinlupa at Navotas.

Gayundin, ipatutupad na ang mahigpit na pagsusuot ng face shield at face masks sa mga palengke at talipapa bukod sa mga pampublikong sasakyan, indoor workplaces, at commercial establishments.

Nakadepende naman sa pahintulot ng mga lokal na pamahalaan sa NCR kung papayagang magbukas ang iba pang industriya sa kanilang nasasakupan gaya ng testing at review centers; gyams at fitness centers; sports facilities; at personal aesthetic care establishments. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

TAGS   

IATF to study mayors’ bid to retain Metro Manila under GCQ after Sept. 30 – Año

Robie de Guzman   •   September 25, 2020

MANILA, Philippines – Most mayors in the National Capital Region (NCR) are in favor of extending the general community quarantine (GCQ) being implemented in the region, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año said on Friday.

Año said the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) will meet on Sunday, Sept. 27 to discuss the recommendation of the Metro Manila Council on the next quarantine status in NCR by October.

“Maraming mga mayors ng NCR ang gusto pa rin mag-GCQ pero depende pa rin sa usapan sa Sunday,” he said.

Metro Manila is under GCQ until Sept. 30 as earlier recommended by the IATF and approved by President Rodrigo Duterte.

Año said they will thoroughly discuss the Metro Manila mayors’ proposal in order to balance the factors of public health and economy which has been battered by the coronavirus pandemic.

“Dalawa ‘yan: mahigpit na MGCQ o maluwag na GCQ. Kapag titignan mo mas maganda talaga na naka-GCQ tayo kahit magluwag ka ng konti pero meron kang talagang mas mataaas na panuntunan kaysa yung nag MGCQ ka pagkatapos hihigpitan mo,” he said.

The Department of Trade and Industry earlier said that Metro Manila could be placed under modified GCQ as this would allow the reopening of more industries to help revive the economy.

The IATF is also set to meet with Duterte on Sunday night to discuss the next quarantine classifications in NCR. – RRD (with details from Correspondent Asher Cadapan Jr.)

LTFRB mulls resuming operations of provincial buses from Metro Manila

Aileen Cerrudo   •   September 16, 2020

After six months of temporary suspension due to the coronavirus disease (COVID-19) pandemic, the Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) is now eyeing to resume operations of provincial buses from Metro Manila.

LTFRB Chairman Martin Delgra said they are continuously preparing and coordinating with several local governments on the possible return of provincial buses.

However, there are still provinces that continue to ban the entry of travelers from Metro Manila. Delgra said only Antique, Quirino, and Bataan agreed to open its doors to buses coming from Metro Manila.

“Whatever the case may be, we need to closely coordinate with the LGUs concerned because at the end of every trip it is the LGU that will receive and manage passengers in their respective jurisdictions,” he said.

Meanwhile, several local officials recommended a point-to-point scheme for provincial buses. The LTFRB reiterated they will also consider the areas along the route of the buses.

“They are suggesting na parang point to point po iyong pagbi-biyahe,” Delgra said.

Provincial bus operators have been appealing to the government to allow the resumption of their operations even if its on a limited capacity. AAC (with reports from Joan Nano)

Travel pass kailangan para makabiyahe mula Metro Manila papuntang Tagaytay – JTF CV Shield

Robie de Guzman   •   September 15, 2020

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Joint Task Force COVID (JTF CV) Shield ngayong Martes na kailangan pa ring kumuha ng travel pass ang mga bibiyahe mula Metro Manila papuntang Tagaytay.

“Ang guidelines pa rin ng National Task Force is that kung hindi ka APOR (Authorized Person Outside Residence) at ang lakad mo ay hindi related sa work mo hindi pa rin tayo pwedeng lumiban, lalabas tayo ng probinsya,” ang pahayag ni JTF CV Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar.

“’Yung galing sa Manila kapag pupunta ng Cavite, dapat po may reason ka ng pagpunta doon at kung hindi, dapat kukuha ka pa rin ng travel authority,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Eleazar ang paglilinaw matapos buksan ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang turismo sa Tagaytay.

Ang hakbang ay ipinatupad matapos ang ilang buwang pagsasara mula nang pumutok ang Bulkang Taal noong Enero ngayong taon na sinundan pa ng COVID-19 pandemic.

Iginiit rin ni Eleazar na binuksan lang ang turismo sa Tagaytay para sa mga residente sa Cavite at hindi nito saklaw ang Metro Manila.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) habang ang Cavite naman ay naka-modified GCQ. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.