10.7 milyong residente sa Metro Manila, makikinabang sa ECQ ayuda ng pamahalaan — Malakanyang

Robie de Guzman   •   August 3, 2021   •   284

MANILA, Philippines — Aabot sa 10.7 milyong residente sa Metro Manila ang nakatakdang pagkalooban ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Sakop ng ayuda ang mga residenteng matitigil ang hanapbuhay kapag ipinairal na ang ECQ simula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20.

May P1,000 na ibibigay sa kada low-income individual o maximum na P4,000 bawat pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, P13.1 billion ang kabuuang halaga ng pondong ilalaan para sa ayuda.

“Ito po ay kukunin sa savings sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno. ito po ay nakasaad sa Administrative Order Number 41 na nilagdaan ng presidente last May 12, 2021,” ani Roque.

Batay na rin ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tukuyin ng government agencies ang kanilang savings sa ilalim ng General Appropriations Act para sa taong 2020 upang may maipangdugtong sa COVID-19 response ng pamahalaan.

“Ang gagamitin natin para sa ayuda, ay galing po sa mga i quote… Lahat ng unobligated, continuing appropriations, savings na idineklara ng mga departamento, mga ahensya, bureaus at mga opisina ng national government alinsunod nga po dito sa Administrative Order Number 41,” paliwanag ni Roque.

Nakapaloob din sa P13.1 billion ang contingency fund para sa iba pang mangangailangan ng ayuda.

Kung magkukulang pa ng pondo para sa pinansyal na ayuda sa Metro Manila, kukunin naman ang iba pang karagdagang pondo sa nakolekta ng Bureau of Treasury. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Presyo ng baboy, posible pang tumaas habang papalapit ang holiday season – DA

Robie de Guzman   •   November 22, 2021

MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa ulat ni Aileen Cerrudo sa UNTV C-News, sinasabing umaabot sa P20 hanggang P60 ang presyo ng karne ng baboy.

Sa Mega Q Mart, nasa P420 ang presyo ng kada kilo ng liempo, P350-P360 naman ang halaga ng kada kilo ng kasim.

Sa Commonwealth Market, hanggang P320 ang halaga ng liempo at nasa P360 naman ang kasim.

Nasa P390 ang presyo ng kada kilo ng liempo habang nasa P300 to P340 ang presyo ng kasim sa Malabon Central Market.

Sa Munoz at Guadalupe Market naman, umiikot sa P360 hanggang P380 ang kada kilo ng liempo habang nasa P320 at P330 naman ang kasim.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay bunsod ng kakulangan pa rin sa supply ng baboy dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon sa DA, posible pang tumaas ang presyo ng baboy sa pagsapit ng buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagtaas ng demand kaugnay ng holiday season.

Polisiya sa pagpasok ng mga bata sa mall, dedesisyunan na ng NCR mayors

Robie de Guzman   •   November 18, 2021

MANILA, Philippines – Patuloy nang tinatalakay ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang polisiyang nararapat ipatupad kaugnay ng pagpasok ng mga bata sa mga mall at kahalintulad na lugar sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Ngayong Huwebes, magpupulong ang mga alkade upang pag-usapan kung hihigpitan ba ang mga panuntunan sa pagpasok ng mga menor de edad sa mga mall at iba pang pampublikong lugar, partikular na sa Metro Manila.

Ito ay kasunod na rin ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na pamahalaan na pagbawalan muna ang mga batang may edad 12 taon at pababa sa pagpasok sa mga mall at iba pang kahalintulad na lugar.

Ginawa ng Panguio ang panawagan matapos mapaulat na isang 2-taong gulang na bata ang nag-positibo sa COVID-19 matapos umanong mamasyal sa mall.

Una nang sinabi ng Metro Manila Council na nakikipagpulong na sila sa health experts at stakeholders kaugnay ng isyu para sa gagawing rekomendasyon.

Isa sa mga isinaalang-alang ng konseho ay kung papayagan ang pagdadala sa mga sanggol sa mga mall at iba pang lugar na sakop ng 3Cs category (closed, crowded, close contact settings) dahil hindi angkop sa mga ito ang pagsusuot ng face mask.

Para naman sa Chamber of Commerce of the Philippine Islands (CCPI), may negatibong epekto sa ekonomiya ang pagbabawal sa mga bata sa mga mall.

Ayon kay CCPI President Jose Luis Yulo Jr., malaki ang epekto ng bata sa consumer spending lalo na ngayong lumalakas na muli ang bentahan bunsod ng papalapit na holiday season.

kaya apela ng grupo ng mga negosyante sa pamahalaan, pag-aralang maigi ang usapin bago magpatupad ng polisiya.

Mula nang isailalim sa COVID-19 Alert Level 2 ang NCR ay naging mas maluwag na ang restrictions sa paggalaw ng publiko.

Mas maraming negosyo na rin ang pinayagang mag-operate sa limitadong kapasidad. (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Philippines agrees to resume joint marine scientific research expedition with Vietnam

Maris Federez   •   November 18, 2021

MANILA, Philippines — The Philippines and Viet Nam on Wednesday (November 17) held the 9th Joint Permanent Working Group on Maritime and Ocean Concerns (JPWG-MOC).

In a statement, the Department of Foreign Affairs said the joint session done via video conferencing was “aimed at upholding the rule of the law in the South China Sea and the revival of the joint marine scientific research expedition, which has been halted since 2007.”

DFA-Maritime and Ocean Affairs Office Assistant Secretary Maria Angela A. Ponce led the Philippine delegation; while the Viet Nam delegation was led by National Boundary Committee (NBC) Vice Chairman Nguyễn Mạnh Đông.

“The Philippines and Viet Nam discussed various initiatives for science-based cooperation particularly on marine scientific research, marine environment protection, and hydrometeorology in the 9th JPWG-MOC,” the DFA said.

“Both delegations also substantively covered other issues, including coordination within regional and international fora, fisheries, and maritime security cooperation,” it added.

The DFA said the JPWG-MOC serves as the main platform for dialogue and coordination, practical cooperation, and capacity-building activities among the Philippines and Viet Nam’s maritime agencies.

It is a specialized mechanism established under the Philippines-Viet Nam Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC).

Convened annually, the last JPWG-MOC was held in 2019.  The COVID-19 pandemic halted it in 2020. —/mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.